AIPB- chapter 33.1

1K 31 10
                                    

Prince's POV

.

"Prince Theo Alcantara, the playboy of Lyndon Academy, the Mr. Smart pants and the Captain of LA Wolves. A very nice title right?" isang boses ang nadinig ko. Hindi ko alam kung saan yun galing dahil isang ilaw lang ang meron at sakin lang iyon nakatapat.

.

"Sino ka ba?! WHAT DO YOU WANT FROM US?" malakas na sabi ko sa babaeng kumakausap sakin ngayon.

.

"As you can see... Wala dito ang bestfriend mo. Ohhh! I forgot, nililigawan mo nga pala siya. So ano 'tong drama niyo ngayon? Ang kaawaawang mag-bestfriend, na nagka-gusto sa isa't-isa ang ngayo'y dudurugin ko sa mga kamay ko. HAHAHAHAHA!" nakakinis man ang mga sinasabi niya ay pilit kong kinakalas ang mga tali sa kamay at paa ko.

.

"My dear Prince... Don't even try to take that thing off your wrist and feet. Or else..." nakakapangilabot na sabi nito ng biglang bumukas ang isang maliwanag na bagay sa likod niya.

.

Isang malaking movie screen... Ibig sabihin ay nasa isa kaming sinehan? Abandonadong sinehan?

.

"KAT! RAQUEL!" napa-sigaw ako sa nakita ko sa screen.

Si Raquel na nakatali din at may lalaking may hawak na baril at nakatutok sa likod ng ulo niya.

.

"Subukan mo lang na kumawala sa kwartong 'to at madudurog ang bungo ng mahal mong kaibigan. HAHAHAHA!" at tsaka ko narinig ang pagsara ng pinto. Mukhang lumabas na siya.

.

.

"Tara, sabi ni boss pwede daw mag-coffee break habang tulog pa yung binabantayan natin." nadinig kong sabi ng isa sa mga naka-bantay sakin.

.

All this time nagpapanggap lang akong tulog. Dahil ang totoo, kinakalas ko na ang mga tali sa kamay ko.

.

Hindi ako tatanga lang at mag-hihintay ng tulong para maligtas kami ni Raquel.

Kailangan kong kumilos....

.

.

.

Raquel's POV

"Hoy! Ikaw na may tatoong mukhang butiki! Lumapit ka dito." utos ko sa lalaking nag-babantay sakin.

.

"Huh? Anong kailangan mo miss?" huwow! Buti naoang may pagka-ulianin 'tong bantay ko. Nakalimutan yata ang utos sakanya ni Shakira...

.

Tama. Si Shakira ang may pakana ng lahat ng 'to. Ano bang atraso ko dun? Ang alam ko lang naman ay kaibigan niya si Princess Tiana. Si Tyan.

Ang past girlfriend ni Theo. Haaaaaiissstt!!! Past is past, Raquel! Ikaw na ang nililigawan niya ngayon.

Take note nililigawan! Never pa siyang nanligaw sa isang babae... So ayun, nakakatuwa sa feeling. TEKA! Nasa Life and Death situation ako ah. Tapos nag-iisip ako ng mga ganitong bagay.

Ay nako! Kakalurkey na itey!

( -___- )|||

.

Okay, back to the plan.

.

"Pwede bang.... Uhmm... Tanggalin mo yung bracelet na 'to sa kamay ko. Pati yung anklet nadin. Tapos isuot mo sayo para ebribadi hapi! Ano? Game?" nakangising tanong ko. Alam niyo yung uto-uto? Ito yun eh! Yung maskuladong lalaking 'to!

Accidentally Inlove with my Playboy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon