Chapter 2

216 10 2
                                    

Dedicated to whenitcomestolove. Isa rin yan sa mga idol ko. Olaaaa!

KATHRYN'S POV

Ako nga pala si Kathryn Chandria Manuel Bernardo, pwede nyo kong tawaging Kath/Chandria/ or what.. Wag lang Chands. Kasi iisang tao lang ang pwedeng tumawag sakin non.

Andito nga pala ako ngayon sa University of St. Andrew, dito ako nag transfer kasi dito gusto ni Mama. Friends kasi sila ng may ari ng school na 'to eh. 

Okay naman yung first day ko dito, may nakilala akong new friends at wala pang klase. May meeting daw kasi yung mga teachers. Nag susulat ako ng diary entry ko ng..

"Uhmm.. Kath? Tama?" 

"Yes. And you are?" Sabi ko sa lalaking nasa likod ko, kinalabit ako eh.

"Katsumi.. pero you can call me Kats." 

"Ahh, nice to meet you! Sige." paharap na sana ako ulit at tutuloy ang pagsusulat

"Wait! Si Sed nga pala.... at si DJ"

Pinakilala nya sakin yung dalawang katabi nya. Nag kwentuhan kami at ayun, ang kekengkoy pala nila. Masarap sila kausap, lalo na si Katsumi masyadong patawa. Kung anu-anong tinanong nila sakin. 

"KRINGGGGGGGGGGGGGG!" 

DANIEL'S POV

Uwian na. Excited na ko umuwi kasi wala si Mama sa bahay. Hahahaha! Pag labas na pag labas ng room namin eh, andun na..... si Zharm. My girlfriend for 2 years. Ewan ko nga ba sa mga tao dito sa school eh, sinasabihan akong Womanizer eh, stick to one naman ako. Hahahaha. Mahal ko 'tong si Zharm, mga chismis lang yang pagiging chickboy ko. O kaya naman eh hindi nila kilala yung bagong ako. Si Zharm kasi nag-pabago sakin eh. Kwento ko ba love story namin? Sige.....

FLASHBACK

"Buddy.. may aaminin ako sa'yo"

"Ano yun dj?"

"Ay wag na lang! Tsk asan na yung buddy?"

"Ang arte naman ng best friend ko! Hahaha. Okay... ano ba yun buddy?"

"Uhmm ganito na lang... lahat ng sasabihin ko tatandaan mo ha?"

Um-oo naman sya kaya sinabi ko na.

"Mahal na kita... siguro hindi mo alam kasi akala mo bilang kaibigan lang turing ko sa'yo. Pero hindi, mahal na kita.. hindi bilang kaibigan. Sana bigyan mo ko ng chance na pakita tsaka patunayan sayo tong pag mamahal ko. Sana pumayag kang ligawan kita.... Oh ano? Natandaan mo ba?"

"Oo naman..." sabi nya habang nakangiti at bigla naman syang namula

"Yun!! Pakisabi kay Megan ha? Alam ko kasing close na close kayo nun e. Tulungan mo ko buddy ha. Thank you!!!! The best ka talaga bestfriend!!"

"Ah.. Ha... Haha... Okay sure.. Sige buddy, kailangan ko ng umuwi.."

"Ha? Maaga pa kaya.."

"Ehh.. uhm.. p-pinapatawag na kasi ako sa bahay. Yun. Tama. Pinapatawag na ko. Sige bye!!"

Sabi ni Zharm.. sabay takbo.

Ang weird nung babaeng yun ngayon ah, ang aga aga pa pinapatawag na agad.. Pero okay lang, sasabihin naman nya kay Meg yung sinabi ko eh. Yesss! Sa wakas. Naamin ko rin. Matagal ko na din kasing kaibigan yun si Megan eh, siguro 1 year na. Maganda sya, mabait.. tsaka masarap kasama. Tapos yung mga ngiti pa nya, ang ganda talagaaaaa.

Somebody That I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon