CHAPTER XXIII - WAULKEN

27 1 0
                                    

*

Hindi maintindihan ni Mia ang sinasabi ng lalaki. Ngunit ng balikan niya ang mga narakaraang pangyayari, doon siya nakaramdam ng kaba. Noong mga araw na meron pang mga noxiorion, isa sa kanila ang tumawag sa kanya ng demi-god Loveia. Ang kanyang ina, ang panaginip nito tungkol sa mga demi-gods. Ang pagkakita sa mga halimaw na hindi kaya ng ibang tao.
"Paanong…"

Tumayo ang lalaki. "Anak ka ni demi-god Loveia at ang huwad na tao na si Mikael."

"Huwad, ang tinatawag mong huwad ay ang taong nagmahal sa Mama ko! Pero paano mong nalaman ang pangalan… ng Papa ko? Anong…"

Yumuko ang lalaki sa harap niya bilang tandaan ng paggalang. "Ikinagagalak kong makilala ang anak ng babaeng hinangaan at inibig ko. Haa… napakaswerte ko naman. Ako nga pala ang demi-god of truth. Holo. Animal symbol ko ang dolphin."

"Totoo ba talaga ang sinasabi mo?"

Tumango ito. "Ikaw ay isang anak ng isang demi-god at isang tao. Isa kang waulken." Napaupo si Mia sa harapan ng puntod ng kanyang ina. "Waulken? Ako anak ng demi-god? Hindi ko maintindihan…"

Umupo din si Holo sa tabi niya. "Hindi mo kailangang intindihin, tanggapin mo lang. Ang iyong ina, si Loveia ay ang pinakahinangaan ko sa lahat. Halos lahat ng mga demi-gods gusto siyang mapakasalan. Ngunit sadyang mailap ang iyong ina kung kaya, pumayag siya sa misyon dito sa mundo. Hanggang sa umibig siya at putulin niya ang ugnayan niya sa White Portal, ang tirahan naming mga demi-gods, mga waulken na kagaya mo nga at ng dakilang Great God."

"Waulken? Kaya pala madalas magpakita sa akin ang mga halimaw."

"Ahh mga noxiorion, dahil nga sa ikaw ay ang anak ng demi-god of attraction, kung kaya maging sayo ay naa-attract sila. Ang laki ng pagkakakahawig ninyong dalawa."

Sabay hawak nito sa mukha niya. Tinapik ni Mia ang kamay nito at tumayo siya. "Ahh!"

"Hindi pa tayo close 'no kaya huwag mo akong hahawakan!"
"Magkaugali pa kayo ng iyong ina, matapang." Sabay tawa nito.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko magbuhat kanina. Bakit ka nandito? Anong kailangan mo na isang demi-god at nag-abala ka pa na pumunta dito?"

Tumayo at sinuot ang sumbrero. "Narito ako upang sunduin ka."

"Sunduin?"

"Oo, bilang waulken, karapatan mong tumira sa White Portal. Ayaw mo ba 'yun? Marami kang makikilalang mga ibang waulkens, mga demi-gods."

Nakaisip ng ideya si Mia. "Maaari akong… pumunta doon?"
Tumango si Holo. "Hindi lang pumunta, manatili ka pa!"

"Kung gayon, dalhin mo ako doon."

*

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon