Chapter 1

307 15 1
                                    

Dedicated kay.... modernongmariaclara! Sobrang gandang ganda ako sa HPS & HPW nyan! :)

-----------------------------------------

DANIEL'S POV

"GOTHICO, GIRI, KABE AT KAYONG DALAWANG PADILLA!! Kayo na naman! Hindi ba't sinabi kong ayaw kong makita kayo ulit dito sa office ko? Hindi na kayo nadalang mga binata kayo! Ano na naman ba 'tong kalokohang ginawa nyo?! Jusko hindi na kayo nag tanda!"

Grabe naman maka-sigaw 'tong si Ma'am Santos, akala mo naman napakalala ng ginawa namin. Ano bang masama sa pag-lagay ng bubble gum sa upuan ni Khalil, pag-tapon ng sapatos ni Julian sa toilet bowl, pag-tumba ng kape sa uniform ni Maxene, pag-tago ng ballpens ni Ms. Dela Cruz? Wala naman kaming ginagawang masama ha?

"Papuntahin nyo ang mga magulang nyo dito sa opisina ko bukas, LALONG LALO NA KAYO... JC AT DJ! Isusumbong ko talaga kayo sa parents nyo! Makakalabas na kayong lima!! Pinapainit nyo ang ulo ko."

Masyado kaming bine-baby. Tss. Lumabas na kami ng office ni Ma'am. Baka kung ano pa magawa namin... este magawa nya sa amin. Sino na naman kayang nag-sumbong samin? Masyadong pabida.

"Brad, ayan na naman kayo sa mga trip nyo eh. Akala ko ba titigil na kayo sa pambubully? Nadamay na naman tuloy ako sa inyo." Lester

Yan si Lester Giri, drummer ng banda namin. Mabait, matalino, may katangkaran, palatawa, kengkoy at dahil tropa ko sya.. Medyo may itsura naman. (@imlestergiri)

"Oy lester gago ka! Ikaw nga nag aya samin mang trip tapos gumaganyan ka na naman ngayon. Aba aba aba!! Nagkakalokohan ata tayo dito." Seth

Yan naman si Seth Gothico, lead guitarist. Matangkad, kulot, mabait, singkit ang mata, syempre palatawa din at dahil tropa ko sya.. Medyo may itsura naman. (@TheBlackSantaaa)

"HAHAHAHAHA! Joke lang brad. Chill ka lang. Masyadong mainit ulo mo eh. Di pa ba kayo nasanay? Minsan nga mas gusto ko na lang mag-stay doon sa office ni Ma'am para pag papatawag tayo di na mahirapan assistant nya eh. Ano mga brad? Dun na lang tayo oh." Lester

"Mag isa ka Lester! Hahahahahahahahahahaha AY PUCHA NAMAN SETH EH!!" Kinuha kasi ni Seth yung wallet nya na may picture ng one and only nya, si Arianne.

Yan si Katsumi Kabe, rhythym guitarist. Kengkoy din, mabait, singkit din ang mata, medyo hindi matangkad at napakaingay nyan. At dahil tropa ko sya, medyo may itsura naman. (@itsmekatsumi)

"Wallet lang katapat mo, Kabe?" Sabi ni Seth sabay nag tawanan.

"Oh ano ka ngayon Kats? Tiklop ka no?"

"Ang yabang mo naman DJ! Minsan na nga lang mainlove tong puso kong bato. Hindi ka ba naaawa saken?" Sabi ni Kats habang nag pa-puppy eyes.

DJ, ako yon. Daniel John Padilla. Bassist ng aming banda. Matangkad, mabait, mahilig sa chicks, magaling mag bass, matalino, malakas ang sense of humor at sex appeal, GWAPO, GWAPO, GWAPO AT GWAPO. (@imdanielpadilla)

"Bro wag ka mag puppy eyes, nagmumukha ka lalong aso!" 

"Hoy hoy hoy tama na yan! Masyado ata kayong nasisiyahan. Parang walang nangyari sa office ah? Tandaan nyo, graduating na tayo mga pre. Ayaw nyo ba makalayas sa iskwelahang 'to?"

YAN NAMAN.. SI JC. Ang aking pinakamamahal na kapatid. Vocalist. Mabait, medyo matangkad, magaling kumanta, stick to one, seryoso minsan pero may sense of humor din naman at masaya kasama. Sya yung taong punung-puno ng words of wisdom at laging handang magbigay ng payo sa'yo. At dahil kapatid ko yan, GWAPO SYA. (@imjcpadilla)

"Tama na nga yan brad! Nag lunch na ba kayo? Tara na sa cafeteria!"

"Sagot mo Les? Ikaw nag-aya eh..... TALAGA?!?!?! Osige tara na guys! Thanks Les babe" Sabi ni Kats at aakmang hahalik kay Les kahit hindi pa naman umo-oo na manlilibre, iba ka talaga brad! Nasapok tuloy ni Lester. 

CAFETERIA

"Bro, may bago daw estudyante ah? Chicks daw... Ano plano?"

"Gago Kats! Anong palagay mo dyan kay DJ? Pinapatos basta bago? Bakit hindi mo sakin ipakilala? HAHAHAHAHA" Suway naman ni Lester kay Kats. Ay sos, inggit lang pala.

"Baka hindi pumapatol sa pangit yun si Kath." JC

"KATH? GAGO PRE, KATS AKO. MAY S. Pero oo tama ka, hindi ako pumapatol sa---"

"Asa ka bro, si KATH.. KATHRYN. Pangalan yun nung bagong estudyante. Tsk, pinag uusapan nyo hindi nyo naman pala kilala. Kayo talaga. Ano ba pinunta natin dito? Kain na nga!"

Nanahimik na kami, si JC na yon e. Hahaha. Pero bigla syang nag salita ulit..

"Ay oo nga pala Kuya, umalis daw si Mama.. sinama si Magui at Carmela. Doon muna daw sila sa Tacloban. Two weeks ata or three." JC

JC talaga oh, dito pa sinabi sa harap ng mga to? Malamang kuyog na naman mamaya sa bahay.

"Oh ayos yon brad!! Ano? Don tayo sainyo mamaya? WOOOHOOOO!" Kats

"Di pwede. Pupunta si Zharm." Ako

"OKAY FINE" Sabay sabay na sabi ni Les, Seth at Kats. Sanay na si JC kaya di na nakisabay pa. Hindi naman talaga pupunta si Zharm sa bahay. Asa naman.

Matapos naming kumain, wala ng klase. May meeting kasi yung mga teachers pero bago yun.. pinakilala muna yung new student. Si Kats at Sed lang kaklase ko. Si Les kasi ibang section at si JC naman, lower year. 

"Class! You'll  have your new classmate, please lang.. WAG NYONG I-BULLY. Special mention to those three at the back... Mr. Kabe, Mr. Gothico and of course, Mr. Padilla! Introduce yourself now, Kath."

Bakit? Siguro kabully-bully yung bago naming classmate. Baka mataba, nerd.. o kaya naman baka pangit. Bwahahahahaha! Kaya naman pala sabi ni JC hindi pumapatol sa pangit kasi ayaw ng kamu--------

"Good morning, my name is Kathryn Chandria M. Bernardo. 16 years old. Galing akong States, so nalate ako ng pasok. Sana makasundo ko kayong lahat..... Yun lang. *sabay smile*"

Dumi-direcho na si Kath sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Maganda sya, mukang mataray na medyo muka ring mabait. HAHAHA, ang gulo ba? Eh.. di ko maexplain muka nya eh. Pero... ang ganda nga nya. Lalo na pag malapit. Oh wait, Campus Womanizer.. nabighani sa Transferee

- noworriesjustlove

Somebody That I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon