Dedicated to: daniellap
KATHRYN'S POV
Hindi ko na alam. Naguguluhan na 'ko. Oo nga, masyadong mabilis. Pero hindi ko na talaga alam kung ano itong nararamdaman ko. Ano ba? First time ko to maramdaman eh, nagmamahal na ba ako? Eto na ba yun? Kung eto na yun.. Bakit sya pa? Bakit sa best friend ko na halata namang walang gusto sakin? Kaibigan lang ang turing nya sakin. Mahal nya si Zharm, alam ko naman yun. Hihintayin daw nya ang pagbabalik ni Zharm dito sa Pilipinas. Gusto kong pigilan tong nararamdaman ko. HIndi ko pwedeng ipagpatuloy to. Baka tuluyan na akong malaglag sa kanya, ang masaklap, alam kong hindi nya ako masasalo. May iba syang hawak, pano nya ko sasaluhin? Ganito pala yun. Ganito pala kasakit ang magmahal, sana kasi hindi na lang eh. Bakit sya pa?
Siguro nga masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kailan lang, puro kami asaran, kulitan, pikunan, laitan at kung anu ano pang mga bagay na naging dahilan para kamuhian ko sya noon. Bakit ganon kabilis mag bago ang ihip ng hangin? Hindi... hindi ako pwedeng mahulog sa kanya ng tuluyan dahil bestfriend lang ako.
Sa ngayon, kailangan ko ng kausap.
Binuksan ko yung laptop ko, nag log in sa facebook at chineck kung online si Julia pero hindi. Nag online naman ako sa skype, mas madalas kasing online yun dun. Bakit hindi sya online? Wala akong makausap. Chineck ko ang orasan...
"Hay, mag-kaiba nga pala kami ng timezone. Madaling araw na nga pala dun." bulong ko sa sarili ko, kung may nakakakita man sakin ngayon, siguro nga iisipin nya na baliw na 'ko. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko eh. Malamang pati si Julia magugulat pag sinabi kong inlove na ko.
Sino naman pwede kong kausapin?
Nag log in ulit ako sa facebook, nakita ko na online si Dj. Ayoko syang i-pm, ayoko.
"Pisnge!"
Bwisit! Sinabi ng ayoko eh.
"Uy uy uy"
Di ko sya pinapansin, wala ako sa mood mag panggap ngayon. Ang kulit. Nag log out na lang ako.
Ano ba pwedeng gawin? Kailangan ko libangin sarili ko eh.
Chineck ko ang phone ko, may nag text eh.
From: Sofia Andres
Uy, kath! :)
Oo nga no.. bat di ko naisip si Sofia? Masarap naman 'to kausap. Siguro pwede naman akong mag labas ng hinanakit ko sa kanya. Mapagkakatiwalaan naman to eh.
To: Sofia Andres
Sofia!! Bakit? :)
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know
FanfictionPaano kung isang araw ay bigla ka na lang iwan ng taong mahal mo? Walang dahilan, rason o kung anu-ano pa. Kakayanin mo kaya? Bilib ako sa mga taong iniiwan ng taong mahal nila, pero di sila nagsasawang mahalin ang mga ito. Martyr? Siguro nga. Pero...