Epilogue

1.5K 34 24
                                    

Napamulat naman ako unti unti pero malabo pa ang nakikita ko hindi ko nga alam kung nasaan na ako.Sa Pagkakaalam ko namatay na ako sa digmaan.

"Ma,Pa gising na sya!"pasigaw na sabi nang kung Sino hindi ko alam pero pamilyar ang boses nya parang narinig kuna kung saan na hindi ko maalala.Unti unting naging maliwanag ang paningin ko at doon bumungad sakin ang mga di ko inaasahang Tao.

"Anak kamusta na ang pakiramdam mo?Ayos kalang ba?Buti nagising kana"sabi ni Mama kaya napangiti naman ako akala ko talaga noon namatay na ako pero ano naman ang nangyari sa Mundong napuntahan ko totoo bayun?Nasaan na ang mga kaibigan ko?

"Medjo maayos na ang pakiramdam ko Ma,Nasaan na si Lola?"sabi ko naalala ko kasi ang nangyari hindi ko nga alam kung nasaan sa mga yun ang totoo.

"Wala na ang Lola mo Hazel naalala mo bago mo kami niligtas?Naaccidente na Si Nanay nun gusto mo pa ngang sumama pero hindi ka namin pinayagan"mahabang paliwanag ni Mama naiiyak na silang tatlo unti unti namang nagbalik sakin ang nangyari noon namatay na pala Si Lola hindi ko alam kung makakaya ko pa to napakasakit napahagulgul nalang ako.

"Anak Hazel wag kanang umiyak makakasama sayu yan hindi kapa tuloyang nakarecover,Masaya akong nagising kana"sabi ni Papa Habang nakangiti hindi ko alam kung anong nangyari nang mawala ako dito sa kanila na nagkakaganyan ang mga yan pero ma's gusto ko to kaysa sa dati.

"Mahaba Haba rin ang tulog mo bunso,Salamat naman nagising kana makakabawi na kami sayu"sabi ni ate napatingin naman ako sa tyan nya umbok na.Hindi ko alam pero nang maaccidente ako Hindi pa ganyan yan pero ngayun umbok na umbok na ganun naba katagal akong nawala?Or natulog?

"Anong ibig nyu sabihin?Anong taon naba ngayun?"tanong ko sa kanila hindi ko mainyindihan kung ano talaga ang nangyayari.

"Pebrero 3 hazel Limang buwan kang natulog ganun katagal pero hinintay ka namin"sabi ni ate napaawang naman ang bibig ko parang ilang linggo lang ako Doon pero Limang buwan na ang tulog ko pala.

"Hayaan muna yan hazel ang Mahalaga nagising kana,Mahal na Mahal kita anak patawarin mo kami nadala lang kami nang galit namin kaya kami naging ganun sayu"sabi ni mama kaya napangiti naman ako nang napakalapad.Niyakap naman nila akong tatlo.Ang saya pala na Mahal ka nang pamilya mo no?Nag sarap sa pakiramdam ang mga bawat yakap nila ang mga matatamis na salita pero hindi parin mawawala sa puso't isip ko na merong mundo na napuntahan ko noong natutulog pa ang katawan ko at doon ang mundo nang mga taong may mahika kung saan ako nakakilala nang mga tunay kung kaibigan at higit sa lahat nakilala ko ang lalaking nagpaibig sakin at mamahalin ko hanggat ako'y nabubuhay.

Isang araw naman ang lumipas nakalabas na ako nang ospital dahil nakarecover nadaw ako agad kaya nga natuwa ako.Nauna namang akong pumasok sa bahay namiss ko ang bahay naming ito pero ma's namiss ko rin naman ang mga kaibigan ko.

"Ma,Pwede kubang puntahan Si Lola ngayun na?"tanong ko tutul pa sana sila dahil kakalabas kulang nang ospital pero kinulit ko sila nang kinulit kaya napapayag ko sila.

"Sige sasama kami sayu"sabi pa ni Papa maganda na ang pakikitungo nya sakin ang saya pala nang ganito akala ko noon ganun ka mapagkait si tadhana pero hindi naman pala pero hindi parin mawawala sa isip ko sina azer alam nang puso ko na totoo nangyari ang mga yun at hindi lang yun panaginip.

Habang nasa byahe kami parang bata akong nakatingin sa bintana tinatanaw ko ang mga bahay na nadadaanan namin normal lang to sakin dahil hindi na ako nakapaggala nang pagkatapos ko nang elementarya napangiti ngiti lang sina ate habang akong manghang mangha sa mga nadadaanan namin ganito pala ang mundo nang mga Tao hindi sya Tulad sa academia at mga kaharian pero maganda ang dami nang mga bahay ang lalaki pa nang iba.

Pagkababa ko agad na akong tumakbo palabas na hindi ko alam nauna naman Si mama dahil nga hindi ko alam kung saan nakaburol si Lola.Sa nagdaang Limang buwan kung pagkakatulog ilang buwan naring nalibing si Lola habang umbok na ang tyan ni ate naalala ko naman ang nakita ko noon kung ganun totoo yun?Yung nakita ko at hindi lang gawa gawa nang isip ko?

Reincarnate As Dark Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon