“Mico, what are you doing here?” tanong ni Madam nang makita namin si Sir Mico sa loob ng opisina ng doktor ni Madam.
“Eomma, of course I’m your son kaya dapat lang na malaman ko ang kondisyon niyo.” Sabi ni Sir at bumeso sa ina.
“Pero iniwan mo ang trabaho mo.” Umiling si Sir sa sinabi ng ina.
“Eomma, kahit for once pwede bang pagkatiwalaan niyo ako? Anak niyo ako kaya magtiwala kayo sa akin, hindi ko kayo bibiguin.” Wala nang sinabi si Madam at naupo na lang.
Nanatili akong nakatayo sa tabi ng pinto ng office at nakikinig sa kanila. Bilang caregiver dapat alam ko rin ang kondisyon niya para mas maalagaan ko siya.
“Hindi niyo pa rin ba nais na ipaalam kay Michael ang kondisyon niyo?” umiling si Madam sa tanong ni Sir Mico. “Pero hindi ba na mas makakabuti kung malaman niya, baka mas mapatawad niya kayo at maintindihan?” bumuntong hininga si Madam.
“Mico, mas maganda nang hindi niya ko patawarin hanggang mamatay ako para hindi na siya mahirapan pa.” sagot ni Madam kaya tumahimik na si Sir. Napaatras ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng doctor na mukhang nasa 30’s pa lang at mukha ding koreana.
“Tita…” pagtawag niya kay Madam at nagbeso sila. Tinapik niya naman si Sir Mico sa balikat, mukhang magkakakilala sila bukod sa doctor siya ni Madam.
“I heard, Sung Ae’s here in the Philippines. Where is he?” nakangiti niyang tanong at nagkatinginan ang mag-ina.
“Yeong Ra, hindi pa alam ni Sung Ae ang kondisyon ni Eomma.” Sabi ni Sir Mico, sinong Sung Ae? Nanlaki ang mata ko nang maalala ang korean name ni Michael ay Sung Ae.
“Oh, I see but I suggest you need to tell him everything. After all, he’s part of your family.” Sabi ng doctor.
“Iyan na nga ang sinasabi ko kay Eomma pero nagmamatigas eh.” Sinenyasan ako ni Sir Mico na lumapit kaya lumapit ako sa kanila. “By the way, she’s Hera, Eomma’s personal caregiver and Hera, this is Doctora Seo Yeong Ra, Eomma’s personal doctor and our cousin in father side.” Yumuko ako at ngumiti kay Doctora Seo. Ngumiti rin siya at nakipagkamay.
“Yeong Ra, I want to know the result.” Seryosong sabi ni Madam. Naramdaman kong biglang sumeryoso ang lahat maging si Sir Mico ay kinakabahan sa result ng huling test sa kaniya.
May pinakita na kung ano sa monitor si Doctora at tinuro niya iyon. Nakatutok naman ang lahat sa monitor at nakinig sa paliwanag niya.
“As you can see, kumakalat at mas lumalakas na ang cancer cells na nasa katawan mo.” Paliwanag niya at marami pa siyang sinabi na medical terms and fortunately ay alam ko dahil natatandaan ko pa ang ilang pinagaralan namin.
“Ibig sabihin ba nito ay hindi na tumatalab ang chemotherapy niya?” tanong ni Sir Mico kaya malungkot na tumango si Doctora.
“Sung Tae, I’m sorry to tell you this but she’s weak. I don’t want to give her a due date but I think ihanda niyo na ang sarili niyo.” Malungkot na sabi ni Dra. Seo.
******
Nakatulala lang ako habang gumagawa ng lemon juice ni Madam. Hinahalo ko ito at napatigil lang nang may magsalita sa gilid ko.
“What the hell?” napalingon ako sa maingay na sumigaw, anong ginagawa ng monster alien dito?Lagi na lang siyang nagmumura kapag nakikita ko.
“What?” iritang tanong ko at tinuro naman niya ang juice na umapaw na ang tubig.
Di ko namalayan sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko kasi maiwasang alalahanin ang narinig kong kalagayan ni Madam. Ganun na ba kalala ang lagay niya? Naaawa ako kay Madam, bigla akong napatitig kay Michael. Siya ang higit na kaawa-awa, hindi man lang niya alam na may malalang karamdaman ang ina at may galit pa siya dito.
BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...