AIPB- chapter 35

1K 36 4
                                    

(Prince's Point of View)

Kinabahan ako sa pangungulit ni Raquel. Natahimik ang lahat ng nasa sasakyan dahil sa sinabi ko. Hindi nanaman bago sa kanila ang balitang 'to, alam na nila ito bago pa magising si Raquel.

.

"H-Huh? Pa-paanong na-coma si Shakira? Akala ko, akala ko--"

"Raquel, we will explain it to you tomorrow. The doctor said you just need a rest and that you should eat well kahit hindi ka naman masyadong napuruhan." paliwanag ni Bryan kay Raquel. Napabuntong hininga na lamang siya at isinandal ang ulo sa upuan niya.

.

I was about to get Raquel's head to lean on my shoulder ng ganun din sana ang gagawin ni Sniper. Sa totoo lang nakakainit ng ulo ang may kaagaw. Kaagaw sa mahal mo.

Nakapikit si Raquel at medyo nakabuka na ang bibig niya kaya mukhang tulog na nga. Siguro dahil pagod na pagod na siya.

"Pre, hayaan mo na muna sakin si Raquel. Ikaw naman ang m-mahal niya. Ikaw din naman ang pipiliin niya sa huli. Kaya please. Kahit ngayon lang, maliit lang naman 'to na bagay pero malaki 'to sakin. Please." determinadong sabi ni Sniper sakin habang nakatingin din sakin ng may nakakaawang mukha.

Napalingon ako sa bintana at pinanood ang mga bahay na nadadaanan namin.

"Ngayon lang.... Ngayon lang ito mangyayari, Sniper. Hindi ko yata kakayaning makita siyang may nakadikit na ibang lalaki. Pagbibigyan kita dito, pero sa lunes ay dapat ka ng lumaban ng patas para kay Raquel." sabi ko ng hindi sila nililingon.

Buti nalang at bumalik ulit sa dating sigla ang lahat makalipas ang ilang minuto. Tulog na din ang kapatid ni Ran na si Ri-ann.

.

Hindi ko yata makakalimutan ang araw na iyon. Ang dapat na date namin ni Raquel ay nasira at naging isang malaking marka sa buhay naming lahat.

Kahapon lang akala ko mamamatay na ako. Kami. Siguro ay pakana itong lahat ni Tiana! Isa siyang kaibigan ni Shakira! At sigurado akong naghihiganti siya sakin gamit si Shakira.

Pero bakit? Dahil ba hindi ko siya sineryoso? Alam niya namang hindi ako nagseseryoso kahit kanino. Ngayon, kay Raquel lang ako nakaramdam ng ganito. Yung pagka-miss, yung pagka-lungkot, at yung pakiramdam na hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakita o kaya ay nakausap?

.

Siguro nga siya ang karma ko. Ang good karma ko. Siguro tama ang ibang tao na hindi magandang tignan kung ang matalik na magkaibigan ay isang babae at lalaki. Kasi, maraming pwedeng mangyari.

.

.

Bumusina si Suwo sa guard ng village namin nila Raquel. Mukhang natutulog si kuya, hindi niya ba alam na pwede ko siyang ipasisante kapag may nakapasok na criminal sa village?

.

Binuksan na ng guard ang gate ng village at nag-bow habang papasok ang kotse ni Suwo sa village.

.

.

"I guess I should start planning for monday, Prince. Even though it's really obvious that she is inlove with you. Siguro kapag naging kayo na tsaka lang ako titigil coz there's no reassurance of what will happen while you and Ran are not yet on. Goodnight, my enemy." natawa ako sa sinabi ni Sniper at humalukipkip.

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon