"Pwede bang magpahinga muna tayu? Pakiusap masakit na ang binti ko kakalakad paikot ikot lang tayu dito din tayu nanggaling kanina Saka gutom na ako!"reklamo ko di kuna talaga mapigilan ang sarili ko na magreklamo kanina pa kami naglalakad kanina pa ako nagugutom wala pa kaming kain tanghali na
Bakit ba ang sama nang araw ko.Lahat lahat na ata ng kamalasan nasa akin Bakit ba ganto ang kapalaran ko!Ang sama
"Tumahimik ka nga akala mo ikaw lang ang nagugutom pwes pati kami!Tiisin mo muna wag kang magreklamo jan!Wag mo Kong subokan Clea!"sabi ni lea habang sinusubokang pakalmahin ang sarili umurong naman bigla ang dila ko dahil doon.
Tama nga naman si lea lahat kami nagugutom tapos ako nagrereklamo pa.Wala na nga akong ambag sakanila ganito pa ako ma's pinapahirapan ko pa sila
"Pasensya na,Nagugutom lang kasi ako di ko naisip yan"sabi ko saka napayuko nalang di naman sya sumagot bagkos nagpatuloy nalang sa paglalakad.Mabuti nga di sumagot si azer dahil kung ganun siguradong magaaway nanaman silang dalawa
Napahinto naman ako sa paglalakad ng may maramdamang may paparating ganun din silang dalawa agad naman kaming naghiwahiwalay.Agad namang sumabog ang kinatatayuan namin kanina kung hindi kami umalis doon siguradong malaki ang pinasala nito samin
"May mga kalaban!"sigaw ni azer humanda naman ako ng may lumapit saking magician na hindi ko alam kung Sino o ano sila kakaiba ang mukha nila sa mga magician na nakikita ko para silang ibang nilalang
Agad naman silang sumugod samin kaya agad naman kaming nagsihanda sinipa ko naman ang isang paparating sakin wala akong armas pano ko sila mapapatay o matatalo manlang napatingin naman ako kahit sandali kina azer pilit silang gumagawa ng armas pero agad naman itong naglalaho kaya Napilitan nalang silang magmano mano.
Kumuha naman ako ng tuyong sanga sa isang gilid saka ayun ang pinaghahampas ko sa isang paparating tatlo ang kalaban ko habang tig apat kina azer.Inatake naman ni lea ang isang kalaban pero sa kasamaan palad bigla naglaho ang kanyang patalim na gawa sa hangin kaya nakalmot sya sa braso.Hinampas ko naman ang ulo nang isa pa saka ang batok nito kaya napahiga sa lupa malamang nahimatay bigla naman akong nagulat nang may umatake sakin sa likod buti nalang mabilis akong nakaalis sa position ko kanina kung hindi siguradong nakalmot ako nang isang yun.
"Di natin sila kaya tumakbo muna tayu wala tayung kalaban laban dito!"Sabi ni azer saka agad na tinulungan si lea na makatayu saka tumakbo agad ko namang hinagis ang sanga na ginamit ko kanina sa isang kalaban sumapol naman sa ulo nito kinuha ko naman ang sanga saka sumunod kina azer.
Nagpapasalamat nga ako di nasira o naputol ang tuyong sanga kanina halos isang pulgada lang ang haba nito pero matigas at matibay pwedeng pwede kung gamitin to kung kinakailangan
Tumatakbo kami nawalang direksyon kanina pa kami takbo nang takbo di na ako nagabalang magreklamo pa nasa bingit kami nang kamatayan ngayun pa ako magrereklamo.Napatingin naman ako sa likod namin buti nalang wala na ang mga humahabol samin.Napaupo naman sa lupa si lea habang iniinda ang brasong patuloy parin sa pagdurogo pinunit naman ni azer ang damit nya saka tinali sa braso ni lea.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang nagseselos ako na hindi ko alam di ko maipaliwanag parang maiiyak na ako pero pilit ko lang pinipigilan
"Ayos kalang ba lea?"tanong ko napangiwi nalang sya saka tumayo tinulongan naman syang tumayo ni azer.Napatingin naman sya nang diretso sakin pilit na tinatago ang inis nya sakin pero ramdam na ramdam ko parin sa titig nya siguradong ako nanaman ang sinisisi nya dahil sakin nagkakaganto sila.Napabuntong hininga naman ako
"Ayos lang ako,Tara na kailangan pa nating maglakad para mahanap ang daan palabas"sabi nya saka naunang naglakad hawak hawak nya parin ang sugat napatingin naman ako Kay azer kaya nagkatitigan kami sumunod naman ako Kay lea
BINABASA MO ANG
Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)
FantasiaHazel is a girl only wants to be loved by her own family but because of past Happened they hate her very much. But when accident happen hazel choose to save her family from the accident even in exchange of her life.But destiny give her another life...
