Chapter 4 Mr. Unknown

3 0 0
                                    


“Hello?” napapikit ako nang may sumagot na sa kabilang linya.

“Mr. Ji? Si Hera po ito yung nirecommend ni Kuya Eldan na care giver.” Sabi ko.

“Oh yeah, so nakapagdesisyon ka na ba?” 

“Available pa po ba ang trabaho na inooffer ninyo?” tanong ko.

“Yes and I’m waiting for your answer, Ms. Valle.” Sabi pa niya.

“Tinatanggap ko na po ang offer.” di ko alam kung tama ba ang naging desiyon ko na tanggapin ang trabahong ito pero kailangan para kay Papi ko.

“Great then its settle, can we meet para mapagusapan na natin ang details?” sabi niya kaya sinabi ko na sa malapit na coffee shop na lang dito sa ospital kami magmeet.

“Sinong kausap mo?” nilingon ko si Stephen na kalalabas lang ng kwarto ni Papi.

“Stephen, maaasahan ba kita?” sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

“What are you saying? Of course, kailan mo ba ako hindi naasahan?” napangiti ako sa sinabi niya, alam ko na lagi siyang on the go para tulungan ako.

“I accepted Mr. Ji’s offer. Wala na akong mapagpipilian at isa pa malaki ang offer niya. Wala na ang eatery pero muli natin iyon bubuksan. May sakit pa si Papi, kailangan ko ng pera. Stephen, willing ka bang….”

“Makasama ng Papi mo? Hera, I can take care of him at maaasahan mo ako.” Napangiti ako at niyakap siya.

“Salamat, aalis lang ako ngayon para makipagmeet kay Mr. Ji.” Tumango siya kaya napangiti ako at nagpaalam na.

Paglabas ko ng ospital ay pumasok ako sa coffee shop at nakita si Mr. Ji sa may bintana. Lumapit ako at umupo sa harap niya.

“Hi, Ms. Valle.” Nakipagkamay ako sa kanya at inexplain niya na kung pwede the day after tomorrow ay luluwas na ko ng Manila.

“Sir Mico, ah one more thing…” Napatigil siya sa akmang pagtayo kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, ni hindi pa nga ako nakakapagsimula.

“What is it? Is there anything you want? Say it.” Napalunok ako sa sinabi niya.

“Uh, ano po… kasi ganito. Wala na po pala, salamat po sa trabaho. Makakaasa po kayo na pagbubutihan ko.” hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin dahil kinabahan na ko.

“I will handle everything, so don’t worry.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Umalis na siya kaya bumalik na rin ako sa ospital pero bumili muna ako ng prutas sa malapit.

Pagdating sa hospital room ni Papi ay naabutan ko si Eli sa loob na tinitingnan ang IV ni Papi. Napalingon siya sa akin at ngumiti.

“Nagising na ba siya?” tanong ko at nilapag ang dala kong prutas.

“Yup, hinahanap ka kaya buti na lang nasabi ni Stephano sa akin na umalis ka. Wait, totoo bang tinanggap mo ang offer ni Kuya Mico?” tumango ako sa tanong niya at naupo sa upuan malapit sa kama ni Papi.

“I have no other choice, I need a job para mabigay ko ang pangangailangan ni Papi at mga gamot niya. Kailangan ko rin ng pera para sa mga bayarin sa ospital at treatment niya lalo na at wala na ang business na siyang pinagkakakitaan namin.” Sabi ko habang nagbabalat ng prutas.

“Okay na rin siguro iyon para makatulong sa inyo. Mabait ang mga Avellino, sayang nga at hindi pa kami nakapunta ni kuya sa kanila sa Manila dahil madalas sa bahay lang sila gumimik ni kuya.” Sabi ni Eli habang nagsusulat sa clipboard niya.

“Anong alam mo sa pamilya nila?” curious kong tanong kasi parang ang dami niyang alam.

“Wala masyado dahil hindi naman naikwekwento ni kuya ang mga pinaguusapan nila ni Kuya Mico. Basta ang alam ko lang Korean ang tatay ni Kuya Mico at may nakababata siyang kapatid sa Korea. Bata pa lang sila nang maghiwalay ang mga magulang nila... sige una na ko dahil mag-rounds pa ko.” tumango ako at napabuntong hininga nang maiwan na lang kami ni Papi sa kwarto hanggang sa nakatulog ako.

My Oppa and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon