Chapter 2 Offer

4 0 0
                                    


Nakangiti ako habang nakatingin sa concert ticket na hawak ko para sa next week concert ng Real Quick. Hindi ko alam kung bakit ito ang una nilang concert dito samantalang may rumor na lahat ng miyembro ay half korean half filipino.

Inangat ko ang ulo ko nang tumunog ang bell sa pinto, senyales na may pumasok. Nakaupo kasi ako dito sa may counter at nakahalumbaba. Tumayo ako at pinuntahan ang mga bagong customer na pumasok, iginiya ko sila sa bakanteng pwesto.
Napakadalang lang kasi talaga ang pumapasok sa restaurant namin, may tatlong table lang ang okupado.

“Good afternoon, may I take your order?” tanong ko sa limang magbabarkada yata. Nakangiting nag-angat ng tingin ang babaeng blonde ang buhok. Nang pumasok sila kanina ay nagtatawanan sila, nakita ko ang tinitingnan nila.
Real Quick members. So they are Quickers?

Nang matapos nila sabihin ang order ay sinulat ko ito at agad itong inabot kay Stephen na nakatoka sa kusina. Matapos ay lumapit ako sa speaker at sinaksak ko ang phone ko.

I don’t wanna hold you back
Eosaekan shiseoneuro
Doraboji ma meonjeo mareul hae baby

I don’t wanna hold you back
Bulgeojin shiseoneuro
Neol barabojana baby ~ ~ ~
(Music: Baby by The Rose)

Sinabayan ko na ng kanta ang tumutugtog na isa sa paborito kong cover ng real quick. Gusto ko kasing mawala ang antok at hangover ko kahit kasi hapon na, pakiramdam ko pinupukpok pa rin ng martilyo ang ulo ko.

Niyuko ko ang ulo pero napaangat din nang may maglapag ng kape sa harap ko.

“Inom pa more…” nakangising sabi ni Stephen, nang-aasar. Inirapan ko siya at hinanap ang order ng table number 5.

“Binigay ko na kay kuya Jeric, siya na ang nagserve.” Sabi niya nang mahulaan ang hinahanap ko. Tumango ako at ininom ang kape na inabot niya.

“Ang sakit ng ulo ko…” nakangusong sabi ko sabay yuko uli ng ulo sa counter top. Inangat ko lang uli ang ulo nang may magbabayad na.

“Thank you, come again.” Nakangiti kong sabi kahit pakiramdam ko may naglalagari sa ulo ko. “Aray,” hinawakan ko ang noo ko na pinitik ni Stephen bago siya samaan ng tingin.

“Umuwi ka muna at matulog, malulugi lalo ang eatery sa itsura mo.” Sermon ni Stephen pero umiling ako.

“I can’t… sasamahan ko pa si Papi na magpacheck up. Inaantay ko na nga lang siya.” sabi ko at tiningnan ag cellphone ko. Nakita kong may new message receive ako.

From: My Bestie Eli 
Girl, saan ka ngayon? Punta ka dito sa ospital, may ipapakilala ako.
Kumunot ang noo ko, may ipapakilala?

To: My Bestie Eli 
Mamaya maya pupunta kami ni Papi diyan para samahan siyang magpacheck up. Anong ipapakilala? I’m not interested on dating, I have many priorities.

From: My Bestie Eli 
Gaga ka? May offer akong raket sa iyo at hindi set up ng date.

Natawa ako sa nireply niya at napailing.

“Si Eloy?” tanong ni Stephen kaya tumango na lang ako. Napatayo ako nang makita si Papi na pumasok ng restaurant kasama si Sky.

“Sky, salamat sa paghatid.” Sabi ko nang makalapit sila sa amin, tumango lang si Sky at hindi na nagsalita, sinuot ulit nito ang headphone bago naglakad papunta sa bakanteng lamesa. Nilapitan siya ni Kuya Jeric para ibigay ang lagi nitong order. Nakakunot ang noo namin na sinundan siya ng tingin.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon