The Birthday Party
.
Raquel's POV
One word to describe this party.... Elegant!
Nakaupo ako ngayon sa table na pinagdalhan sakin ni Prince. Kinuha niya kong pagkain dahil ganun daw talaga ang mga gentleman.
Tss, talaga lang huh? Kaya pala halos lahat na yata ng babae dito sa party naikuha na niya ng pagkain.
Hindi naman sa tsismosa ako, pero halos mamuti na yung mata ko dun sa table namin kakahintay sa 'food' niya kuno. Kaya naman sinundan ko na.
Ang kapal ng mukha nitong lalaking 'to. Kulang na nga lang siya na yung kuhanin nung babae tsaka kainin eh! Kaimbyerna sa beauty ko no!
Tsaka yung mga titig niya dun sa mga seksing babae na kumukuha ng pagkain. KAKAIBA po. Hindi ko yata maatim yang ganyang tingin kung sakin niya yun ibabato. Baka ako pa ang mauna.
Tae, joke lang. MAS pa din naman 'tong malandi kong manliligaw di ba? Ang landi putspa! Kaiiiinnniiisss Overloaaaaaadd!!
.
"Ehem! Matagal pa ba? Kukuha na kasi ako ng PAGKAIN KO eh." dun kayo sa tago mag-titigan ng ganyan para walang nahu-hurt dito. Mga lintsak na tsanak 'to!!! Sarap dukutin ng eyeballs.
Tapos ipapakain ko kay Shrek. Mother Tongue lang. Akala ko ba nagbago na siya? Ano 'to?! Manloloko pa din siya as ever!!!
.
"Uhhh... Sorry nga pala Kat. Eto na yung pagkain mo, kukuha palang kasi ako kaso..." Ang lakas ng loob niya!!! Buset buset buset!
.
"Ayoko na niyan! Gusto ko yung bagong kuha, Prince." Gagyou ka! Letche letche! Sana ako ang makapatay sayoo!!
Imbyernes! Hindi Infairness! Ang sarap hilahin ng hair extention ng babaeng ka-flirtan niya kanina bago ako umentrance.
Eh kung hilahin ko nga kaya?! Ahhh!! B!tchyness overload!
Inhale the good ones, Raquel. Exhale the bad ones. Calm down.
"Ako na nga ang kukuha! Puro ka pangako! Sa huli talaga kapag napako pa yan... Ikaw na mismo ang ipapako ko sa dingding ng kwarto ko!" bwiset na sabi ko kay Prince. Inirapan ko pa nga ng engrande bahala siya diyan sa babae niyang walking FAKE.
Yung Nose, lips, cheeks, boobs, pati nadin yung eyes! Pati buhok fake! Extension pa mur!
Ako lahat ng sakin NATURAL. Natural beauty kasi ang tawag dun. Ako na yun wala ng iba pa. Laki ng ulo ko, lelz. Madami kasing nag-sasabing maganda daw talaga ako.
Kasalanan nung mga nag-sabi, kaya don't put the blame on me kung nag-buhat ako ng sariling bangko. Wahahaha!
.
Pinandilatan ko yung babae na parang sinasabi na 'Back-off!-fake-lady!' with matching murmuring.
Gawa yan ng kakapanood ng Kalyeserye. Si Yaya Dub kasi sobra mag-make face eh, hahaha!
"Ahh, hey Prince. I think I need to go to the CR. We'll meet again soon, I guess..." halos ambaan ko na nga ng suntok dahil nakatalikod naman sakin si Prince.
.
"Sure! Bye Maldi, hope to see you again, too." at yun na nga po ang nag-tulak sakin na mag-kunwaring natulak ng kung sino para tapunan ng juice yung likod ni Prince.
Good thing may dumaan talaga.
"Ay! Sorry, Prince! Nabangga kasi ako nung dumaan. Sayang puti pa naman 'tong suit mo. Sorry talaga Prince ah?" medyo tinago ko pa yung sarcasm dun. Sa lagay na yun medyo tinago lang ah...
BINABASA MO ANG
Accidentally Inlove with my Playboy Bestfriend
Fiksi RemajaAko ay napakalaking tanga para ma-inlove sa Bestfriend ko na alam ko namang 100% PLAYBOY. Pero ano bang magagawa ko? Close naman kami to the point na nagkaroon ako ng urge na ayokong maging sister/bestfriend nalang.... Paano ang landi niya kasi! My...