Chapter 6 Jerk

4 0 0
                                        


Tinapos ko na ang pagaayos sa sarili ko nang mabasa ang text ni Eli na nasa Manila na siya at papunta na ng arena. Agad ko nang kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Nanay Pining at sabi ng isang katulong nasa kusina daw ito para maghanda ng dinner.

“Nanay Pining,” lumapit ako sa kanya kaya lumingon siya.

“Oh, Hera. Aalis ka na? Nakausap ko si Madam, sabi niya pinayagan ka na niyang umalis.” Ngumiti ako at tumango.

“Opo. Tawagan niyo na lang po ako kapag nagkaproblema kay Madam.” ngumiti siya.

“Oh, sige ingat sa date.” Kumunot ang noo ko.

“Nanay, bestfriend ko pong babae ang kasama ko at pupunta kami sa concert.” Tumango siya.

“Ganun ba? Kaninong concert naman?”

“Sa Real Quick po, sige po alis na po ako.” Agad na kong lumabas ng kusina kahit parang may gusto pa yata siyang sabihin sa akin.

*****

(Present)

“Hoy,” nawala ako sa pagkatulala nang kalabitin at sigawan ako ni Elisha.

“El, sampalin mo nga ako.” Wala sa sariling sambit ko, nanlaki ang mata ko nang makaramdam ng hapdi sa pisngi. “Aray, bakit mo ko sinampal?” inirapan niya ako.

“Okay ka lang, babae? Sabi mo sampalin kita tapos tatanungin mo ako kung bakit kita sinampal? Yung totoo, nagdudrugs ka ba?” umirap ako at ngumuso bago kami naglakad papuntang kotse niya. “Okay ka lang ba talaga? Anong nangyayari sa’yo?” tanong pa ng bestfriend ko.

Napahinto ako sa paglalakad at nakangiting inamoy ang kamay kong nahawakan niya. Nakita kong napangiwi si Elisha sa ginagawa ko.

“Lasing ka ba?” tanong pa niya kaya natatawa akong umiling.

“Nope, I think I’m dreaming.” Para akong lumilipad sa alapaap sa pakiramdam ko. Sinamaan ko ng tingin si Elisha nang batukan niya ako.

“Dreaming ka diyan, alam mo konti na lang ipapamental na kita.” Hindi ko siya pinansin at tumalikod sa kanya kaya narinig ko ang tili niya na nakapagpangiti sa akin. “Oh my…. Is that an autograph of Michael Ji?” nakangiti akong tumango kaya panay na ang hampas niya sa balikat ko.

“Aray ko, nakakarami ka na ah!” reklamo ko sa kanya kaya nagpeace sign siya.

“Sori, pero girl saan ka nakahingi ng autograph? Hindi kasi ako nakaabot sa VIP tickets kaya hindi ako nakakakuha.” Sabi niya kaya humarap ako sa kanya.

“He grabbed my hand then gave me an autograph. I think may humahabol sa kanyang fans tapos hindi sinasadya niya akong hatakin. Kaya ito binigyan niya ako ng autograph.” Nagtitili siya sa kwento ko at kinuha ang kamay ko.

“O.M.G., really? Paamoy ng kamay mo na hinawakan niya.” Sabay kaming nagtitili na parang baliw sa gitna ng parking habang magkahawak ang kamay.

Napatigil lang kami nang may biglang bumusina sa likod namin. Tumabi kami at natulala na naman nang makita namin kung sino ang driver ng asul na sports car dahil nakabukas ang window niya.

“Can I go? Is it okay?” may pagkasarkastiko niyang tanong kaya wala kami sa sariling tumango. “Tss, magpapakamatay na lang mandadamay pa. Crazy idiots.” Imbis na mainis sa panglalait niya ay mas kinilig pa kami sa pagtatagalog niya.
Kailan pa nakakagwapo ang pagtatagalog? Napailing na lang ako. Tulalang sinundan namin siya ng tingin kahit nakalayo na ang kotse niya.

“Girl, ang gwapo ni Michael Ji sa malapitan.” Sambit ni Eli na sinang-ayunan ko.
Sabay na kaming naglakad hanggang sa makapasok ng kotse niya. 

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon