Chapter 1 Bestfriends

10 0 0
                                        

(One week ago)

Hera's POV

Inangat ko ang paningin at pinause ang kantang kanina ko pa pinapakinggan nang maupo sa harap ko ang best friend kong si Elisha.

"Bess!!!" napairap ako sa malakas niyang bati kahit nasa harap ko na siya. Tinanggal ko ang earphone na suot at kinuha ulit ang basahan bago tumayo. Ramdam ko ang pagsunod ni Eli.

"Anong kailangan mo?" sabi ko habang nagpupunas ng table dito sa restaurant.

"Wala, may tatanong lang ako." Tumaas ang kilay ko pero ngumisi lang siya.

"Ano naman?" tanong ko, tinaas niya ang kamay na may hawak na parihabang papel.

"May ticket ka na sa concert? Malapit na iyon at nagkakaubusan na raw ng ticket." Napatigil ako sa pagpupunas at humarap sa kanya. Tinutukoy niya ang unang concert ng Real Quick dito sa Pilipinas.

"Hindi ako pupunta." Sabi ko bago bumalik sa ginagawa.

"What? Why? Pangarap natin iyon diba?" tanong niya.

"El, naubos yung inipon ko para sa concert dahil naospital si Papi. Mas uunahin ko naman ang Papi ko kaysa sa concert." Sabi ko nang di nakatingin sa kanya. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Stephen. Lumapit ako sa kanya at nagulat nang makitang dala pa rin niya ang kaninang dapat ay idedeliver niya.

"Anong nangyari? Hindi mo nakita ang address?" tanong ko pero umiling siya at bumuntong hininga.

"It was a prank." Malungkot na sabi niya at naglakad papunta ng kusina. Napailing na lang ako bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Lagi kayong napaprank?" tanong ni Eli kaya tumango ako.

"Mga walang magawa sa buhay pati negosyo namin ay pinagtitripan nila. Pero okay lang, I know darating din ang araw na dadami ulit ang customer namin. Kaya nga pinagaaralan ng husto ni Stephen ang recipe ni Papi." Sabi ko.

"Okay, I cheer on you but I think sumama ka na lang muna sa concert para kahit papaano marelax ka." Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"El, I told you. Hindi ako makakasama, wala akong pera para sa ticket." Nanghihinayang kong sabi sa kanya, gustong gusto ko talagang pumunta sa concert pero higit na mahalaga pa rin si Papi kaysa sa iba.

Pumunta rin kahapon yung may-ari ng building na kinatatayuan ng eatery namin pero hindi pa rin kami nakabayad kay Mr. Chum. Nakakahiya na nga dahil lagi na lang promissory sa tuwing naniningil siya.

Nandito kami sa HarLene's Bulalohan, filipino eatery na itinayo ni Papi at Mami nung bata pa ako. We served great and delicious pinoy dish before. Isa ito sa pinakasikat at pinakamasarap na bulalohan dito sa Tagaytay lalo na ang bulalo ni Papi pero dati iyon bago mawala ang taong dahilan ng kulay at sarap sa kainang ito, ang Mami ko. HarLene means Harold and Selene na combine name ng parents ko.

9 years ago nang mamatay si Mami dahil sa isang aksidenteng kagagawan ng isang lasing na driver. Kung sino man siya hindi ko siya mapapatawad, kinuha niya ang nagbibigay inspirasyon sa amin. Nalulugi na nga rin ang restaurant, doble kayod na kami nila Stephen at Papi para mapalago muli ito pero walang nangyari. Nawala na kasi ang dating sarap ng mga pagkain dito sa restaurant namin, lalo na at nagkasakit si Papi.

"Hera, are you...okay?" napalingon ako kay Elisha nang magtanong siya.

Nakita ko ang pagaalala sa mata niya at namalayan ko na lang din na lumuluha na pala ako. Lagi akong emosyonal sa tuwing naalala ko si Mami lalo na ang hirap na pinagdaanan namin nang mamatay siya.

"Yup, I'm okay. Balik na ko sa trabaho." Tumayo na ko para bumalik sa pagpupunas ng lamesa pero pinigilan niya ako. Tumaas ang kilay ko pero nakangiti niyang tinaas ang dalawang ticket kaya nanlaki ang mata ko.

My Oppa and IMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon