CHAPTER FIVE

112 15 6
                                    

Shan's POV

Pa-easy easy at taas noo akong pumasok ng school. Syempre dahil kasama ko ang boyfriend ko este fake boyfriend pala na syang bodyguard ko ^________^

Dahil doon wala ng nambubully sakin =). Nauna na akong maglakad kay Charlie dahil may tumawag sa kanya at kinausap sya. Hindi naman ako chismosa kaya hindi na ako nakinig pero sana naging chismosa nalang ako. Waaaahhh!! Makakasalubong ko sila Tiffany na masasama ang tingin sakin >____

Nang maramdaman kong binibilisan nila ang lakad nila papunta sakin ay kumaripas ako ng takbo patungo sa bodyguard ko. Aba, kailangan ko ng proteksyon dahil sa mga dimonyitang nilalang na iyon.

Humahangos hangos ako na pumunta sa likuran nya habang kausap nya parin si ahh hindi ko kilala eh basta kausap nya si kuya pogi.Nakayuko ako na parang may pinagtataguan na ang totoo meron nga! Pero kahit anong tago ko ay nakita parin nila ako. Tsk! Yan ang advantage sa malalaki ang mata eh, agad nilang makikita ang gusto nilang makita!

Kunot-noo akong tinignan ni Charlie pati na ng kasama nya.

"What are you doing? Your like a crazy woman from psychotic hospital"

Inirapan ko lang sya na ikinatawa naman ng kausap nya. Bakit? Ano bang mali sa ginagawa ko? Nakayuko ako at yung kanang kamay ko ay nasa tuhod ko bilang tukod habang ang kaliwa naman ay kagat kagat ko. Well para akong bata na may ginawang kasalanan. Napakapit ako sa damit nya at pilit na isinisiksik ang katawan ko sa tabi nya dahil papalapit na sa amin si Tiffany.

"Hey what are you doing-"

Hindi na nya nagawang ipagpatuloy ang sinasabi nya dahil nagsalita na si Tiffany.

"Kung akala mong makakaligtas ka dahil nasa likuran ka ng Charliebhabes ko pwes nagkakamali ka!"

Sabi no Tiffany. Aktong lalapit sya kaya lang nagsalita na ako.

"Hep! Don't dare to touch me! Kung hindi- Charlie oh!"

Sabi ko saka nagtago sa likuran ni Charlie. Eh kasi naman akala ko tatalab ang tapang-tapangan ko hindi pala >_____

Napailing-iling nalang sya habang si kuya pogi na kausap nya ay nagpipigil ng tawa.

"Girls if you want to threaten her, you can but not now, she need to pay me first"sabi ni manong Charlie

Naukit naman ang napakalapad na ngiti sa mukha ni Tiffany kasama ng mga alipores nya.

"You hear that? I can't wait to threatened you"sabi nya saka umalis.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ang sarap tadyakan ng lalaking to grabe! Akala ko pa naman 'don't you dare to touch her or else' o kaya naman 'hurt her or you will be dead' ang sasabihin nya pero isang napakasakit sa tenga ang binitawan nya. Tsk! Akala nya hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Hmp!

My Instant Boyfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon