Chapter 7

251 7 1
                                    

Dedicated to: marcelosantosiii

Sana magustuhan nyo! :)

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa Student's Lounge, nag hahanap ng mapag lilibangan. Ano bang pwede kong gawin para hindi ko sya maisip? *isip isip isip isip*

"AAAH BWISET!" Sinipa ko yung bato na nasa harapan ko. Nakaka-inis! Nakaka-asar!

"Araaaaaayyy! Sino nag bato non?!"

OA naman naman maka-sigaw ng babaeng yun.

"Ako, bakit?"

Humarap yung babae.

"Ikaw na naman? SALOT ka talaga!"

"Bakit? Kasalanan ko bang pakalat kalat ka dito sa lounge kaya ka tinamaan?"

"Eh bakit ba kasi nambabato ka ha?!" Itong babaeng to lagi na lang sumisigaw.

"Eh bakit ba kasi naninigaw ka ha?!"

"Ugh bakla!" Ha? Ano daw? Akoooo bakla?

"Ano? Pakiulet nga yung sinabi mo." Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya.

"Bakla ka! Bakla!" 

"Sigurado ka sa sinasabi mo Chan Chan taba?" 

"Ugh! Ano ba wag mo ko tawagin ng ganyan! Bakla ka talaga!" Inis na sabi nya. Hahahaha. Sarap asarin netong babaeng 'to.

"Ako? Bakla?" Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Bakla pala ako ha?

Pinag titinginan na kami ng mga tao dito sa lounge. Nakakarinig na ko ng iba't ibang bulungan. Mga chismoso talaga estudyante dito sa University namin. 

"Oo, bakit? May iba pa ba akong sinabihan? BAKLA!" Ngayon hindi na lang mukha ko malapit sa kanya. 

"A-ano ba, DJ.. Layuan mo nga ako!"

"Eh kung ayoko?" sabay lapit ko pa sa kanya

"B-bakla ka talagaaaaaaaaa!" sigaw nya

"A-a-araaayyyy! Chan-chan Tabaaaaa!" Baliw ata to eh. Pano ba naman kasi, kinurot ako sa tagiliran sabay apak ng paa ko tapos tumakbo. Ano yon!? Ang sakit kaya!! Anak ako ng may ari ng school, bat nya ko ginaganon?!

"Inasar mo na naman si Kath. Baliw ka talaga." Tss, Bigla bigla namang nag sasalita tong si kuya.

"Masarap asarin eh. Pikon kasi yang Kath mo." 

"Hahahahaha. Di na talaga kayo nag bago! Mula't mula kayo na talaga nag-aasaran eh. Baka mag katuluyan kayo nyan."

"Asa ka kevs." kahit kuya ko to, minsan ko lang sya tawaging "kuya". Hahaha. Wala lang, gusto ko lang. Iniwan ko na sya dun sa lounge, may klase pa kaya ako. Late na nga ako eh.

Pag pasok ko ng room, andon na yung prof namin.

"Mr. Padilla, Kanina pa ko nandito."  Wow ha. Buti nga pinapasukan ko pa klase nya ehh, ang boring kaya ng klase nya.

"Hindi ko tinanong." sagot ko sa kanya. Nanahimik na lang sya at nag patuloy sa discussion nya. Naiinis ako sa mga ganyang Prof. Masyadong pabida. Galit-galitan, eh pag kinausap naman si Mommy tungkol sakin, bait-baitan. Paplastik porket tinataasan sweldo pag maganda grades ko at pag napaayos ugali ko.

Somebody That I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon