Shan's POV
Papasok na ako ng school. Another day nanaman at siyempre another trials nanaman.
Huweeeee? Ang drama mo Shan!
Naglakad-lakad nalang muna ako habang wala pang klase. Medyo napaaga din naman kasi ang pagpasok ko sa di ko malamang dahilan-
*BOOOOOOGGGGSSSSSHHHH*
"Araaaay"
T_______T
Ang sakit ah! Ang tanga naman kasi ng poste e. Di man lang tumitingin nabunggo tuloy ako!? Walanjo!
"Urrgggh! Nakakainis kang poste ka ha! Masakit kaya! Siga ka ba? Hah? Hah!?" Para akong tanga dito na sinisi yung poste sa katangahan ko (__ __)
Nakakainis kasi e. Ang sakit kaya! T.T
Kinamot ko nalang yung noo ko saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom namin. Tumunog na rin yung ring and it means na time na. Dali dali akong pumasok at dumiretso sa upuan ko. Kasunod ko na ring pumasok ang prof namin.
Di ko classmate si Charlie sa subject na ito dahil Accounting yung subject namin ngayon.
"Good morning class" bati nung prof namin.
"Good morning" sagot naman namin.
"As for now, you will have a new classmate" dahil sa sinabi ng prof namin, kaniya kaniyang bulungan na ang mga classmates ko. Involving kami ni Sam.
"Shaaan! Sa tingin mo sino kaya? Lalaki? Babae? Gwapo? Maganda?" Binigyan ko nalang siya ng DI-KO-RIN-ALAM-LOOK.
Wala rin akong ideya kung sino man iyon. Sana lang maging kaibigan ko siya o baka naman kapalit nila Tiffany? Wag naman sana *CROSS FINGER*
"Please keep quiet! Ms. Celine Miranda you can come in"
O________O
Sino daaaaaw!? Si-
"Celine?" Sabay naming sabi ni Sam.
Ba-bakit siya nandito? At teka? Bakit siya lumipat dito? Hmm! Mukang alam ko na ang sagot!
"Good morning everyone. I am Celine Miranda from St. Judes University. I decided to transfer here in your school because of some reasons thank you" sabi niya sabay tingin sakin.
Err! Awkward! Kaya ba siya lumipat dito dahil gegerahin niya ako? T_____T Diyos ko wag naman sana. Mabait naman ako e. Di ko naman inaagaw sa kaniya si Marlvic e. Kita niyo naman po diba? Sabi ko po friends nalang po kami diba po? Looorrrd? Diba po-
"Hooy para kang namamaligno diyan!" Sinamaan ko nalang ng tingin si Sam. Wengya din tong babaeng to e.
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Genç KurguHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?