Chapter Eleven

63 13 4
                                    

Sam's POV

Nandito ako sa hallway. Maaga akong pumasok dahil may sisilayan pa ako! Ehem! Alam na hahaha XD!

Kanina ko pa hinihintay si Shan pero wala pa siya! Tsk! Tinaghali siguro yun. Ang may boyfriend nga naman!

Naglakad lakad nalang muna ako hanggang sa makarating ako sa likod ng gym. Malay mo makita ko si Dwayne dito! Edi pwede ko na siyang rape-in buwahahaha! Pero joke lang yun!

Asa namang magawa ko iyon eh hanggang silay lang ako.

"Celine let's stop this"

"What? But why? You know Marlvic, I love you-"

"But I didn't love you!"

Napahinto ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

Sila Marlvic pala! And it seems like they're having an argument.

Teka? Tama ba yung narinig ko? Hindi mahal ni Marlvic si Celine? Pero diba-

"Bakit? Dahil si Shan pa rin ang mahal mo? Marlvic naman! May boyfriend na siya! May bago na siya at heto ako! Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Lahat naman ginagawa ko para sayo pero wala parin!" Narinig kong sabi ni Celine.

Napa-iyak na siya dahil sa mga sinabi niya. Ako naman ay tahimik lang dito sa may sulok. Nag-iingat ako baka mahuli pa nila ako.

"You know how much I love Shanea! Kaya lang naging tayo dahil pinagbantaan ng daddy ko ang buhay ni Shan pati na ng pamilya niya! Sa tingin mo mamahalin pa kita? Lalo na sa ganoong paraan naging tayo? Na ikaw mismo ang dahilan kung bakit ko siya kailangang hiwalayan! I'm sorry pero ayoko na! Ipaglalaban ko siya at babawiin kahit na anong mangyari" nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga narinig ko.

Ikinagulat ko rin ang paghagulhol ni Celine. Mahal niya talaga si Marlvic? But-

"Masama makinig sa may usapan ng may usapan" napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko.

Parang gusto ng tumalon ng puso ko ng makita ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Waaaaahhh! Si Dwayne! Pero paano napadpad yan dito?

"Hehehe? A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya!

My Instant Boyfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon