AIPB- chapter 18

1.7K 39 0
                                    

Raquel's POV


Naisipan kong mag unwind muna sa park. Yung dating pinuntahan ko pagkagaling ko sa mass.


"Ahh... Ang sarap talaga dito..." tsaka ako umupo sa bench.


Ang gaan ng ambiance dito. May mga batang naglalaro, pamilyang nag-babonding, ibon na kumakanta, ang sarap pa ng sariwang hangin na hindi polluted.


This is moving on! Yeah! I like it!


Pumikit ako at sumandal. Nakakapagod pala mag-mahal kahit sandali ko lang yun naranasan. Para tuloy ayoko ng mag-mahal pa ulit. Masaya namang single diba? Freedom all you want! 


Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko nalang pinansin. Isa pa, walang magnanakaw dito.


*click*


Napamulat agad ako dahil pinicturan ba naman ako nung katabi ko. Hindi yata uso sakanya ang word na paalam. Tsk!


Si Bryan Kyle Santiago lang pala. Ang dakila kong classmate. Joke! 


"Burahin mo yun!" tinry kong hablutin sakanya yung phone pero wala. Hindi sa hindi ko abot. Pero mabilis kamay niya parang magnanakaw lang. Wahahahaha! Joke! Parang basketball player nalang. Mehehehe.


"Ayoko nga! Ang ganda mo kaya dun. Hahahaha." tapos tumakbo siya palayo. Aba! Gusto ng habulan ni Kyle ha! Sige pagbigyan ang hilig.


Mabilis yata ako tumakbo. Kung hindi niyo lang alam, kasali ako sa The fast and the furious. Wait! Kinalaman ng The Fast and the furious dito?! XD tawa na kayo, libre naman.


"Hahahaha! Ang bagal mo kasi tumakbo Kyle. Kamaganak mo yata si Sloth. Wahahahaha!" sabi ko habang tinitignan yung picture ko sa phone niya.


But do you know kung ano ang kinagulat ko? Puro stolen shots ko yung nandito. Ako naman ay confident na maganda ako pero grabe naman si Kyle. Ang creepy lang. Para siyang stalker. Wahahaha!


"Oh! Eto na phone mo! Wala akong ginalaw ha."


"Thanks. Akala ko naman pakielamera ka na Ann. Hahaha."


"Uy! Di ako ganun. Grabe ka kung maka-akusa, parang kriminal ako! Huhuhu." tinakpan ko yung mukha ko gamit ng dalawa kong kamay.


Sa totoo lang nalulungkot padin ako ngayon. Pero medyo masaya nadin, kasi may karamay ako dito. Kaya tama na ang pagmumukmok!


"Maaga ba uwian ngayon Kyle?" pansin ko. Kasi 3:40 palang nandito na siya. Pero ang normal sched ay 7:00 am-4:30 pm. May 1 hour lunch.


"Ah. Oo, may meeting kasi ang teachers sa gaganapin na mga events this month. Ano ba mga events sa month of September?" Ahh... Oo nga! I almost forgot.

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon