AIPB- chapter 6

3K 69 2
                                    

Raquel's POV

Another day, another start!

Nako ano kayang gagawin namin ngayon? Wala naman siguro kaka-start lang naman ng classes.

"Ate! Bumaba ka na nga dito! Baka mabasag na yung salamin dyan! Panget mo kasi!"

"Good morning din sis!" Aba sumosobra naman yata siya ngayon.

Grade five palang yan ah! Kung makasumbat kala mo siya nakakatanda.

Bumaba nako, tapos nag-good morning kala tito at tita. Mmmm... Favorite ko! Bacon and egg. Baka di ako makapasok sa kabusugan nito.

"Uy Ate! Ano ba bilisan mo nga dyan. Tara na, bilis!"

"Hoy ba't ka ba excited dyan! May boyfriend ka na no?!"  Ang kulit naman nito. Panay pagpapabilis sa akin, tsk!

"Grabe naman 'tong si Ate! Bilisan mo nga lang kasi male-late tayo no!"

"Oo na! Ang atat mo kasi, kataranta." Pagpapa-lusot ko. Sa tinatamad lang talaga ako. Pero sige na nga nandun naman si Prince. Hehe pampa-good time na din.

"Thank you po Tito Ed. Mamaya nalang po ulit." Sabi namin sabay kaway.

Ang school talaga oh, kahit minsan di ako na miss. Di joke lang! Miss na nga agad ako nung mga fangirls nung dalawa kong friends eh. Tignan natin kung anong mangyayari ngayon.

"Bad morning Loser!" si Shakira ang dakilang fangirl ng bayan.

"Bad morning din, Shrek." Pabulong kong sagot.

"Ugh! What did you just call me? Are you trying me?" she stared at me in disbelief.

"I said good morning, Shakira." Ang bingi naman niya. Panigurado naman akong narinig niya ko, suntukin ko pa siya dyan.

Nilagpasan ko na siya at pumunta sa classroom. Nandun din sina Prince at Annoying. Hays! Maha-haggard agad ako nito.

"Good morning Kat!" Tapos nag-smile siya showing his cute dimples. Ang cute talaga ni Prince kaka-good vibes.

"Good morning din, Kit!" Nilapag ko na yung bag ko at umupo sa gitna nila.

"Eh ako walang Good morning?" Ay nandito pa pala siya. Hays. Pwede iyak tawa nalang ako.

"Good moring din Annoying." Sabi ko habang naka plastic na smile.

"What a nice day to start your quarrel." singit ni Prince sa amin.

"Paano itong kaibigan mong petmalu! Nambubwiset na naman." Sabi ko sabay dukdok sa desk ko.

Nagulat ako nung may humawak sa leeg ko. Shemay! May kiliti ako dyan. Noooo!

"Hahaha! Ano ba! Haha! Stop. HAHAHA." Nakakabwiset naman si Prince. Nakitang nag-emote ako, ang epal sa moment ko!

Tinigilan niya na, pero hinarangan niya agad yung buhok niya ng kamay niya, dahil alam niyang sasabunutan ko siya. Grrrr!

"Istorbo ka Kit! Nangingiliti ka pa dyan bwiset. Paganti ko!" Huhuhu! Hindi ako makakaganti dito sa giant na to.

"Hahaha! Ayoko nga, baka kung ano pa gawin mo sa mukha kong napakagwapo!"

"Ay signal number ano na ba ngayon Bryan? Ang lakas na ng hangin oh!" Biro ko sa kanya habang kinakalabit si Bryan.

"Oo nga Ann. Palagay ko signal number 999 na. Buti di pa tayo patay no?" Hahaha! Buti nalang sumakay si Bryan sa joke ko.

"Oh natigilan na yata! Tara resbak na tayo." Pabiro ko pa ring sabi.

Naka cross arms at naka busangot na kasi si Prince. Hahaha! Pikon na siya! I win, I win.

"Sige subukan mong rumesbak jan, baka ipatapon kita sa ilog ng buhay."

Uh-oh! Lagot na ko nito. Ang hirap sa kanya siya pa ang pikon, kaasar. Hmmm... Sabagay ako din naman pikon. Hahaha! Pero huhuhu galit siya sa akin.

"Uy pikon naman nito! Di kasi nagpapaganti ayan napala mo sa akin." sabi ko pero naka-cross arms pa din siya.

Hindi na niya ako pinansin nung lunch time. Anong oras na ba ngayon? ESP na namin, tapos uwian na. Lagot na!

"Sorry na Kit, uy patawarin mo na kasi ako. Huhuhu..." sabi ko habang nag fe-fake ng teary eyes.

"Aish! Sino ba naman makakahindi sayo Kat!" sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Soo... Pinapatawad mo na ba ako?" naka-sad face pa din ako. Aba magaling yata ako sa acting!

"Sa isang kondisyon. Ililibre mo ako ngayon, sa masarap at sosyal gusto ko." Ang choosy pa! Ako na nga nag-sosorry eh.

"Sige, mamaya hihintayin kita sa tambayan natin."

Buti nalang at nakatalikod si Ms.Sanchez kung hindi lagot kami ni Prince.

Humarap na si Ms.Sanchez at nagdiscuss ulit. Pero lutang isip ko ngayon. Saan ko kaya ililibre si Prince, sosyalin at mamahalin daw eh. Hmmm... Sa Starbucks nalang kaya. Hindi naman dining pupuntahan namin, mag-mimiryenda lang naman sagot ko.

After 45 minutes and 10 seconds...

"Class dismissed." Sa wakas naman. Kala ko world war 4 na eh. Hahaha!

"Ano? Kita nalang tayo sa tambayan ah." magkahiwalay kasi kami ng locker . Masyadong malayo yung sakanya.

"Sige, see ya! Libre mo ko ah." sabi niya sabay takbo papalayo.

Nandito nako sa swing na may lilim ng puno. Maganda dito sa tambayan namin. Nakaka-relax ng mind.

What the heck is taking him so long?!

Konti na nga lang pasensya ko. Umalis nako sa tambayan at baka mamuti pa mata ko dun. Nang madaanan ko si Prince na nakikipagusap at tawanan dun sa magandang babae na taga-ibang section. Konting lapit pa at baka magkapalit na sila ng mukha.

Nakalimutan na ata ako nung magaling kong bespren. Kasi sitting pretty pa sila dun. Kaasar lang ha.

Umuwi na agad ako sa bahay. Hindi ko nalang siya papansinin bukas.

Tamporista yata 'to eh. Hmph!

"Ate, ba't ang tagal mong umuwi? Nakipag date ka pa ba? Naligaw ka ba? Kabisado mo naman pauwi diba." bungad agad sakin ni Ri-Ann. Daming tanong eh.

"Hindi ako naligaw no. Mas lalong hindi ako nakipag date! May inintay lang na hindi dumating." Nakabusangot kong sabi.

"Aahh... In short nagpaka-tanga." Ano ba 'tong si Ri-Ann nakitang pagod na ang ate niya. Panay pa din ang pang-aasar sakin.

*ding dong*

May nag-doorbell. "Ate, ikaw na kumuha niyan may assignment pa ako!" Sigaw ni sis, nako nakakarindi. Bumangon ako sa pag kakahiga ko sa sofa at pumunta sa pinto.

Binuksan ko na yung pinto at si—.

_______________________

Hello guys! Sorry for not updating that fast. Mukha namang hindi nyo ko namiss eh. Walang comment, No comment. Huhuhu! Kaiyak kayo guys! Joke! Please wag naman kayo masyadong Ghost reader ha. Baka matuluyan na kayong ghost niyan. Hahaha! Peace tayo.

Please *Vote* and *Comment* guys!

Dont be such a Ghost reader. I appreciate you guys for reading my story. Vote to show your support to me and my story! Also comment so that I know what you feel in this story. Ok lang kahit ano basta magsalita kayo.

See yah til next chapter.

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon