Shan's POV
Nine o'clock na rin ng makauwi ako at twelve midnight ng makatulog ako. Kaya hindi na ako magtataka kung mukha akong mamaw ngayon. Wala sa sariling lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen. Seven o'clock palang kaya may two hours pa ako para magprepare.
"Ow em! Waaaaaahhh! Ikaw! Lumayas ka sa katawan ng anak ko! Wag mo syang saniban ng kapangitan mo layas, layaaaaaasssss-"
"Mi! Kapag ako nagkabukol isusumbong kita kay Daddy"ingit ko ng aktong papaluin ako ng sandok ng mahal kong ina. Pero di ko sure kung Mommy ko na talaga sya =______=
"Shan baby? Ikaw ba yan? Bakit- bakit mukha kang zombie eklabush? Hindi naman kita pinaglihi sa pangit ah? Hayy! Paano ka magkakaboyfriend niyan?" Sabi ng Mommy ko habang busy sa pag-check ng istura ko. Seriously? Ganoon na ba ko kapangit tignan?
"Hahaha! Mi ampon yata yan eh! Hahahaha ang pangit mo pffft mukha kang pugita pffft ha-" binato ko ng kutsara ang engot kong kuya na kasalukuyan akong nilalait at pinagtatawanan.
(__ __)
"Mi oh! Ampon daw ako" sumbong ko kay Mommy. Hehe siyempre ipagtatanggol ako niyan spoiled ako diyan eh hehe- anak ng nanay mo! What? Nagkibit balikat lang? Psh!!
Nagdadabog na pumunta nalang ako sa bathroom at naligo. Mas maganda siguro kung doon ko sa school papatayin ang oras ko kesa dito sa bahay na kasama ko ang isang kalog na nanay at kupal na kuya. Ayoko mahawaan nila no.
*****
Almost thirty minutes nalang ang gugugulin kong oras bago magsipasukan sa kanya -kanya naming room. Nandito ako sa garden ng school namin malapit sa main stage. Nakasalampak ako sa mga Bermuda Grass kaya di ako magaalalang madudumihan ang uniform ko. Kagabi, noong dinamayan ako ni Charlie (na hindi ko inaasahang gagawin niya) ay nakapag-isip na rin ako. Siguro nga kailangan ko ng mage move on for real. Pagdating ko nga sa bahay ay sinunog ko na lahat ng makakapag-alala sa kanya. Naisip ko na hindi siguro kami bagay. May taong nakalaan sakin pero hindi sya iyon, at kung sino mang tao iyon, kailangan ko pang maghintay ng isang siglo!
"Pst! Lonely?"
Napalingon ako sa tumawag sakin at ngumiti.
"Hindi naman, nagmumuni-muni lang" sagot ko
"Ahh! Wag mong isipin iyon mahal ka noon" sabi niya
Umiling lang ako bilang sagot. Sana nga oo pero may iba na siya eh.
"Sana nga totoo nalang ang sinabi mo edi sana- ayy hehe wala"bawi ko sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Ficțiune adolescențiHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?