Dedicated to: drunktyping_
Eh wala namang gusto mag padedicate eh, edi kay Ate Aira na lang, nakakatuwa nag uupdate sya ng mabilis sa OMK. Ahh! :"> Basahin nyo yun, the besttt!
Well, enjoy! ;)
---------------------------------------------
KATSUMI'S POV
Hello everyoneeeeeeeeee! My name is Katsumi Kabe... bat ko ini-introduce sarili ko? Eh malamang naman, kilala nyo na 'ko. Bida kaya ako sa storyang to. Actually medyo bida lang pala.. para bang third wheel lang ako lagi, pero malaking part talaga ako ng storyang to. Kasi ganito yan.. mah-
[A/N: Shh!!! Katsumi!!! Ingayy!!!]
Okay.. chill, okay. Sorry Author... di na ko mag sspoil. Hahahaha. Oh bat ba kasi ako may POV? Tapos pag maingay nagagalit. It's not yet my time. Too early.. too much early. Kaya aalis na ko! Baka kung ano pa masabi ko at magalit pa si Author, tanggalin pa ko sa storya. Wag na uy! Hahahaha. Bye guys!!!! Thanks sa exposure! Ciao!!!
Ayy wait!!!
I love you pala!! I love y--------
KATHRYN'S POV
"Hindi nga pwede." ulit ko na naman sa kanya, ano ba yan, kanina pa kami dito..
"Sige naaaa, Kathryynnn! Pleaseeeee!!!"
"Hindi uubra yang pag-papacute mo sakin ngayon."
"So, minsan umuubra? Aww kilig naman ako." sabi nya sabay pout, mukang pusa.
"Osige, matahimik ka lang."
"Ano? Matahimik lang ako, sasama ka na? Yes!" Sabi nya sabay tumalon talon..
"Nope." napatingin sya bigla sakin.. tas ayan na naman yung pacute face nya
"Ehhh, sige na pisnge!!" Ang bait naman nito, piniplease ako tapos may halong pang-aasar. Alam nyo ba anong gusto nyan? Malamang hindi, ngayon ko pa nga lang sasabihin eh. Hahahaha
Eh kasi gusto nyang sumama ako sa outing nilang mag babarkada, isama ko na din daw yung mga kaklase ko. Nahihiya talaga ako eh, kasi parang kasama ata family nya. Ewan, di ko sure. Hahaha. Malabo ang details. Actually, pumapayag naman na talaga ako... hindi ko palang sinasabi. Gusto ko munang asarin sya.
"Dali na, gagawin ko kahit anong gusto mo, sumama ka lang!"
Napatigil ako bigla sa sinabi nya..
"Sure ka?" sabi ko...
"Hindi." sabi naman nya sabay ngiting nakakaloko
"Eh hindi naman pala, madali kaya akong kausap.." sabi ko sabay tayo, punta akong canteen. Nagugutom ako dahil dito sa kaibigan kong makulit.
"Hala.." narinig kong sabi nya pagtayo ko, kahit mahina yun, narinig ko pa din
"Oo na, oo na!!" sabi nya habang papalapit sakin, pero hindi ako tumigil maglakad, "Oo na nga yatot! Oo na bestfriend! Oo na pisnge! Sure na ako! Gagawin ko na kahit ano. Sumama ka lang."
Napangiti ako. Hahahahaha. Evil plans.....
Joke.
"Okay! Tara kain tayo sa canteen.." sabi ko
"Yun na yung papagawa mo sakin?" halata sa muka nya yung saya na may halong pag tataka, muka talagang pagkain 'to.
"No, ofcourse not. Ano ka sinuswerte? Hahaha! Pabor kaya sayo yung kakain tayo sa canteen! Tara naaaa!" sabi ko sabay hila sa kanya, punta kaming canteen..
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know
FanfictionPaano kung isang araw ay bigla ka na lang iwan ng taong mahal mo? Walang dahilan, rason o kung anu-ano pa. Kakayanin mo kaya? Bilib ako sa mga taong iniiwan ng taong mahal nila, pero di sila nagsasawang mahalin ang mga ito. Martyr? Siguro nga. Pero...