Chapter 9

131 5 4
                                    

Hi guys! I usually don't update my story this fast, kasi gusto ko magkaron muna sya ng madaming reads bago ako mag update pero wala eh, hahaha. I want this story na umusad na agad. So yeaaahh, early and long update for you guysssss!! :)

This chapter is dedicated to: acupofhappiness

KATHRYN'S POV

7 months. Lagi na kaming magka-text ni DJ simula nung araw na humingi sya ng "comfort" galing sakin. Halos araw araw ko na syang kausap, we're bestfriends na nga eh. Di na kami enemies, hindi katulad ng dati na lagi na lang kami nag babangayan.. kasi ngayon naiintindihan ko na sya. Nakwento na nya sakin yung mga problema nya. Sabi nya, naisip daw nyang ikwento sakin kasi babae ako. Baka daw maintindihan ko sya.. o kaya naman si Zharm, gusto daw nya kasing malaman kung bakit sya iniwan nito. Ehh? Bat sakin tinanong? As if naman kaya kong sagutin yun. Eh yung ex lang naman nya makakasagot dun.

Kaya yun, simula nung araw na yun naging close na kami. Magkasama kami lagi sa school... 

"Iniisip mo na naman ako ha."

....katulad na lang ngayon. Hindi ko na nga masyadong nasasamahan si Sofia ng dahil sa kanya eh. Minsan naman, sinasama namin si Sofia kaso masyado naman syang tahimik.

"Anong iniisip pinagsasabi mo dyan? Medyo assuming ha." sagot ko sa kanya. Feelingerong lalaki to.

"Eh, alam ko naman kasing ako iniisip mo. Nakangiti ka na naman kasi."

"Ha? Anong nakangiti? Nag iimbento ka na naman."

"Yang mga mata mo kaya... nakangiti." sabi nya sabay kiliti sa akin. Sabi sa inyo eh, close na kami. Minsan nakakairita sya.. pero mas madalas nakakainis. Hahahaha.

"Matang nakangiti? Ano namang itsura non? HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA! Pauso--mwahahahahaha!" 

"Sige, tawa lang. Pinuri na nga." Bulong niya, pero syempre narinig ko, katabi ko sya eh.

"Puri ba yon? HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Ayy sorry, sorry. Sabi ko na nga hindi na ko tatawa..."

Ehh, hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko eh. Alam ko, masyadong mababaw pero yung itsura nya kasi habang sinasabi nya yun eh, tsaka nung tinatawanan ko sya. Ang cuteeeee!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"Alam kong cute ako." Sabi nya sabay tayo.. Naglakad sya papalayo sakin. 

Tss. Pikon talaga yun. 

Sinundan ko sya..

"Hoy Yatot!! Joke lang yun... Ikaw naman di ka na mabiro." Sabi ko sa kanya. Syempre, babawiin ko yung mga sinabi ko. Baka lalong magalit eh.

At oo, Yatot ang tawag ko sa kanya. Obvious naman kung bakit eh.

"Hindi kita papansinin." sabi nya

"Para ka namang bata eh."

"Bata pa naman talaga ako ha. Bastos."

"Nag-fefeeling." bulong ko

"Sa pag kakaalam ko sinusuyo mo ko diba..." Huh? Anong sinusuyo?

"Eww. No." sagot ko

"Fine." sabi nya.. tapos umalis na naman. Okay. Mag uusap na lang kami mamayang uwian. Sabihin pa nya sinusuyo ko talaga sya.

Dumirecho na ko sa klase ko, tutal tapos naman na break eh. Umupo na ko sa bakanteng upuan na katabi ni Sofia. Syempre para sakin talaga yung seat na yun.

Somebody That I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon