AIPB- chapter 17

1.7K 54 1
                                    

Raquel's POV

Why? Bakit? Wae? Ayoko na! Suko na'ko... Hindi ko na talaga siya kakausapin at magpapakalayo na din. Tang mother! May torpe na bang babae ngayon? Baka naman ako palang ang una!? Kawawa naman si ako.

"Raspberry! Ba't di ka nagsabi sa akin na mayroon ka palang pinuntahan? Ha?!" Si Ski yan syempre. Ang dami ko ng problema dadagdag pa! Pakshet naman oh!

"Goodnight din. Sige pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na—"

"Okay na ang isang pagod. Grabe! You immature girl. Tsk tsk. Kaya wala ka pang lovelife eh. Isip bata kasi." Then that hit me. Naikuyom ko nalang ang mga kamay ko.

Putek gusto ko yata pumatay ngayon. Brutal na isip ko o! Di pa ba ako matured ng lagay na yan? Gusto ba nila yung may actions pa? Lovelife? Wala daw akong lovelife dahil isip bata ako? Sa pinsan ko pa talaga galing ang mga salitang yan ha! Putspa! Makahiga na nga.

"Bakit? Hindi ba nila ako tanggap kung sino ako ngayon? Ganun na ba talaga ko ka-immature ngayon? Arghhh!" Sumigaw ako sa unan ko habang takip ko yun sa mukha ko.

O sige.... Bukas na bukas magbabago na ako. Yun pala ang gusto nila, ang magbago ako. Pero syempre masakit para sa akin dahil hindi nila tanggap kung sino ako ngayon.

——

(The next day)

*Kokak! Kokak! Koka—*

Pinatay ko na yung palakang alarm clock na yun. As in pinatay na binato ko sa pader. Putspa! Kabibili ko palang noon...

Ngayon ko na sisimulan mag-bago. Sabi nga nila ‘Change is coming’.

"What's happening here, Ran?" Napatingin ako kay Wriley na nasa pinto ko ngayon. Nakalimutan kong katabi ko lang pala ang kwarto niya.

Napatingin siya sa sira-sirang alarm clock ko. "Bakit ganyan yung alarm clock mo? What did you do?" Umagang-umaga puro tanong. Bwiset! Nakakabanas! Mas lalo lang yata ako nagiging isip bata.

"Ipadala niyo nalang ako sa mental. Sasaya pa ako dun for sure." Poker faced kong sabi sa kanya at bumangon para dumiretso sa banyo.

After this and that...

"Hoy Ski! Nasaan si Chowy?!" Yung aso namin remember? (Refer to chapter 1)

"Nasa veterinarian, bakit?" Anyare dun?

"What happened? Nagkasakit? May pulgas? Di pinaliliguan? Buntis?" Tanong ko sa kanya. Mamatay siya sa tanong!

"Woah! Easy Raspberry... Alam ko naman certified pet lover ka at concern ka lang. Well of course may sakit! Ano ba! Isip naman Raspberry!" Bakit parang ang sarap mambatok ng tao ngayon? Feel niyo? Well, ako OO!

Juice ko! Ang dami ko ng problema, sa bahay, sa school, sa math, sa lovelife, sa aso ko at sa mind set ko... Sa lahat nalang! Aish!

"Alis na'ko. Ciao!" Hays... This time sa school nanaman. Bigti na Ran!

Habang naglalakad at sa sobrang sasabog kong damdamin. Naks! Naisipan kong i-record yung feelings ko para kay Prince.

Mahirap na hindi ko 'to nailalabas in any way that's possible. Mahirap maging torpe, mahirap matakot sa consequences. In short, ang negative ko.

"Hello... This is Raquel. Ang Raquel na bestfriend mo. Ang Kat na amazona sayo. Ang nag-iisang Raquel ng buhay mo, chos! Nag-iisa nga lang ba akong Raquel sayo? Prince Theo Alcantara, pwede bang palitan mo na yung apleyido ko? Hihi! Ang landi lang ah. Naglalakad ako ngayon papuntang school. Pero syempre habang nire-record ang feelings ko for you.

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon