*
Maagang pumasok si Mia. Iniisip niya parin si Eneru. Alam niyang mabilis ang mga pangyayari, pero wala eh nakikisabay ang puso niya.
"Andito na naman ang ugly duckling. Hoy. Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?"
"Sabi ko na nga ba hindi niya boyfriend si Eneru eh! Hahaha!" Sabay tawa ng grupo ni Ashley. Dinaanan nila ito. Binunggo ang balikat niya. Sabay buntong-hininga niya.Papasok na sana siya ng makita niya si Eneru. Nilapitan niya ito. "Eneru."
"Simula ngayon, 'wag mo na akong kakausapin Mia. Tapos na tayo.""Bakit mo ba ako ginaganito Eneru?"
Napangiti ito. "Tao ka lang Mia. Stay away from me, from now on."
Tapos tuluy-tuloy itong pumasok sa classroom nila.
Hinintay niya ito 'nung lunch ngunit iniwasan parin siya ni Eneru.
Hanggang sa pag-uwi. Deadma.
"Nagsawa na siguro si Eneru. Haha!"
"Hindi 'no, nagising na siya sa katotohanan!" Sabay tawa ulit ng grupo ni Ashley.Sumosobra na kay- "Eneru!"
Tinawag niya ito ng makitang padaan.
"Sabihin mo nga sa babaeng 'to Eneru na magising na siya sa katotohanan. Grabe assumera o!" Ani Ashley."Eneru…" Ipagtanggol mo ako please.
Please…
Pl-Nilagpasan lang siya ni Eneru at dire-diretsong lumabas ng school.
Tawanan ulit ang tatlo at sumunod palabas. "Kawawang freak. Hahaha!"
**
Naupo siya sa mga upuan sa may pathway ng school. Nagtulala mode. Hindi niya alam kung ilang oras na siya doon pero ginabi na siya. Ganito ba talaga mainlove. Ang hirap. It hurts. Why pain strucks my heart?
May napansin siyang paparating.
"Hindi… 'Wag naman ngayon!"
"Demi-God Loveia… Nandito kami para kunin ka…"
Mga halimaw na naman?
"Teka nagkakamali kayo, hindi ako isang demi-god! Ahhh!!!!"
Eneru. Eneru.
"Eneru!!!!!"Pagtawag niya sa pangalan nito, ay ang pagdating ng malakas na hangin.
Sa isang iglap nawala ulit ang mga halimaw.
Lumitaw ang demi-god na si Eneru.
"Ano pa bang ginagawa mo dito?! Baliw ka ba?""Siguro! Sana kinain na lang ako ng mga halimaw na 'yun! Bakit ka pa pumunta dito Eneru! Ang sama mo…" At tuluyan na siyang napaiyak.
Lumapit ito sa kanya. "Hindi ko alam. Dahil siguro tinawag mo ang pangalan ko."
Hinawakan ni Eneru ang pisngi niya.
"Kung wala ka talagang gusto Eneru, matagal mo na akong hinayaang mamatay. Pero bakit dumating ka? Bakit?"
Dalawang kamay na ni Eneru ang nakahawak sa mukha ni Mia.
Inilapit nito ang mukha nito sa kanya.
"Dahil… tinawag mo… ang pangalan ko…"Pagkuwa'y hinalikan siya nito. Hinalikan siya ng matagal. Napahawak siya sa balikat nito. Hanggang sa tumigil ito at niyakap siya ni Eneru.
"Ang tigas ng ulo mo. Sabi kong layuan mo na ako."
"Basta Eneru, gusto kita."
*
BINABASA MO ANG
My Demi-God Fox (Tagalog)
Fiksi RemajaThe Wind God Eneru was sent to Earth para lipulin ang mga monsters called noxiorions na kumakalat doon. Hindi niya aasahan na ma-eencounter niya isang gabi, ang isang girl named Mia na nakakita sa mga monsters at sa powers niya! Wala dapat taong mak...