Napabangon nalang ako ng karamdam ako ng gutom.Pupunta na sana ako sa kusina ng makita ko si lola at mama na naguusap sa kusina.Nagtago naman ako sa gilid ng pinto di naman ako napansin nila mama kaya nakinig nalang ako sa pinaguusapan nila dahil na curious ako napakaseryoso kasi ng mukha nila habang naguusap
"Nay hayaan muna yun imbis na kami ang kampihan mo sya pa ang kinampihan mo.Naalala mo ba ma anak sya ng mamamatay tao namatay si Kuya dahil sa ama nya!Hinding hindi ko matatanggap ang isang gaya nya isa lamang syang bunga ng pananamantala sakin ng isang crimenal.Dahil sa kanyang ama namatay ang kuya ko na anak nyu ng dahil sa nanlaban sya Nay naiintindihan mo ba ang sinasabi mo wala akong anak sa isang criminal!.Hindi nyu naiintindihan ang nararamdaman ko kasi di naman kayu magkakasundo ni kuya dahil saan kayu noon diba sa malayo nagaalaga ng ibang bata habang kami kila tita kung may award ako nakakauwi kaba?kung may sakit ako naaalagaan moba ako?kung may problema ako natutulongan moba akong lutasin?Kung may family day kami diba wala ka diba?Ng magraduate kami ni kuya nakauwi kaba para samahan kami sa taas ng stage?diba nandun ka sa ibang bansa nagaalaga ng anak ng iba tapos kami ano?walang may nagaalaga.Na iingit nalang kami ni kuya sa mga kaklase ko noon na masaya at buo ang pamilya.Mabibili nga namin ang gusto namin hindi naman kumpleto ang pamilya pagmay kaarawan marami nga ang handa pero wala ka naman kung pasko hinihintay ka namin sa noche buena pero wala sa bangong taon wala karin kakabalik mo nga lang ng maibalita sayu na patay na si kuya ano ma?kailangan may mamatay muna bago kayu umuwi?ma hindi mo alam ang hirap ng pinagdadaanan namin ng wala kayu sa tabi namin na gumagabay minsan naiisip ko nalang ang swerte ng ibang bata buo ang pamilya nila amin wala.Wala ka sa mga oras na kailangan ka namin nabubully na ako noon dahil wala daw akong nanay anong ginagawa ko umiiyak nalang ako kay kuya.Nay malaki ang pagkukulang mo saming mga anak mo tapos ng magbalik ka ano?"sabi ni lola napaiyak naman silang dalawa.
Unti unting tumulo ang luha ko ng dahil sa narinig ko ako anak ng crimenal?pinatay ng ama ko ang kapatid ni mama?hindi ko lubos maisip na ganto pala kasakit ng katutuhanan grabe ang sakit parang di ko kaya
Napahagulgul nalang ako ng mahina.tinakpan ko nalang ang bibig ko para maiwasan maka gawa ng ingay
"Anak naman alam mo para sa inyu naman yun mahal na mahal ko kayu kaya ko nagawa yun para mabigay ang lahat ng gusto nyu.Ang nangyari sa kuya mo masakit din sakin yun anak ko kayu dinala ko kayu sa sinapupunan ko minahal ko kayu ng higit aa buhay ko panu mo nasabi na di ako nasaktan sa nangyari sa kuya mo pero wala namang kasalanan si Hazel dito ang ama nya lang pero matagal nayung namayapa patawarin mo na sya.Hindi maganda na magtatanim ka ng sama ng loob sa kapwa mo patahumikin mona ang kaluluwa nya matagal nayung namayapa anak naman walang kinalaman ang bata sa kasalanan ng ama nyaNakikiusap ako anak tigilan muna ang pasakit mo sa bata sumusubra na kayu sakanya.Sa tingin nyu tama ba ang ginagawa nyu?pagsipan mong mabuti anak.Mahirap din naman ang sitwasyon pero nakaraan nayun hindi nayun maibabalik pa.Pasensya na alam kung malaki ang pagkukulang ko sainyu pero sana intindihin nyu rin ako gusto ko kayung nabigyan ng maayos na buhay kaya ako nagtrabaho sa ibang bansa kapag may mahahalagang okasyon sa inyu sa tingin moba ayaw kung umuwi kasu iniisip ko ang laki ng kikitain ko kung di ako magsisikap di ko mabibigay ang mga gusto nyu kung kaarawan nyu.Nagsisikap akong magpadala para magkaroon kayu kahit kunting pagdiriwang.Minsan ba naisip nyu rin ang hirap na pinagdadaanan ko para makapadala ng pera dito minsan ni hindi naku kumakain at natutulog para lang makapagtrabaho ng maayos.Anak lahat tayu nahihirapan sana naman intindihin nyu ako para sa inyu din yun para magkaroon kayu ng magandang kinabukasan at makamit nyu ang inyung pangarap.Ayun nalang ang mapapamana ko sainyu pagwala na ako. ngayun kung hindi ko ginawa yun ano nalang kaya ang buhay natin?Ngayon na nakamit mo na ang iyung pangarap alam kung nahirapan karin anak pero sana isipin mo nahihirapan din ako anako pero di ako pwedeng sumuko at talikoran ang pagiging nanay ko dahil mahal ko kayu sana naman maintindihan mo "sabi ni lola kay mama natahimik naman silang ng mga limang minuto bago pero patuloy paring sa pagluha ang kanilang mga mata
BINABASA MO ANG
Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)
FantasiHazel is a girl only wants to be loved by her own family but because of past Happened they hate her very much. But when accident happen hazel choose to save her family from the accident even in exchange of her life.But destiny give her another life...