Nakasimangot ako habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Madam. Nang may nagsalita sa loob ay diretso na ko pumasok. Nakasimangot pa rin na kinuha ko ang pang BP para icheck ko ang blood pressure ni Madam pero mukhang ako yata ang kailangan icheck ang BP. Tinititigan ko lang ito nang marinig kong magsalita si Madam kaya napatingin ako sa kanya.
"Kung masama ang loob mong gawin yan, magquit ka na lang." napapitlag ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mata.
"Hala, Madam hindi po. Inis lang po talaga ako sa baba pero wala pong kinalaman ang trabaho ko dito." Tama, imbes na mainis ako ay magfocus na lang ako sa trabaho ko. Tutal personal nurse lang ako at ang focus ko ay alagaan lang si Madam, hindi ang hinayupak na iyon.
"Bakit ano bang nangyari sa baba?" kunot noong tanong ni Madam.
"May monster po kasi." Wala sa sariling sabi ko pero nanlaki ang mata ko nang marealized ko ang sinabi. Titig na titig siya sa akin at parang tinitimbang kung totoo ba ang sinabi ko o nababaliw na ko.
"Who?" tanong pa niya. Lumunok muna ko bago lumapit sa kinaroroonan niya, nasa kama siya at nagbabasa ng libro.
"Ahhh... Wala po may ulupong lang po sa baba." Alanganin kong sabi at napapikit.
Hindi na siya nagsalita pa at nanatiling tahimik pero napadilat ako nang marinig ang pagtawa niya. Hindi ko nga alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko at kung sino ang tinutukoy ko.
******
Naalimpungatan ako nang makaramdam ng uhaw kaya tumayo ako. Nakalimutan ko pala magdala ng tubig dito sa kwarto, madalas pa naman ako mauhaw. Tiningnan ko ang oras at alas dos pa lang pala ng madaling araw.
Lumabas ako ng kwarto, madilim sa buong bahay alam kong tulog na ang lahat ng tao dito maliban sa mga guard na nagbabantay. Lalakad na sana ako pababa ng hagdan ng makarinig ako ng mga ungol. Lumapit ako sa katapat na kwarto para tingnan iyon dahil doon nanggagaling ang ungol.
Napaatras ako nang bumukas ang pinto at may pandesal ang bumungad sa akin. Sa paningin ko parang kumikinang ito dahil basa pa ito ng pawis. Wow, abs.
"What are you doing? Enjoying the view?" unti unti kong inangat ang mukha at nakita ang nakangisi niyang mukha. Ang gwapo, pero napailing ako nang maalala ang ugali niya, masyadong mapanlinlang ang mala-anghel niyang mukha.
"Babe, who's that?.... Who are you?" napaatras ako ng makita ang babaeng may balot ng kumot sa katawan kaya binalingan ko ng tingin ang lalaki sa harap ko na tanging boxer short lang ang suot habang walang emosyon na nakatingin sa akin.
"Don't you dare tell others about this." Malamig niyang sabi kaya napapalunok na tumango ako.
"Celine, go home now." Baling pa niya sa babae.
"It's Sheila. Pagkatapos mong masarapan ay kakalimutan mo ang pangalan ko." maktol nung Shiela raw, napangiwi ako. Girlfriend niya, di alam ang pangalan.
"I don't care. You're not even special para tandaan ko pa ang pangalan mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay dinaanan niya ako at diretsong lumabas ng kwarto.
Tiningnan ko ang babae na nagmamaktol na pumasok para siguro magbihis. What was that? I'm right, he's a total jerk.
"Hoy, ano iyon? Grabe ka, bakit mo ginawa yun sa babae?" kinalabit ko siya kaya nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Huminto kami nang isang palapag na lang ay nasa baba na kami.
"Don't call me, hoy. I'm your young master." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Baka young monster." Mahina kong sabi kaya sinamaan niya ako lalo ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Oppa and I
Romance"ARE YOU READY TO BE PART OF HIS LIFE?" KPOP? Idol? Korean? Oppa? What about them? What they have para hangaan sila ng marami? Handsome? Cool? Good Voices? Good Dancers? Talented? They are almost perfect but who they really are? Paano kung isang a...
