AIPB- chapter 43

1K 30 0
                                    

A Perfect day. . . Not.

Raquel's POV

Pagkatapos namin kumain. Dinala ako ni Prince sa isang ice cream parlor.

"Ano bang gusto mong mangyari sa akin, Loveydubs?! Pinatataba mo ba ako?" Binigyan ko siya ng 'Hindi-ako-makapaniwala-sayo.' look.

Ngumiti sa akin si Prince at hinalikan ako sa noo. PDA siya masyado ah! Gusto ko naman... Hehehe!

"No, Love. Mabilis naman ang metabolism mo, it's okay to eat alot. Ayaw mo na bang kumain?" Tanong niya sa akin habang naka pout. Syeeeett!! Temptation lumayo ka sa akin. Woo, breathe in, breathe out. Argh!

Umiling ako at tumakbo papunta sa entrance. "Syempre, gustong-gusto! Ano pa bang tinatayo mo dyan? Ice cream!!!" Sabi ko at nagta-talon. I know parang bata, but who cares? Bata pa naman ako ah. . .

Pumasok kami at humanap ng mauupuan. Si Prince na din ang umorder para sa aming dalawa. Sweeeett!!! Mehehehe.

"Here you go." Inilapag na ni Prince ang ice cream ko sa table namin. Yum! Feeling ko tutulo na ang laway ko sa sobrang sarap ng nasa harapan ko. Well, feeling ko lang naman. Kahiya naman kay Prince kung sakali.

"Yay! Ahmm... Saan naman tayo pagkatapos dito? Kakain ulit? Food trip ba tayo ngayon?" Dami mong tanong Raquel. Halatang-halata na excited ako. Sabi pa naman ni Ri-Ann wag daw masyadong pahalata.

Tumawa si Prince at. . . AT. . . SINUBUAN NIYA AKO NG ICE CREAM NIYA!!! AAAAAHHHHHH!

Sobra, sobra, sobra akong kinikilig! As in umiinit ang buong mukha ko. Ano ba 'to?! May biglaang lagnat ba ako? Ito ba yung sinasabi nilang blush?

As in yung instant blush on sa mukha ng isang kinikilig na babae? Achievement 'to!

Tinignan ko si Prince na naka ngiti sa akin. Yung sobrang cute niyang ngiti with matching dimple.

Hindi ko na mapigilan ang girly feels ko, so I pinched his cheeks.

Nasobrahan nga lang yata dahil nag-'ouch' siya. Binigyan ko nalang siya ng apologetic smile.

"Let's go. Next destination is. . . Secret!" Prince said. Winking at me as he say the word 'Secret'.

Pinigil ko ang sarili ko na mag-hyperventilate sa harap niya. Mahirap, pero nakaya ko naman. Hayyss, mali naman yata yung advice ni Ri-Ann. Bakit ba kailangan kong mag pigil?

Sumakay na ulit kami ni Prince sa kotse niya at sinimulan ulit na mag drive.

Eggsoited na talaga ako! Wee-woo-wee-woo... *hindi mapigilan mangisay sa kilig sa isip*.

***

Tumigil kami sa isang playground. Ano kayang pumasok sa isip ni Prince at naisipan niyang mag-laro? Baka naman namimiss na niya ang pagkabata. Wew! Ako talaga ang long time playmate niya. Ako lang at wala nang iba pa!

Possessive ako eeee. . . Basta si Prince.

Pagkababa ni Prince ay umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Aba. . . Kailan ka pa naging gentleman ha? Tell me, yan na ba ang natutunan mo sa pagiging playboy mo?" Sabi ko sa kanya habang itinataas-baba ko ang kilay ko.

Napahawak siya sa batok niya at namula... Wait, namula siya? Wae? Totoo ba...

"A-ano, hindi naman Love. Masama na ba ngayon ang alalayan ka pababa ng sasakyan? Ikaw lang naman ang inaalalayan ko sa pagbaba, dati nga wala akong pakialam kahit madapa pa yung babae o mauna pa ang ulo niya sa sahig. Kasi hindi naman IKAW yun. Ikaw lang kaya ang nandito." Itinuro pa niya ang parte kung nasaan ang utak niya.

"-at dito." This time, he's pointing finger made it's way to his chest where his heart is beating.

Pwede bang umiyak? Nakakaiyak kasi sobrang heart melting ng sinabi niya. Yung tipo ba na masasabi mo pa na, his words touched my heart.

This is one of those 'Aww' moments kung may audience.

I hugged him. Without even knowing that my arms made it's way to his body, hugging him already. Kusa nalang gumalaw yung mga braso ko at niyakap siya.

He hugged back. I just love this day. I don't want to end this day so soon. I just want to pause it, capture every single moment and treasure it for the rest of my life.

"Kat. . ." Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata.

His eyes were sincere. I can see that he wants to say something. But what is it? What is stopping him from saying what he wants.

"Kat, I... I." There was a glint of hesitation in his eyes. For the sake of us! Ano ba talaga yun?

He even called me KAT. Like the old times. That endearment is so special for us when we were just friends. But now that we see each other more than friends, why is he calling me Kat again?

Ganun nalang siguro ka-importante yung sasabihin niya sa akin. But what is it? Why can't he say it?

His hands slid down to mine. Holding it tightly.

"Kat, I lo-"

*Ring ring*

Napatingin kaming pareho sa bulsa ng pants niya. Ano ba naman yan! He's suppose to say it already! Those three important words that will confirm his feeling for me.

He looked at me like he was saying sorry. I just smiled at him and gestured him to answer the call.

"Hello, Leo?" Mukhang irita si Prince nung nakita niya ang caller ID. Si Leo lang pala ang half-brother niya.

"WHAT!? Okay, I'll be there. What hospital?" Kinabahan agad ako nung sinabi niyang hospital. Kahit si Prince ay biglang namutla at parang maiiyak nalang bigla.

What's happening???

Nung natapos na yung tawag ay hinarap niya agad ako at hinawakan sa kamay. His eyes were more visible with moisture.

"Raquel, nasugod sa ospital si Mom. I need to get there as soon as possible. Ihahatid nalang kita sa bahay mo, magpahinga ka na okay?" His hands were trembling. Kahit ako ay nagulat sa sinabi niya. Last time I checked ay okay pa naman si Tita. But what happened?

"A-anong nangyari kay Tita? Prince, what happen?" I look at him with pleading eyes.

"Mom. . . has Leukemia, Raquel. I don't know what to do. I can't live without her!" He was crying. It breaks my heart to see him crying.

Suddenly, I feel so selfish. Puro kaligayahan ko lang ang inisip ko. I didn't even think of his feelings! I didn't. . . What kind of girlfriend am I?

I nodded and led him to his car. "Prince, I want to come with you." I want to comfort him. What ever happens.

~~~~~*~~~~~

Guys, forgive me! I had too...

Guys, I did a double update! Surprise, surprise, surprise!!! 😘😘😘❤❤❤🎉🎊🎉  I love you all!!!

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon