Sorry natagalan UD. Sobrang busy eh. Eto na po, sana magustuhan nyo.
Dedicated to: HaveYouSeenThisGirl
ZHARM'S POV
Andito kami ngayon ni Daniel sa park. Dito ko kasi balak sabihin sa kanya yung pag alis ko eh.
"Babe.. ano ba kasi gumugulo sa isip mo?"
Eto na naman. Kinukulit na naman nya ako. Sasabihin ko na ba? Kasi naman, parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan tong bestfriend/boyfriend ko. Mahal ko to eh.
"Kasi babe.. aish! Lika! May papakita ako sayo."
Dinala ko sya dun sa favorite spot namin sa park. Sa swing.. pero ibang iba yung ichura ng swing na yun ngayong gabi. Nagpatulong ako sa mga kaibigan nya. Kahit sobrang kilalang kilala ko na si DJ, lahat ng gusto, hilig, paborito at lahat lahat na tungkol sa kanya, memorize ko. Ano ba naman kasi yung pagkatagal tagal na pagkakaibigan namin dati diba? Alam ko din na magaling sya makiramdam. Alam nya kapag may problema. Madami na kaming napag daanan nyan kaya alam ko lahat. Pati size ng brief nya. Hahahahaha. Okay, tama na kalokohan.
Nilagyan ko ng mga lights yung paligid nung swing. Pa-heart shape. Sa swing.. may nakasabit na letters.. mga post its. Dun nakalagay yung mga dahilan kung bakit mahal ko sya. Alam kong lalaki dapat ang mga gumagawa ng mga ganitong efforts.. pero bakit ba? Mahal ko eh. Tsaka last na to.. aalis na rin naman ako. Pag bigyan na.
"Babe.. para san to?"
"Monthsary natin ngayon, diba?"
"Oo.. pero hindi naman anniversary. Grabe naman. Feeling ko tuloy may sasabihin ka talagang importante at nag paganito ka pa."
Sabi sa inyo eh. Magaling makaramdam yan.
"Ahh.. Ehe.. Tara babe. Upo tayo dun sa swing."
Pag karating namin dun sa swing.. binasa nya yung unang post.
"Mahal kita kasi... ikaw, ikaw yung taong laging nandyan para sakin."
And yung pangalawa..
"Kasi ikaw lang ata yung taong nakakaintindi sakin."
At yung mga sumunod pa..
"Kasi simula noon hanggang ngayon, hindi mo ko iniwan."
"Kasi minahal mo ko, bilang ako."
"Kasi mula't mula, ikaw lang naman talaga yung kaibigan ko eh."
"Kasi kahit anong nangyari, hindi ka umalis."
"Kasi ikaw pa rin yung nag iisang buddy ko. Ikaw lang, wala ng iba."
"Kasi ikaw lang laman nito.. nitong puso ko."
"Kasi umaasa akong forever tayo. Sabi mo yun eh, diba?"
"Kasi pinatunayan mo yung mga sinabi mo noon na, through ups and downs, magkasama tayo."
"Kasi sobrang maalagain mo. Gentleman ka, sobra. Kahit di mo napapansin."
"Kasi ikaw lang ang nag iisang best friend ko."
Binasa na nya yung pinakahuli..
"At higit sa lahat, mahal kita bilang ikaw. Si Daniel John Ford Padilla.. I love you so much babe. No matter what happens."
Pagkatapos nya basahin yun. Lumingon sya sakin.. he gave me a peck on the lips.
"I love you too babe.. I love you so much. Sobra sobrang sweet mo, hindi ko makakalimutan to."
Sana nga... sana nga babe.. Hindi mo ko makalimutan.
"May sasabihin sana ako eh"
"Bukod pa dun sa mga posts? Meron pa? Haha. Sabagay, kelan ka ba naubusan ng sasabihin?"
Sabi nya sabay kurot sa ilong ko. Haaayyy, mamimiss ko tong lalaking to.
"Aalis na ko, DJ."
________________
TIME OUUUTTT! HAHAHAHAHA. Sabaw ba? Sorry. Gahol po sa oras, kailangan ko pong mag pahinga dahil sa walang kamatayang practice para sa prom. Sinikap ko lang talaga mag UD para sa inyooo.
CLIFF HANGER MUNA AKETCH. SOLO MUNA NI ZHARM TONG UPDATE NA TO. =))
Next update.. DANIEL'S POV. ;)
-noworriesjustlove
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know
FanfictionPaano kung isang araw ay bigla ka na lang iwan ng taong mahal mo? Walang dahilan, rason o kung anu-ano pa. Kakayanin mo kaya? Bilib ako sa mga taong iniiwan ng taong mahal nila, pero di sila nagsasawang mahalin ang mga ito. Martyr? Siguro nga. Pero...