Shan's POV
"Be my Personal assistant"
O_______________O
Whhhhhaaaaaatttttt?
Ako? As in si Shanea Mendoza? Gagawing alalay ng kutong lupa na to? Hah! Never! As in never! Over my dead yummilicious body!
"Ayo-"
"You will start tommorow"sabay alis ng room.
Ako? Naiwan dito ng nakanganga! Buwissssiiittt! Hindi pa nga ako nakaka-angal tapos 'You will start tommorow' agad?
Grr! Kasi naman Marlvic eh! Kung sana hindi mo ako pinagpalit sa hippopotamus na yun edi sana hindi wala akong utang kapag wala akong utang, hindi ako magiging katulong kapag hindi ako magiging katulong, maganda parin ako kapag maganda parin ako- urgh! Nababaliw nanaman ako!
(__ __)
Parang mas gusto ko pa na binubully ako ng mga Mean girls dito sa school at least sanay na ako! Eh ang maging katulong? HINDI AKO SANAY! Grr! Pero hayaan mo na, kesa naman itakwil ako ng magulang ko dahil sa napakaling utang ko sa kutong lupa na yun!
Bahala na bukas!
Mendoza's Residence
"Mi, I'm here" sabi ko ng lantu-lantutay!
Hindi talaga ma-take na bukas mismo magiging alipin ako ng sinasabi nilang prisipe nila! Princesa kaya ako. Hindi ako alila!
"Oooohh! Andito na pala ang Cinderella ko" sabi ni mommy saka nagkiss sakin. Yeah right! Sana nga ako si Cinderella para mula katulong, magiging prinsesa dahil sa isang prinsipe. Eh ako? Kabaliktaran! Prinsesa na magiging alila dahil sa isang 'Prinsipe' na yan! Hmp!
"Mi, hindi yan si Cinderella sya ang witch sa snow white"
Tinignan ko ng masama ang lalaking nagsasalita galing sa kusina! Grr! Dapat doon nalang sya nagstay sa condo nya hindi yung mambuburaot sya dito!
Binato ko sya ng stuff toy na nakadisplay sa divider namin. Good thing nasapul sya sa ulo. Buti nga!
"Kaya ka hinihiwalayan ng boyfriend mo eh. Napaka-sadista mo"sabi ng aking napaka-sweet na kuya! Sa sobrang sweet gusto ko na syang ibudbod sa kalamay.
"Mi oh si kuya!" Sumbong ko nalang kay mommy.
I'm sure ako ang kakampihan nyan dahil parehas daw kaming maganda =))
"Shaun stop that"striktong sabi ni mommy
Natawa ako ng tignan ako ng masama ni kuya. Psh! Talo sya lalo na kapag nagsusumbong ako buwahahaha! Yan ang advantage ng mga bunso pft!
"Magkakaroon din ako ng kakampi kapag dumating na si Daddy"sabi ni kuya na akala mo inapi.
Well kakampi nga nya si Daddy kaya lang under naman Si Daddy kay Mommy. Pft! Hayy! Sana kapag nagka-asawa ako under ko rin haha! Ang sarap kaya ng feeling ng ganun kasi alam mong takot ang asawa mo na lokohin ka kaya no worries about that haha!
BINABASA MO ANG
My Instant Boyfriend (ON-GOING)
Teen FictionHindi lang pala NOODLES ang instant kundi pati BOYFRIEND na rin?