Chapter 32-Katutuhanan

745 21 0
                                        

"Lea"napalingon naman ako nang marinig ko ang tinig ni tita Claire.Medjo nabawasan naman ang lungkot ko nang dahil nandito sya.Nagbigay galang naman ang mga estudyante Kay tita saka nasibalikan na sa kanilang ginagawa.

Nilapitan naman ni lea si tita.Ang saya nilang tignan habang ako nakatingin lang sa kanila.

"Clea halika rito may paguusapan tayu"sabi ni tita napatango naman ako saka tumayo sa kinauupuan ko Hindi ko alam pero mabigat ang paghinga ko habang papalapit ako kay tita na hindi ko alam.

"Pumunta muna tayu sa banda roon dahil masyadong importante ang paguusapan natin di din ako magtatagal dahil nasa panganib padin ngayun ang Kaharian,May kailangan lang akong sabihin bago mahuli ang lahat"mahabang paliwanag ni tita.Muli namang naglaro ang mga tanong sa isip ko.Sumakit lang ang ulo ko sa dami nang hindi masagot sagot na mga katanongan.Pero ngayun masasagut na sana.

Nagmadali naman ako na pumunta sa batong tinuro ni tita.Sabik na sabik na akong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong ko.

"Ano ba ang dapat mong sabihin Ina at kailangan personal pa nating pagusapan?Kung pwede namang magpadala nang liham"sabi ni lea.Sumeryoso naman ang mukha ni tita sakahinawakan ang kamay ni lea habang diretso itong tumingin sa mga mata nito.

"Lea matagal kunang nilihim ito sayu..Tuwing Gabi hindi ako masyadong pinapatulog nang konsensy ko dahil alam kung nagsisinungaling ako sayu.Pero tatandaan mo lagi Mahal na Mahal kita"unti unti namang tumulo ang luha ni tita.Hindi ko man alam ang nangyari noon pero parang maidea na ako sa mga susunod na mangyayari.

"Ano ba yun Ina?"tanong ni lea habang maluha luha ang mga mata nito.Ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan nila.Maski ako ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin pa ni tita.

"Hindi kita tunay na anak lea"mga katagang nagpatulo nang mga luha ni lea nang tuloyan maski ako nabigla pero tahimik lang ako na nagmamasid sa kanila.Humagolgul naman si lea nang malakas kaya niyakap nalang sya ni tita.

"Anak ka nang kapatid ko lea walang iba kundi ang Ina rin ni Clea magkapatid kayung dalawa"patuloy pa ni tita nagkatinginan naman kami ni lea.Hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko matapos marinig yun.Paulit ulit lang itong bumabalik sa isip ko.

"Hindi lang kayung dalawa ang magkapatid sa totoo apat kayu ang panganay ay ikaw Lea,Sumunod ay ang kambal na sina Bea at Hera at ang pinakabunso ay si Clea.Binigay ka sakin nang iyong Ina lea para maprotectahan hindi napansin nang inyung ama na buntis ang inyong Ina non dahil maingat nya itong tinago isinilang ka sa ating kaharian kaya ma's di nahalata nang inyung ama.Habang ang kambal na sina Bea at Hera ay bunga nang pangagahasa nang tito nyu sa inyung Ina pilit na nilalabanan nang inyung Ina ang walang h*yang yun pero di nya magawa dahil mapapahamak ka lea dahil alam nang tiyo nyu na anak ka nang iyong ama pwedeng pwede nyang sabihin kahit anong oras ang sicreto nang inyung Ina kaya wala na itong nagawa kaya nabuntis ito sa kambal hindi padin nalaman nang inyung ama ang tungkol sa pagbubuntis nang inyung Ina dahil laging nanjan ang tiyo nyu para pagtakpan sya nang maisilang nang inyung ina ang kambal kinuha ito nang tito nyu at dinala sa ibang lugar na di mahahanap nino man ang secretong iyung kung sumabit ang inyung Ina siguradong dawit din sya.At ang pinakahuli ay ikaw Clea kahit Anong ingat nang iyong Ina nun sa kasamaang palad nalaman iyun nang inyung ama kaya di natuloy ang pagtago nya sayu Nang maglipas ang ilang taon Mga 6 na taong gulang na si lea nun habang 3 ang kambal at ikaw naman clea ay 2 tinangka kang itakas nang inyung Ina pero nalaman nya ang Plano nito dala nang kanyang galit napatay nya ang iyung ina.Alam kung nakita mo ang nangyari.Bago pa man sya mawala naaalala mo ang ginuhit nang inyung Ina sa kwarto nya na ipinakita ko sayu?Kayo yun nang mga bata pa kayu..Nagsinungaling pa ako sayu Clea na hindi ko kilala ang dalawa pang bata dahil di payun ang tamang panahon.Patawarin nyu akong dalawa sa paglilihim sainyu nang totoo hiniling iyon nang inyung Ina sakin nun dahil bago nya itinuloy ang balak nya pumunta sa kaharian namin.Patawarin nyu akong dalawa sa paglilihim nang totoo"mahabang paliwanag ni tita napatulo naman ang mga luha ko dahil sa katotohanang narinig ko sa wakas na sagut narin ang halos lahat nang mga tanong ko.Pero isang bagay lang ang Hindi ko natanggap pinatay ko ang sarili kung kapatid dahil sa galit?Bakit kasi di kopa sya pinaniwalaan noon?Kasalanan ko to nakapatay ako.At sarili ko pang kapatid ang pinatay ko napakamakasarili ko talaga.

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon