Chapter 8 Jazz 4

4 0 0
                                        


Isang linggo na rin akong nagtatrabaho sa mga Avellino at ilang araw na ding hindi umuwi dito si Michael Ji kaya di ko na rin siya nakita pagkatapos nang madaling araw na sinamahan niya ko bumili ng snacks. Nabalitaan ko kay Elisha na may road tour daw ang Real Quick.

Mas updated pa siya sa mga nangyayari sa Real Quick kaysa sa akin. Samantalang anak ng amo ko ang leader nila mismo, kaya nga hindi ko mabanggit sa kanya kung sino talaga ang amo ko. I don’t think na alam niya kung sino ang kapatid ni Sir Mico dahil kung alam niya, chinika na niya sana sa akin. Napapanood ko rin sa TV na ilang buwan magiistay ang Real Quick sa Pilipinas na siyang kinatuwa ng mga fans.

Kasalukuyan kaming nanonood ng TV ni Madam nang magflash ang interview ng Real Quick. Nakaupo kami ng magkatabi sa mahabang sofa at nakatutok sa pinanonood.

“Real Quick, now that you’ve said that you’re staying here in the Philippines, is there a chance that you’ll accept offer other projects here? Are you open to work here?” tanong ng isang sikat na showbiz reporter. Ngumiti naman ang apat kaya mas umangat ang kanilang kagwapuhan.

Kahit si Michael ay nakangiti pero halata naman napipilitan lang, palibhasa suplado. Pero kahit suplado marami pa rin ang nagkakagusto, ewan ko sa mga tao bakit mas gusto pa nila ang badboy image kaysa sa good boy. Aaminin ko naman na nagkagusto rin ako sa isang Michael Ji pero naturn off ako sa ugali nang makilala ko siya.

“Actually, that’s the reason why we’re staying here...” sabi ni Darryl Choi dahilan kung bakit biglang nagtilian ang mga fans na nasa studio.

“Really? So, what’s the real reason behind that?” tanong pa ng host.

“Our agency and the KPOP industry agreed the collaboration with one of the biggest PPOP, the Star Entertainment.” paliwanag ni Oliver Lee, alam kong maraming nagulat at natuwa sa binalita nila maging ako rin naman ay natuwa.

“Oh? What group is this?” tanong pa ng host.

“Jazz 4…” sabay sabay na sabi ng banda na siyang kinagulat ko.

Magagaling kumanta at sumayaw ang Jazz 4, magaganda rin sila. All girl group band na PPOP ang Jazz 4.
Pagkasabi ng banda sa pangalan ng Jazz 4 ay siya naman paglabas nila. Narinig ko pa ang tilian sa background na mukhang galing sa audience sa studio nila.

Unang naglakad papasok ang leader ng grupo na si Jazzlyne Arenas o Jazz kung tawagin ng lahat. Maganda, matangkad, mestisa at sexy. Napakasopistikada niyang tingnan at alam ko galing siya sa mayamang angkan ng mga Arenas.

Sumunod si Leila Tobias o Lei, alam ko siya ang bunso ng grupo. Maganda, payat, morena, bilugang mata at nasa 5 flat lang ang height, maikli lang ang buhok niya. Nasa likod ni Leila ay si Audrey Aguirre, ang visuals. Maganda rin siya, may malaporselanang kutis, singkit at may may kahabaan ang buhok. Si Kristina Aragon o Kris ang huli na siyang maganda rin, pero parang kikay base pa lang sa kanyang kilos.

Naupo ang apat katapat ng mga lalaking nakaupo sa malaking sofa. Matapos humupa ang sigawan ng tao ay nagsalita ang host.

“Whoah, the collaboration of Real Quick and Jazz 4. I know, it will be a big break for Pop industry..” Komento ng babaeng host na nakapagpangiti sa dalawang banda. “Hi, Jazz 4. Do you have anything to say for Jazzer and Quicker all over the world about your collaboration?” tumikhim si Jazz bago kunin ang mic at magsalita.

“To all Jazzer and Quicker there, I just want to say thank you for your support. Hindi namin ito mararating kung hindi dahil sa inyo. You made it possible, thank you for your unending support for us.” Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Jazz.

“Real Quick? Do you have anything to say?” umayos ng upo si Michael bago tumingin sa camera.

“Thank you…” muntik na akong mapanganga sa madamdamin niyang speech. Nagtawanan ang lahat na nasa studio.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon