CHAPTER XVIII - THE UNPLANNED PLAN

28 1 0
                                    

*

"Naku, mahihirapan tayo dyan Mia. Una sa lahat, isang napakabigat na kasalanan ang love between a demi-god and a human."
Nalungkot si Mia. Alam niya 'yon, pero hindi niya kayang isipin na mawawala na si Eneru sa kanya. Hindi niya ma imagine, na sa isang iglap, wala ng Eneru siyang makikita. Mayayakap. Mamahalin.

Dagdag pa ang pagkagaga niya, ang pagpayag niyang tulungan siya na lipulin lahat ng mga halimaw.

"Sinabi ko din na tutulungan ko siyang malipol lahat ng mga halimaw. Kung alam ko lang..." Natahimik.
"Okay. Tutulungan kita."
Nabuhayan ng loob si Mia. "Talaga? Ba-"

"Ops. Wait a minute babe. Huwag kang umasa, na makakagawa ako ng paraan, na mapipigilan ko. Basta susubukan ko, dahil kaibigan ko si Eneru. Alam kong ayaw niya kay Friya, hindi rin naman ako payag sa relasyon niyong dalawa. Pero mas gusto naman kita kaysa kay Friya. Basta. Lemme take a try. But don't expect. Okay?"

Ngumiti si Mia. "Einstenius, salamat at nakilala kita."

"Haay, bakit ba kapag naririnig kong masaya ka, parang may magnet sayo at lumalambot ang pakiramdam ko. O siya, hintayin mo na lang ang tawag ko. Huwag mo ng sasakalin ang kwago ko!" Ngumiti ulit siya.

Tapos, naalala niya ang sinabi ng Papa niya tungkol sa ina niya. "Ah Einstenius. May isa pa akong tanong."

"Eins na lang, masyadong formal you know? Ah nevermind. Ano yun?"

"Nabanggit sa akin ni Eneru na ikaw ang pinakamatalinong demi-god..."
Tumango ang kwago. "Tama. Tama. Pero hindi mo na kailangang... Teka. Ano bang tanong mo?"

"Tungkol sa Mama ko, madalas niya kasing mapaniginipan, kayong mga demi-gods. Posible kayang may connection ang Mama ko sa inyo? O baka may nakilala din siyang demi-god dito sa lupa?"

Nag-pause muna si Einstenius bago sumagot. "Hmm. Posible na baka may nakilala siyang ibang demi-god, pero iilan lang naman ang mga pinapadalang demi-god dyan sa mundo niyo."

"Parang katulad ni Eneru at ako."

"Pero kung may nakilala siyang isa, dapat, ahh, itse-check ko na lang ang bagay na 'yan tungkol sa Mama mo sige. Marami pa akong gagawin Mia. Sige!" Pagkatapos ay pumikit at yumuko ang kwago.

Humiga si Mia sa kama niya.
Eneru. Gustung-gusto kita.

This love, Mia never felt it before. Hindi niya nga ineexpect na makakahanap siya ng isang guy. Tapos ganito pang klase ng guy.

Ipinikit niya ang mga mata niya, pero sa isip niya nakalitaw parin ang mukha ng minamahal niyang si Eneru.

Ang demi-god na si Eneru.

*

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon