Hazel Pov
"Hoy!babae gumising kana jan.Pinapakain kitabtapos ikaw tatamad tamad ka" sigaw ni mama sabay pokpok ng takip ng kaldero at sandok.
Napatayu nalang ako ng wala sa oras.At nang hilamos ng makalabas na ako syang paglabas din nya sinisiguro talaga nya na susunod ako.
Nakasalubong ko naman agad si lola na nakangiti sakin kaya nginitian nya ako pabalik huminto muna ako sa tapat mismo ni lola nauna naman si mama na umalis tinignan nya muna ako ng masama bago sumenyas na pumunta daw mamaya sa kusina kaya"Susunod ako ma"sabi ko kaya umalis na sya.
Pagnakaharap si lola babait baitan sila pero pagwala dito kung magkautos wagas."Apo ginising kaba nanaman ng mama mo ng malakas na sigaw at pokpok ng takip ng kaldero at sandok?"sabi nya napangiti naman ako ng mapait.Pano nya nalaman?
Oo nga pala kahit anong hina ng boses ni mama malakas parin ito dinig nga ng kapitbahay namin si lola pa kaya na nasa loob lang ng bahay.
"Hayaan muna yun masama ang pagkakagising nya intindihin nalang natin"sabi ni lola sabay naman kaming napahalakhak ng mahina.
Napatingin ako ulit kay mama na masama ang tingin sakin may hawak syang remote ng tv siguro manonood naman sila nina ate ng tv.Lumapit naman sya samin "Ma.hihiramin ko muna tong si hazel may iuutos lang ako" sabi ni mama kay lola tumango nalang si lola at agad umalis magtitinda naman sya siguro sa bangketa gusto ko man syang samahan kasu maraming inuutos si mama minsan lang ako nakakasama sa pagtitinda ni lola.
Ng makasigurong wala na talaga si lola agad naman akong sinamaan ng tingin ni mama"Ano pangtinitingin tingin mo jan magluto kana ikaw na babae ka sabi mo susunod ka pero bat ang tagal nakipagchismissan kapa kay mama ano kinuwento moba anong ginagawa namin sayu di kaya sinisiraan mi kami sakanya binabalaan kitang babae ka sa oras na malaman ko na sinisiraan mo kami malilintikan ka sakin!Magluto kana dun bilisan mo! ang kupadkupad mo panamang kumilos"sigaw ni mama napa yuko naman ako at naglakad papunta sa kusina si mama naman pumunta na ng sofa nanood ng tv kasama nya sina papa at ate.
Palingon lingon ako sakanila ang saya nilang tignan sana maranasan ko din yan"Hoy babae hali ka dito bilis!sabi ni ate kahit di pa ako tapos magluto agad ko naman syang nilapitan"Dalhan mo nga kami ng juice at tinapay ang tagal mo magluto gutom nagutom na kami bilis na umalis kana sa harap ko ayaw kung kakita ang pangit mong pagmumukha nasusuka ako bilis na"sabi ni ate kaya agad akong pumunta ulit sa kusina at tinignan ang niluto ko buti di nasunog.
Ano ba kasing kasalanan ko bat nila ako ginaganito?sana dadating ang panahon na matanggap din nila ako at mahalin.
Nagtimpla naman ako ng juice ng marinig kung sumigaw ulit si ate na bilisan ko daw kaya mas binilisan ko ang pagkilos ng di sinasadyang madulas sa kamay ko ang baso kaya nahulog at nabasag naku lagot ako nito .
Nakita ko namang papalapit sina mama at ate dito.Lilinisin ko na sana kasu huli na nakita na nila ang basag na baso sa semento.
Nagsalubong naman ang kilay nilang dalawa agad naman naman akong sinabunotan ni mama"Walang hiya ka!Wala kang utang na loob!binuhay kita at pinatira sa pamamahay ko tapos maninira kalang ng gamit alam mo bang mahal ang bili ko nun.Wala kang kwenta lint*k kang babae ka!sigaw nya habang patuloy parin sa pagsabonut ang sakit ng anit ko.
Pangiti ngiti naman si ate dahil sa nasaksihan nya.Ano ba talagang kasalanan ko bat nila ako ginaganito?"Lint*k kang babae ka ikaw ang salot sa buhay namin.Kaya nagkaganito ang buhay namin.Tandaan mo to hinding hindi kita ituturing na anak kahit kailan.Tandaan mo yan!"sabi nya at mas hinigpitan ang pasabunot sa buhok ko.
Ang sakit ng pagsabonut nya pero mas masakit ang mga salitang binitawan nya tila isa itong kutsilyo na paulit ulit na sumusugat sa puso ko.Ang sakit pero anong magagawa ko sila ang pamilya ko mahal ko sila kahit ganto ang turing nila sakin.Para akong basura sa pamilya pangit na nga wala ang kwenta.
BINABASA MO ANG
Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)
FantasyHazel is a girl only wants to be loved by her own family but because of past Happened they hate her very much. But when accident happen hazel choose to save her family from the accident even in exchange of her life.But destiny give her another life...