Chapter 12-Pageensayu

1K 36 0
                                    

"Ley,Dito muna ako matutulog"napatingin naman ako kay jes na dala dala ang kumot at unan nya umusog naman ako kaya napaupo sya sa tabi ko nandito kasi kami sa Dorm ng mga Royalties.

"Sige tabi nalang tayu jes"sabi ko at inayos ang mga unan ko ang sama parin ng mukha nya naku mukhang galit pa ata kay Vince.

"Salamat ley,Ayaw ko kasing matulog sa silid ko dahil baka may kumatok na masamang elemento"nakasimangot na sabi ni jes at napacrossarm pa habang nagsalubong ang kilay nya.

Napatigil naman kami ng may kumatok tumayo naman si jes saka binuksan ang pinto

"Nandit- Mahal ko dito kalang pala nagalala ako sayu"sabi ni vince napatingin nalang ako sakanila.

"Ang masamang elemento,Umalis kana mapapahinga na kami paalam"sabi ni jes may sasabihin pa sana Si Vince pero padabong na sinara  nya ang pinto.

"Hindi pa ba kayu nagkakabati?"tanong ko padabong naman na umupo sa kama si jes.Saka napacrossarm nagkakasalubong parin ang kilay nito.

"Hindi,Pero matanong nga kita ley Sino kina Azer at Raven ang pipiliin mo?Diba si Azer?"Sabi ni jes sabay pacute sakin.Hindi ko alam pero di ko alam magkaibigan lang naman kami bat pa pipili?

"Magkaibigan lang naman kami bakit pa ako pipili?Ang gulo mo jes"sabi ko at napahiga nalang ako saka napapikit.

"Ewan ko sayu ley apakamanhid mo,Matulog na nga tayu"Napatingin ako sakanya di ko naiintindihan ang pinupunto nya napabuntong hininga nalang ako saka napapikit.Marami rami ang nangyari ngayung araw nakakapagod.Kailangan ko nalang gawin ngayun ay paghandaan ang bagong bukas na puno ng pagsubok

"Ley,Gising kana may pasok na tayu "sabi ni jes kaya napaupo naman ako nang maayos.Oo nga pala may pasok na.

"Nandun na sa banyo ang mga kailangan mo tumayo kana jan bilis para makakain na tayu"Sabi ni jes napatingin naman ako sakanya na nakapaligo at nakabihis na.

"Sige salamat jes"agad naman ako napatalon at tumakbo sa banyo.

Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin ang malapad at malinis na banyo kung di lang banyo to pwede na tong tulogan.

Binuksan ko naman ang bintana sa gilid ng banyo bumungad agad sakin angmagandang tanawin at ang  malamig lamig na hangin ang sarap sa pakiramdam napatingin naman ako sa baba kitang kita mo talaga ang magandang view sa ilalim nasa Ikalawang palapag itong kinatatayuan ko napakaganda sa Mata ang berdeng paligid na May mga lumipipad lipad na mga Fairies na maliliit.

--

"Ang tagal mo naman ley"sabi ni jes habang nakaupo lang sa upuan.Nakasimangot naman sya.

"Pasensya na ang sarap kasi sa pakiramdam ng tubig,Tara na jes"nauna naman syang naglakad palabas di ko pa kasi kabisado ang lugar saka di ako nakagala dahil masakit pa ang ulo ko kagabi buti nga inalalayan ako ni Raven papunta dito nahihiya nga ako pero di ko kayang maglakad mag isa natutumba ako.

Napatingin naman ako sa baba ng hagdan nakita ko naman agad ang ibang royalties na kumakain sa isang mahabang mesa na mayroong maraming pagkain nakita ko naman naagaw ang attention nila samin ng makita kami nakakahiya hinapit naman ni jes ang kamay ko saka pumunta kami sa mesa pinaupo naman ako sa upuan sa tabi ni Raven naupo narin si jes sa kaliwang bahagi.

Nakakailang kasi nakatingin silang lahat samin makalipas ang limang minuto ay tumayo naman si lea saka umalis sumunod naman sumunod naman si kate

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain napasulyap naman ako sa direction ni azer ramdam ko kasi ang titig nya na di ko maintindihan

"Dalian na natin magsisimula na ang klase"sabi ni jes kaya ma's binilisan ko naman ang pagkain ng mapaubo ako kaya agad naman akong inabotan ng tubig ni Raven kaya tinanggap ko nalang saka ininom napatingin naman kami sa direksyon ni azer ng tumunog ang upuan nito tumayo naman sya saka naglakad palayo.Anong problema non?

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon