*
Bumalik si Eneru sa White Portal. Pero sa gate pa lang ng palasyo, hinarangan na agad siya ng mga deity guards.
"Ipagpaumanhin ninyo demi-god Eneru ngunit hindi pa kayo mapapahintulutan na makapasok sa White Portal. Bumalik na lang kayo sa susunod na buwan.""Papasukin ninyo ako, kailangan ko lang makausap si Einstenius."
"Hindi talaga maaari demi-god Eneru. Sumobra na kayo sa bilang ng pagpunta ninyo dito."
"Wala akong pakialam!"
"Anong kaguluhan ito? Eneru!"
Biglang paglitaw ni Friya.
"Natapos mo na ba lahat ng misyon mo?""Friya, hayaan mo akong makapasok, ka-"
"Hindi. Bumalik ka na Eneru."
"Kaila-" Tsaka na nag-disappear si Friya.
Shit. Kahit kailan hindi ko talaga maaasahan ang Friya na 'yun. Shit!"Einstenius!!!" Sigaw niya nang malakas.
Sana narinig mo ako, kailangan ko ng tulong mo.Umuwi na lang siya sa bahay niya at doon binantayan ang walang buhay na si Mia.
"Mia."End of first day of the dead Mia.
***
Sa White Portal.
Nabalitaan ni Einstenius ang tangkang pagpasok ni Eneru.
"Haay, that kid is an asshole. Bahala na nga. Kaibigan kong kwago, nais kong puntahan mo ang demi-god na si Eneru sa mundo ng mga tao." Tsaka niya pinalipad ang ibon. Kwago ang animal symbol ni Einstenius.Lumabas siya ng silid-aklatan at nakita niya ang demi-god na si Schylla na hawak-hawak ang isang glass na lalagyan na may kaluluwa.
Palihim niyang sinundan niya ito, hanggang sa…
"Friya, heto na ang kaluluwa ng tagalupa." Bigla niya itong inihagis sa isang kulungan at doon lumitaw ang tunay na anyo ni Mia.
"Na-nasaan ako?"
Sino naman itong mga mukhang…"Ikaw tagalupa, ano bang meron ka't kinahuhumalingan ka ni Eneru hah? Alam mo bang ikakasal na kaming dalawa ha? Ngayon ka pa nanggulo!"
Shit.
Anak ng… Mga demi-gods?"Ikaw 'yung babae kanina ah!" Turo niya kay Schylla. Napangiti si Schylla.
"Anong karapatan mong ituro siya, wala kang galang tagalupa!" Sigaw ni Friya."Pakawalan niyo na ako!"
"Pakakawalan lang kita kung matapos ni Eneru ang misyon niya sa mundo ninyo. Sana hindi lang siya matagalan dahil baka mabulok na ang katawang lupa mo."
A-ANO?!!
Hinawakan ni Mia ang katawan.
Ka-kaluluwa na lang, ako? Pero paanong… Bigla na lang niyang naalala si Eneru.
"Nagkakamali kayo, wala namang pakialam si Eneru sa 'kin. Kaya pakawalan niyo na ako!"Tumawa ang dalawa at lumabas na sa silid na iyon.
Paano naman siya ililigtas ni Eneru?
"Wala namang pakialam sa 'kin si Eneru… Lagot. Mamamatay na talaga ako."
*

BINABASA MO ANG
My Demi-God Fox (Tagalog)
TienerfictieThe Wind God Eneru was sent to Earth para lipulin ang mga monsters called noxiorions na kumakalat doon. Hindi niya aasahan na ma-eencounter niya isang gabi, ang isang girl named Mia na nakakita sa mga monsters at sa powers niya! Wala dapat taong mak...