Chapter 6

177 3 0
                                    

Sana po magustuhan nyo. :)

Dedicated to: yourstruly07

DANIEL'S POV

Andito ako ngayon sa bar. Nag iinom. Bakit nga ba ako nandito? Eh kasi wala na sya...

FLASHBACK >>>

"Aalis na ko, DJ." 

"Ha? Ah eh.. bakit? Maaga pa naman ah. Kakarating lang natin dito."

"Hindi yun.. DJ. Hindi naman yun yung ibig sabihin ko eh."

"Ha? Di ko maintindihan babe."

"Aalis na ko, DJ. Susunod na kami kay Mama sa New Zealand. Kailangan nya ko dun."

"Akala ko ba hinayaan ka na nya dito kasama ko? Bakit ganon?"

Nalulungkot na ko.. eto na. Nangingilid na yung mga luha ko.

"Noon yon. Ngayon, kailangan na nya ko. Hindi naman pwedeng suwayin ko sila Deej. Tingin nila, binigyan na nila tayo ng sapat na panahon para magkasama."

"Akala ko ba walang iwanan? Ano to? Bakit ganito?"

"Sorry Deej... ayoko talaga tong gawin. Ayaw kitang iwan pero babalik din ako. At sana sa pag balik kong yun.. ako pa rin laman ng puso mo."

Hindi na ko nakapag-salita. Wala ng mga words na lumalabas sa bibig ko. Bakit ganito? Ang sakit. Ang sakit sakit naman.

"Mamimiss kita, wag mong kakalimutan ha? Mahal na mahal na mahal kita." 

Mas naiyak ako nung sinabi nya yon.. Lumapit sya sakin at niyakap ako. She gave me a peck on the lips.. tumingin sya sa mga mata ko. Umiiyak na rin sya. Kumalas na sya sa yakap at tumakbo palayo.

"Zhaaaaaarrrrmmmmm!" 

Napaluhod na lang ako dito sa park habang umiiyak. Nandito ako sa swing.. sa gitna ng paheart shape na ginawa nya. Dito talaga nya ko iniwan ha? Ang sakit....

END OF FLASHBACK >>>

Ganon kabilis ang mga pangyayari. Una, ang saya saya namin. Nag cecelebrate kami eh. Tapos in a snap, wala na. Balak ko sana syang habulin eh, kaso wag na. Baka mas mahirapan pa kaming pareho. Sya, mahihirapan syang umalis pero wala naman syang magagawa. Kailangan sya ng Mama nya sa New Zealand. Wala man lang ako nagawa, nakaalis sya ng hindi man lang ako nakakabawi sa kanya. Sya pa nga yung gumawa ng surprise para sakin eh. Hayy... mahal na mahal ko sya. 

"Pre, tama na yan. Wala na tayong magagawa." Les

"Pinamukha mo talaga sa kanyang wala syang magagawa eno?" Kats

"Okay na yun.. para matanggap nya. Para hindi na sya mahirapan." Les

"Malamang mahihirapan pa sya ngayon. Hindi naman ganon kabilis maka move on eh." Kats

"Pinamukha mo talaga sa kanyang mahihirapan sya eno?" Les

"Wala ka talagang originality." Kats

Ito talagang mga to. Walang pinipiling oras ng pag sasagutan eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA"

"Uy brad.. kanina lang umiiyak ka ah? Malala ka na chong."

"EH KASI IKAW KATS EH... HAHAHAHAHAHA."

"Ako? Bat akoooo?"

"Panira ka ng moment eh. Nag eemo nga ako dito.."

Kung nagtataka kayo bat tatlo lang kami, eh kasi on the way pa lang si JC at Seth.

"Brad!! Anyare? Bat ka naglalasing?!!?"

Speaking of the monkeys.

"Wala na sya brad.. Wala na si Zharm.." Hay.. naalala ko na naman. Napatawa na nga ako ni Kats eh. Nararamdaman ko na naman yung kirot. Eto na naman yung sakit.

"Gusto mo bang mag kwento o maglalango ka na lang dyan?" JC

"Tanong nyo na lang sa kanila.. Ayoko na ulit ulitin yung kwento. Masyadong masakit."

Naluluha na naman ako. Ang sakit talaga mga bregs eh. Ganito pala yung feeling pag iniwanan ka ng taong importante sa'yo no? Yung nasanay kang andyan lang sya palagi sa tabi mo. Yung hindi ka nya iniwan. Araw araw mo kasama. Tapos sa isang iglap, biglang nawala. Biglang nabago yung daily routine mo, kasi wala na sya.. wala na yung taong mahal ko. 

KINABUKASAN >>>

KATHRYN'S POV

Andito ako ngayon sa may student's lounge, nakatambay kasama si Sofia. Eh wala naman kasi kaming klase kaya andito muna kami.

"Kath.. close kayo ni Daniel?"

"DJ? Hindi ah. Yung epal na yun magiging kaclose ko? Psshh!!"

"Ah sige."

"Bat mo naman natanong?"

"Wala lang. Yung mga kaclose lang kasi nya yung tumatawag sa kanya ng DJ eh.."

"Ah ganon ba? Eh nasanay lang ako mula bata pa kasi kami."

"Talaga? Kilala mo sya noon pa? Ibig sabihin close nga kayo. Mabait ba sya? Makulit? Gwapo ba sya nung bata? Hindi ba sya mapang asar? Lagi ba---"

"Hep hep hep! Chill lang, grabe naman to mag tanong. Isa isa lang. Mahina kalaban. Tsaka teka.. bakit ba interesadong interesado ka dyan sa Daniel na yan ha?"

"Ah eh.. W-wala. Kasi nga diba, member ako ng newspaper club.. Y-yun! Kaya kailangan kong alamin lahat ng info tungkol sa mga students dito."

"Oh eh bat ako hindi mo ko tinatanong tungkol dyan? Hmp! Katampo."

"E-eh... Kasi ano... Hmm, diba anak sya ng may ari? So.. y-yun, kailangan alam ko lahat ng informations tungkol sa kanya. Y-yun, tama..."

"Ah edi sige. Haha. Sya na anak ng may ari."

"K-kaya nga... Hehe"

Pumunta na kami sa canteen. Dun ko nakita si Daniel simangot. Parang nabagsakan ng langit at lupa yung mukha. Naka-salpak na naman sa mga tenga nya yung headphones nya tapos naka shades. Tsshh, kala mo bagay.  Eh bakit nga ba ko nag sasayang ng oras sa mapang-asar na to?

"Uy kath!" sabay snap ni Sofia ng fingers nya sa harap ng mukha ko.

"Ay! Oh? Ano ba yun? Bat nang-gugulat ka?" 

"Anong nang gugulat? Eh kanina pa kaya kita tinatawag. Sino ba kasi tinitingnan mo dyan?" Sabi ni Sofia sabay lingon sa direction na tinitingnan ko kanina.

"Ah eh, wala no. Oh ano ba kasi yung sinasabi mo kanina?" 

"Sabi ko anong gusto mong kainin?"

At yun. Umorder na kami ng pagkain namin tapos umupo na sa lamesa.. Yung malayo kay simangot para hindi ko naa-aninag yung mukha nya. Na-aalibadbaran lang ako.

___________________________

*kroo kroo*

Hahaha. Wala ng kasunod. Bitin po ba? Masyado bang maiksi yung updates ko? Sabaw eh. :( Tiwala lang po sa flow ng story.. See you next chapter!! :)

- noworriesjustlove

Somebody That I Used To KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon