CHAPTER V - THE REAL MEANING

73 3 0
                                    


*

Pumasok na ulit ng eskwelahan si Mia.
"Aalis na po ako Papa!"

Saka siya nagsimulang maglakad patungong school.

Habang palakad siya, bigla namang sumulpot ang demi-god na si Eneru.
"Ano ba? Magsabi ka naman, huwag 'yung gugulatin mo ako ng ganyan! Bigla ka na lang sumusulpot! Grabe 'to. At saka anong ginagawa mo dito? War tayo ah? Hmp!" Saka nito iniwasan at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinundan naman ito ni Eneru.
Bwisit na babae, napakadaldal. Anito.

Sinundan niya ito hanggang sa station ng tren.

Pasakay na ng tren si Mia ng may mapansin siyang… "Ahh halimaw!" Tinuro niya ito at nagtitili siya pero napansin niyang nakatingin ang mga tao sa kanya.

"Para namang baliw 'to."
"Kawawa naman, ano bang sinasabi niya?"
"'Asan ba mga magulang niyan?"
"Grabe naman…"

Bulungan ang mga tao.

Nagtaka siya kung bakit hindi makita ng mga tao ang paparating na halimaw.

Bigla na lang siyang niyakap ni Eneru sa may likuran
"E-Eneru? Bakit hindi nila-"

"Pumikit ka."

Pinikit niya ang kanyang mga mata at sa isang iglap nawala ang halimaw.

"Anong…"

***

Magmula kanina hindi sila nagkibuan. Hanggang makarating sila sa harapan ng school. Binasag ni Mia ang katahimikan.
"Ano bang nangyari kanina? Bakit ako lang ang…"
"Hindi ko din alam." Sagot ni Eneru.

"Dapat alam mo! Dem-"

Hininaan niya ang boses niya at bumulong. "Demi-God ka diba?"

Biglang inakbayan ni Eneru si Mia. Nagulat siya pero ng makita niya sila Ashley...
"Ba-bakit nakaakbay ka sa kanya? Kayo na ba?" Tanong ni Ashley.

Inayos naman ni Mia ang salamin.
Shit talaga. Humanda ka sa akin mamaya Eneru!
"Oo. Kami na. Mahal ko siya at iniibig din niya ako." Sagot ni Eneru.

Nagtawanan ang mga babae.
Grabe ka talaga Eneru, pinapahiya mo na ako!

"At bakit mo naman nagustuhan ang babaeng 'yan?"

Ngumiti si Eneru. "Hindi ko alam."
Patay. Patay na. I'm dead. Ani Mia.

Nagtawanan ulit ang mga babae pero nagulat sila sa sinagot ni Eneru.

"Ganun naman diba, kapag talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo alam ang dahilan. Basta mahal mo siya. Kaya Mia, mahal na mahal kita, kapalit man nito ang buhay ko. Iaalay ko sayo aking prinsesa."

Biglang tinamaan ang puso ni Mia. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. "A-Ano bang sinasa-"

Sa isang iglap, hinalikan ulit siya ni Eneru. Second time he did.

Nagsialisan ang mga babae sa inis. "Corny!"

Pero nagpatuloy parin ang kiss. Parang nasa cloud nine si Mia. Ewan kay Eneru pero parang ayaw din niyang tumigil. Humawak si Mia sa balikat ni Eneru, humawak naman si Eneru sa batok nito.

Hanggang sa nagring ang bell, doon pa lang tumigil ang matamis nilang halik. Nagtinginan silang dalawa.

Ano bang meron sa babaeng ito? Sabi ng diwa ni Eneru.

Namula si Mia at naunang nagpaalam.
"S-Sige, mauna na ako."

Pero pinigil ni Eneru ang kamay niya.

"S-Sandali. Sabihin mo, tao ka bang talaga? A-Anong ginawa mo, sa akin ha?"

***

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon