Chapter 16-Pagbabalik

766 32 0
                                    

"Ley,buti buhay kapa pinagalala mo nanaman ako"sabi ni jes sabay yakap sakin napatingin naman ako sa sugat ko wala na ginamot siguro nila.

"Buti nalang talaga naagapan ang kamandag ng ahas na kumagat sayu kung hindi baka pinaglamayan kana ngayun.Pinahirapan mo pa kami maghanap ng mga Sangkap ng gamot mo kahit gabi naghanap kami"reklamo ni Vince kaya nabatukan ni jes.Gamot?

"Anong gamot yun jes?"tanong ko sinamaan nya naman ng tingin si Vince

"Wala ley mga halamang gamot lang saka ang lakas magparinig ng iba wala namang naitulong"sabi nya sabay tingin Kay vince

"Oo na di ba pwedeng kayu lang ang nakachamba na makahanap ng mga gamot?Ito naman "sabi ni Vince saka napaupo nalang

Inabotan naman ako ng tubig ni jes.Kaya tinanggap ko naman at ininum.Nang nilibot ko nalang ang tingin ko doon ko lang napansin nasa isang bahay kami sa pagkakaalala ko nasa kagubatan kami nun

"Nasaan na tayu jes?"Sabi ko saka nilibot ang tingin ko.Ang ganda naman ng lugar na ito puro moderno ang style ng bahay na ito

"Narating na natin ang bahay ng pangalawang babaylan,Buti nga narating namin to agad kung hindi baka namatay kana"sabi ni jes.Bigla naman akong kinabahan dahil doon.Buti nalang talaga nailigtas nila ako agad

"Maraming salamat sainyu guy's utang ko sainyu ang buhay ko"sabi ko naupo naman ako kaya tinulongan naman ako ni jes na umupo

"Wala yun saka wag ka samin magpasalamat Kay Azer saka Kay raven naguunahan nga ata sila sa paghahanap ng halamang gamot na kinakailangan mo"sabi ni jes sabay tingin sa dalawa pero parang wala lang pake si Azer na nakatingin sa labas ng bintana habang si Raven naman ang lalim ng mata halatang puyat kaya parang walang lakas

"Salamat sainyu Azer at Raven"sabi ko napatingin naman sila saka napatango nalang.Kasabay nun ang pagpasok ng isang matandang babae

"Mga iha kamusta na ang pakiramdam mo?"tanong nya sakin

"Ayos napo ako Lola"sabi ko bigla ko namang naalala ang isa pang babaylan na kailangan naming puntahan kaya nagpanic ako

"Guy's pano ang isa pang babaylan na pupuntahan natin?Baka maunahan nanaman tayu ng mga dark magician?"sabi ko pero parang wala lang sakanila

"ley sa totoo pinuntahan na namin yun kahapon pa nandito na ngarin sya,Isang araw at kalahati ang naging tulog mo ley,Sabi ni jes kaya nabigla naman ako,Parang ilang oras lang ako tulog pero 1 araw at kalahati na pala?

"Salamat naman buti nalang,Ano pwede naba tayung bumalik naghihintay na satin ang mga Taga academya saka sina Hera"sabi ko pero napatawa nalang sila maliban Kay Azer

"Relax ley mamaya dadating na ang susundo satin saka nandoon na daw sina Hera sa academya nakatanggap kami ng mensahe mula Kay lea na nakita na nila si Kate saka bumalik na sila ng academya"Sabi ni jes kaya parang binunutan naman ako ng tinik sa puso sa wakas papatapos na ang misyon namin

"Salamat naman buti nalang"sabi ko agad naman akong hinila ni jes patayu kaya napatayu naman kami kita ko namang nabigla ang iba

"Jessie!Hindi pa lubosang magaling yang si Clea Bakit mo hinatak"sabi ni Azer pero di naman sya sinagot ni jes bagkos hinila nya naman ako palabas

Agad naman kaming nakalabas ng bahay.Bumungad naman sakin ang magandang talon medjo malakas ang pagagos ng tubig napakaganda tignan ng tubig na dumadaloy mula sa itaas na bahagi ang ganda pa ng rockformation parang gusto ko dito nalang manirahan Kulay asul ang tubig dito malinis pa ang ganda talaga ng talon naito .Agad naman kaming napatalon sa tubig

Sumunod naman samin ang iba kita ko namang nagaalala sila pero hinayaan nalang namin.Parang umayos na ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng tubig idagdag mo pa ang magandang tanawin ng talon

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon