Chapter 5 Madam

5 0 0
                                        


Matapos ang pag-aayos ng gamit ko ay naligo muna ako bago lumabas at kinuha ang gamot na binigay ni Nanay Pining para kay Madam. Pagtapat ko sa kwarto ni Madam ay huminga ako ng malalim, naalala ko ang sinabi ni Nanay Pining sa akin kanina.

“Hera, isa pang bagay na lagi mong tatandaan kapag magpapaalala ka ng gamot kay Madam. Kailangan mo nang tiyaga sa pagpapainom ng gamot.”

“Bakit po?”

“Mas naalala niyang may sakit kasi siya. Nadedepress siya sa tuwing maalala ang sakit niya kaya nagiging maingat kami pagdating sa pagpapainom ng gamot niya.”

Masyado na raw itong nadepress dahil sa sakit niya at napapagod nang lumaban. Para sa akin naman hangga’t hinahayaan tayo ng Diyos na mabuhay ay may pag asa pa na tutulungan niya tayo.

Napapikit ako matapos kong kumatok, kinakabahan. Ilang minuto na kong nakatayo sa labas ng kwarto niya pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at umikot ito kaya bahagya kong tinulak ang pinto.

“Madam?” pagtawag ko nang makapasok ako sa kwarto, nilibot ko ang paningin sa kwarto. Malaki siya at napakaelegante nang kabuuan. Nakaharap ako sa kama ng may marinig akong pagbukas ng isang pinto sa likod ko.

“Anong ginagawa mo dito?” mabilis akong lumingon sa likod  nang marinig ang masungit na boses ni Madam.

“Madam, oras na po kasi ng pag-inom niyo ng gamot. Pasensya po dahil pumasok ako nang di nagpapaalam.” Inabot ko ang gamot na tinanggap niya naman.

Nakacross finger ako sa likod ko at pinagdadasal na sana uminom si Madam ng gamot. Hindi ko pinansin ang ulo niyang walang buhok. Marahil sa chemotherapy kaya nagkaganyan siya. Wig lang pala ang kanina niyang suot, bagong ligo lang siya.

“Why don’t you knock? Are you a thief?” mabilis pa sa alas kwatro akong umiling. Thief agad?

“No, Madam. Nag-aalala po kasi ako nung kumatok ako at walang sumagot kaya pumasok na po ako.”

Mataman lang siyang nakatitig sa akin habang iniinom ang gamot niya, nakangiti lang ako sa kanya na may halong kaba. Nakahinga ako ng maluwag ng mainom niya ang gamot. Sinundan ko ang ginang ng tingin nang maglakad siya papunta sa full length mirror. Nakatayo lang siya doon at seryosong nakatingin sa itsura niya.

“Do I look ugly?” nagulat ako sa tanong niya. Noong una di pa ko sigurado kung ako ang kausap niya pero nang lumingon siya sa akin ay umiling ako.

“Bakit parang nagtaka ka pa kung ikaw ang kausap ko? Wala namang ibang tao dito. What do you think of me? Talking to myself? May cancer lang ako pero di baliw para kausapin ang sarili.” Inilapag ko sa bedside table ang platitong pinaglagyan ng gamot at baso tsaka tumingin sa kanya.

“Hindi naman po kapag kinakausap ang sarili sa salamin ay baliw agad.” Pinigilan kong mapanguso baka kasi pagalitan niya ako at sabihang childish. Kapag kasi nagpout ako lagi akong inaasar ni Stephen at Elisha na childish daw iyon.

“Bakit, nagawa mo na ba iyon?” tumango ako sa naging tanong niya sa akin. “Bakit?” ngumiti ako at lumapit sa kanya. Sabay kaming humarap sa salamin.

“Kapag kinakausap ang sarili ibig sabihin mas gusto niyo pang kilalanin ang sarili ninyo. Kinakausap ko ang sarili ko kapag nagdududa ako sa sarili ko. Kapag bumababa ang self esteem ko o kapag gusto kong malaman kung ano ba ang dapat kong gawin.” Nakangiti kong sabi sabay harap sa kanya pero nagulat ako nang makitang nakatitig ang ginang sa akin. “Maganda po kayo, iyan ang nakikita ko.” nakangiti kong sabi bago kunin ang baso at ang platitong pinaglagyan ng gamot.

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa.

“Don’t fool me dahil amo mo ako. Just tell me the truth.” Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon