"Kamusta naman ang kalagayan mo Clea?"Tanong ni Tita Claire sabay subo ng pagkain nasa harap kami ng hapag kainan ngayun.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita
"Ayos na ang pakiramdam ko Tita Salamat sa pagtanggap mo dito sakin"sabi ko napatango naman sya di parin nawawala ang matatamis nyang ngiti sa mga labi nagkawentohan kami kahit kaunti kanina sya pala ang Ina ni Lea nakapagtataka nga napakabait ng nanay tapos yun anak napakaseryoso"Bukas ang aking kaharian kung ito'y iyong kailangan Clea.Maiba nga ako na kapagpadala na ako ng liham sa inyung Academia tungkol sa sinabi mong digmaan pati narin sa pananatili mo muna dito sa aming kaharian dumito ka muna kahit ilang araw man lang sumagot narin sila sa liham ko dumito ka muna sakin Ng dalawang araw pansamantala at dahil sa pinarating Mung babala naghanda na ang mga taga academia sa oras na umatake man ang mga kalaban"sabi ni Tita Claire medjo natuwa naman ako na parang nanghihinayang gusto ko sanang tumulong kila Azer doon pero ayos lang dumito muna ako.May tiwala naman akong makakaya nilang labanan ang mga dark magician
"Maraming Salamat Tita.Napakabait nyu sakin Habang marami akong kasalanan sainyung lahat Maraming maraming Salamat"sabi ko napangiti naman sya sakin
"Wala nga iyon ikaw na bata ka sige na magpatuloy na tayu sa pagkain"sabi nya di padin napapawi ang ngiti.
Ng ihatid ako ng mga kawal dito sa kaharian nila parang weird niyakap nya ako agad na parang kakilala talaga nya ako.Tapos yung pagtrato nya sakin maayos binigyan nya ako ng desenteng damit pinaligo at pinakain pa dito pa daw ako matutulog.Napangiti naman ako kahit na ang sama pala sakin ni tadhana may kabutihan paring itong dala
Ma's binilisan ko naman sa pagkain dahil medjo huminto ako kanina balak kung tumulong sa mga gawain sa loob ng palasyo kahit sa ganun makabawi ako kay Tita
Agad naman Si titang natapos sa pagkain kasabay ko liligpitin ko na sana ang kinainan namin ng sabihan nya akong sumama sa kanya kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanya
"Clea di kaparin ba nakakaalala?"tanong ni tita kaya umiling nalang ako.Pumasok naman kami sa isang silid pagkasilip ko dun halos ngumanga ako ng subra napakaganda para syang paraiso nakikita ko talagang alagang alaga napakayabong ng mga puno't halaman habang napakaasul naman ng tubig sa isang tabi parang gusto ko munang matulog dito malamig lamig ang ihip ng hangin na dumadapi sa balat ko
"Clea lumusong ka sa tubig baka makayanan ng kapangyarihan kung maibalik ang alaala mo"sabi ni tita kaya lumusong nalang ako.Basa na ang damit ko pero wala akong pake gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari Kay Clea noon
Umilaw naman ang kamay ni tita ng puting nakakasilaw kaya napapikit nalang ako naririnig ko namang parang may binibigkas syang mga salita na hindi ko maunawaan kung ano
Ng kumupas ang liwanag nakita ko namang napaupo si tita kaya agad akong umahon para alalayan sya na makatayo
"Tita ayos kalang ba?"sabi ko saka inalalayan si tita napatango tango naman si tita
"Hindi ko kayang ibalik ang alaala mo clea patawad"sabi nya tinap ko naman ang balikat nya
Hindi nya naman kailangan magsorry wala naman siyang ginawa saka subok lang naman yun kanina
"Tita ayos lang"sabi ko gusto ko man pero di pwede di din naman akin ang katawan nato kaya malabong maalala ko ang di ko alaala
--
"Clea gusto mo bang maglibot libot dito sa palasyo?"sabi ni tita pero napailing nalang ako ma's Gusto kung manatili sa silid ko kaysa gumala.Natatakot ako para sa mga taga academia
"Wag na tita magpapahinga nalang ako dito"sabi ko gustong gusto komang gumala gala sa labas pero hindi kaya ng konsensya ko.May tiwala naman ako sa mga academia pero alam kung matalino si Ama saka mukhang nagalit ko sya
BINABASA MO ANG
Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)
FantasyHazel is a girl only wants to be loved by her own family but because of past Happened they hate her very much. But when accident happen hazel choose to save her family from the accident even in exchange of her life.But destiny give her another life...