Chapter 3 Close

3 0 0
                                    


Maaga ako nagising kinabukasan at agad na nagluto ng breakfast bago naligo. Sinangag, hotdog at itlog lang ang breakfast namin na tinakpan ko muna with hot chocolate.

“Paps, kumain na lang po muna kayo diyan at babalik ako mamayang lunch para dalhan kayo ng pagkain.” Sabi ko paglabas ng kwarto at nadatnan si Papi sa kusina.

“Magiingat ka.” Nagmano lang ako kay Papi bago lumabas ng bahay, nadatnan ko pa si Sky sa tapat na may suot na naman na headphone.

“Sky, pakibantayan muna si Papi. Mamaya magdadala ako ng cake sa inyo.” Sabi ko pero hindi na siya sumagot at tumango lang.

Napailing na lang ako at umalis na kahit di ako sigurado kung narinig niya ako dahil sa suot na headphone. Bakasyon naman kaya pumapayag si Sky na tingnan tingnan si Papi pati ng nanay niya.

Binibigyan ko lang sila ng kahit magkano at willing naman tumulong si Aling Janna. Kaya naman talaga ni Papi pero nagaalala lang ako kapag wala siyang kasama.
Pagdating sa eatery ay kumunot ang noo ko nang makitang nasa labas si Stephen at kuya Jeric kausap si Mr. Chum, yung kalbong landlord ng resto.

“Mr. Chum, kahit na isang buwan lang po mababayaran din namin kayo.” Rinig kong sabi ni Stephen nang makalapit ako.

“Anong nangyayari?” tanong ko kaya napalingon sila sa akin.

“Hera, buti nandito ka na. Ang tagal na palugit ko sa iyo pero may pangangailangan din ako. Bukod sa upa ninyo ay may utang ka pang pera sa akin nang magkasakit ang tatay mo. Gipit din ako at kailangan ko nang pambayad ng tuition ng anak ko.” mabait naman talaga si Mr. Chum dahil sa tuwing gipit kami sa kanya lang kami lumalapit at aaminin ko na umaabuso na kami.

“Pasensya na po, Mr. Chum pero pangako gagawa po ako ng paraan para bayaran kayo. Mahina lang talaga ang kita ng kainan kaya gipit din po kami. Kapag po nakadelehensya ako ng pera, pangako ibibigay ko agad sa inyo.” Umiling iling lang siya kaya napabuntong hininga ako.

“Pasensya na rin, Hera. Alam kong mabait at maasahan ko kayong mag-ama pero intindihin mo rin ang sitwasyon ko. Alam kong mali na hindi ko agad sinabi sa inyo pero kailangan ko talaga ng pera kaya ibinenta ko agad ang building na ito.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Po? Mr. Chum naman bakit di niyo agad sinabi sa amin. Paano po ang eatery namin?” nanghihina kong sabi.

“Pasensya na talaga, umuwi ang asawa ko at nalaman niyang isang taon na kayong hindi nakakabayad ng upa at may utang pa kayong 100,000 pesos. Kaya hindi na ko nakatanggi nang sinabi niyang ibenta ko na ang building. Kukunin na rin namin ang mga gamit niyo na pwede pang mapakinabangan para ibenta dahil sa laki ng utang niyo.” Nanlaki ang mata ko.

“Mr. Chum, huwag naman po pati gamit sa kainan.” Umiling lang si Mr. Chum.

“Sorry, alam niyo naman na ang asawa ko ang nasusunod sa lahat.” Sabi niya at naglakad na palayo, napaupo ako sa gutter at nagpahalumbaba.

“Hera, ito na ang mga belongings mo.” Inangat ko ang ulo at nakita si Kuya Jeric na inaabot ang ilang personal na gamit ko. Tumabi silang dalawa sa akin at nilapag ni Stephen ang business signage namin sa aming harapan.

HarLene’s Eatery

“Paano ba iyan? I think I need to find another job. Alam niyo na, ako nagpapaaral sa mga kapatid ko kaya kailangan ko ng trabaho.” Sabi ni kuya Jeric matapos ang ilang sandaling katahimikan.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon