*
Paakyat na ng third floor si Mia pero hawak-hawak parin nito ang dibdib niya.
Ang lalaking iyon, hindi siya normal! Anong gagawin ko! Kanino ako hihingi ng tulong? Sa 911? Sa militar? Kay PNoy? Ahhh… God help me.
Papasok na sana siya nang hinarang siya ng grupo ng mga babae. Kilala niya ang isa sa mga ito, Si Ashley. Ang queen bee ng school. Ang pinakasikat pagdating sa mga lalaki. Girlfriend ng sikat na ace player ng basketball na si Gio.
"Padaan." Aniya.
Lalo pang hinarangan nila Ashley ang daanan.
"Ah sorry, mga sosyal nga pala kayo. Excuse mehhhh."
Biglang hinila ng isa ang buhok niya at hinawakan naman siya sa braso nung isa. "Ahh!"
Paakyat na ng hagdan si Eneru nang makita ang apat.
"You ugly duckling, stay away from Eneru or else kakalbuhin ko 'yang pangit mong buhok." Sabay tawa nila.
"Ba-bakit, ano bang ginawa ko? Ano ka ba niya?"Tumawa si Ashley. "Future girlfriend! Kaya kung ako sa'yo lumayu-layo ka na sa kanya naintindihan mo?"
Hindi na nagsalita pa si Mia, kalaunan binitawan na din siya at tuluyan na siyang nilubayan.
Tiningnan siya ni Eneru. Ang babaeng ito. Bakit hindi siya lumaban? Tss.
Tinanggal ni Mia ang salamin niya at nilugay ang nagulo niyang buhok na naka-pony. Then, it revealed her true beauty. Ang tunay na kagandahan ni Mia. Lalo na't bagong ahit na ang mga kilay niya.
Nanlaki ang mga mata ni Eneru at napangiti.
So that's the true beauty of the ugly duckling."Balang-araw kaiinggitan niyo rin ako!" Nagulat si Eneru at napatawa. Lumingon si Mia sa kinaroroonan ni Eneru nang marinig niya ito. "Ikaw."
Humakbang ito palapit sa kanya. Nakaramdam siya ulit ng takot pero ng sinabi nitong… "Huwag kang matakot."
Bigla nawala ang takot sa dibdib niya. Ilang space na lang ang pagitan nilang dalawa. "Hmm... Napag-isip isip ko na hindi na kita papaslangin."
"Ahh?!! Eh, talagang seryoso ka na patayin ako? Huwag naman, grabe, marami pa akong pangarap sa buhay, kailangan ko munang makatapos, hindi pa ako-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang hinalikan nito.
Napapikit siya. Ano 'to? It feels heaven...
Pagbukas ng mga mata niya, nakita na lang niya ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. Kinikilig. Including those Ashley girls a while ago. Patay sila ngayon ano?
"Ahh… ahhh!!! Bakit mo 'yun ginawa?!"
Napangiti si Eneru. "Your lips are sealed. Mula ngayon, oras na ipagsabi mo sa iba ang pagkatao ko at ang nakita mo, mamamatay ka. Akin ka na ngayon Mia."
Hawak niya parin ang labi niya. "Paano mong…"
"I'm a demi-god after all Mia. I'm the demi-god of the wind. Symbolizing the fox. Sa tingin mo, kung ordinaryong tao ako malalaman ko ba agad kung sino ka? Anyway, 'yun lang naman ang hindi mo pwedeng ipagsabi, kaya I assume mag-susurvive ka naman. Sige."
Paalis na si Eneru nang tinawag siya ni Mia. "Teka, tingin ko mag-susurvive nga ako, pero hindi sa mga babaeng nakakita ng pag-kiss mo sa akin! Oy!"
Hinabol niya ito ngunit tinitigan siya nito ng masama. "Problema mo na 'yun. Hindi na nga kita tinuluyan eh."
"A-ano? Magpapasalamat pa ako? Dapat ba akong magkaroon ng utang ng loob sayo? Grabe ah!""Late ka na." Ani Eneru.
"Wala akong pakialam! Ano bang ka-"
"Mia!!! Ano bang ginagawa mo sa oras ng klase, flirting with guys?!! Mia mahiya kang bata ka!" Sa likod pala niya ay ang principal nila, ang ninang niya.
"Ninang…""Huwag mo akong matawag-tawag na ninang! Hala sige pumasok ka na sa kwarto! At ikaw din Eneru, hindi porke transferee ka dito ay kailangang i-tolerate ko lahat ng ginagawa mo. Pasok!"
Tiningnan pa ulit ni Mia si Eneru.
Then Eneru winks at her.
"Hmp!"
***
![](https://img.wattpad.com/cover/34232149-288-k514107.jpg)
BINABASA MO ANG
My Demi-God Fox (Tagalog)
Teen FictionThe Wind God Eneru was sent to Earth para lipulin ang mga monsters called noxiorions na kumakalat doon. Hindi niya aasahan na ma-eencounter niya isang gabi, ang isang girl named Mia na nakakita sa mga monsters at sa powers niya! Wala dapat taong mak...