AIPB- chapter 40

1.2K 26 2
                                    

Conscience

Raquel's POV


"Sniper saan ba kasi tayo pupunta? Hindi pa naman ako nakapagpaalam kila Tita. Baka magalit sa akin yun." Nice, Raquel. What a very nice way to say I don't want to cheat on Prince.

Sumaglit lang siya ng tingin sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"Wag kang mag-alala, Raquel. Nakasalubong ko yung Tito Ed mo nung nasa coffee shop ako. Kasama niya yung Tita mo, right? Nag-paalam na ako sa kanila." Aish!!! Bakit?! Ayaw ko na! I give up! Sige siya na panalo.

Prince, kung alam mo lang kung gaano ako kinakain ng konsensya ko ngayon. I'm sorry. . .

"Oh...kay. Eh saan nalang tayo pupunta?"

"Secret. Malapit na tayo, okay? Gutom ka na ba?" Gosh, paano ko ba 'to iha-handle? Ano ba 'tong pinasok ko? Dapat yata tanggalan na ako ng konsensya, para walang ganito na nangyayari.

"Raquel? Ran? Raquel Ann Ramirez!" Sigaw niya na ikinabigla ko. Nalunod na ko sa konsensya kong epal.

"Ay konsensya! Ah oo! Gutom na nga ako. Naku ganyan ka pala sa girlfriend mo, Sniper. Ang tagal mong pakainin, gutom nako o." Sige siya naman ipakain mo sa konsensya! I-pupush ko 'to!

"A-ah.... Ano bang gusto mong kainin? Para sasabihin ko nalang sa maid yung iluluto niya." Aba. . . Saan kaya kami pupunta? Oh Em! Baka sa airport? Tapos, tapos itatakas niya ako kay Prince!

"Oh My God! Sniper, hindi naman tayo pupuntang ibang bansa di ba? Tell me!" Nanlaki ang mata niya at namula ang tainga. So totoo?!

"Grabe ka naman Ran! Gutom lang yan. Just sit down and relax while I drive here. Kay?"

Bish, paranoid na yata ako.

"Okay. Sure! Sorry ha? Napaparanoid lang talaga ako kapag gutom." Na-turn off kaya siya? Kahit konti? Hay buhay.... parang life.

"Ano nalang... Just cook anything that's your favorite. I'll eat anything naman that is edible. Hehe." Keep calm Raquel. Keep your cool. Teka! Kailan pa ako naging conyo?!

Habang nagd-drive siya ay may tinawagan siya sa phone niya. Dahil may pagka-tsismowsa ang ganda ko nakinig ako ng konti.

"Nay, pupunta ako dyan... Ipagluto mo naman ako nung favorite ko... Ah, may kasama kasi ako. . . HUH?! Nay wala akong ganung intensyon. Hindi po talaga ako pumunta dyan para ano... basta, No po! Nay, yung favorite ko ah. Lahat! Okay po, ty! See you po!" Konti lang yun. . . Oo na! Lahat na pinakinggan ko! Hue hue! Sorry naman, sa na-curious ako e...

Sino kaya yung Nay na yun? Nanay niya? At ano kaya yung inakusa sa kanyang gagawin niya?

"Si Nay yung nagpalaki sa akin nung bata pa ako. Yaya ko siya noon, pero ngayon siya na yung nagbabantay dun sa pupuntahan natin. Nasagot ko na ba yang tanong mo?" Ganun? Ganun na ako ka-obvious ngayon?! Nakakahiya, shet!

"Hehe, sorry sa pakikinig." Sabi ko nalang at tumingin nalang sa labas. Napahiya mode.

After a few minutes ay itinigil na ni Sniper ang kotse. Bumaba siya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Gentleman fre! Naks lang.

"Thanks." I muttered. Sinuklian niya lang iyon ng isang ngiti.

Inilibot ko ng tingin ang mansion sa harap ko. Malaki at maganda. Medyo modern ang pagkakadesign ng bahay.

"Kaninong mansion 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Sa lolo ko 'to. Pamana sa akin nung namatay siya." Mula sa masayahing mukha ay medyo lumungkot siya. Favorite lolo niya siguro yun.

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon