*
Binitiwan ni Eneru ang kamay niya.
"Ano bang sinasabi mo? Natural tao ako, anong akala mo halimaw ako? Wow ha?"Umiling si Eneru. "Sabagay, ordinaryong tao ka nga lang pala."
Balik na naman sila sa normal. "Saan mo pala galing 'yung mga sinambit mo kanina hm? Parang totoo ah?" Sabay tawa ni Mia.
Biglang nagpanic si Eneru. "W-wala. Ha! Magaling lang talaga ako, demi-god kaya ako diba."
"Asus! Halika ka na nga! Late na tayo."
Sabay hawak nito sa kamay ni Eneru.
Nakaramdam si Eneru ng electric charge sa paghawak nito. Hanggang sa pagpasok sa loob ng school ay nakatitig parin si Eneru sa kamay nilang dalawa na hawak-hawak parin ni Mia. Napansin ito ni Mia kaya binitawan niya ito.
"Bakit?"Bumalik si Eneru sa reality. "W-wala."
Nagpaalam na si Mia sa kanya at pumasok na sa classroom niya.
Si Eneru ay naiwang nakatayo at nakatitig sa kamay nito. "She's just an ordinary human."
***
Bumalik agad si Eneru sa White Portal. Doon nakasalubong niya ang fiancee niyang si Friya, ang Ice Demi-god.
"Eneru. Mukhang pabalik-balik ka yata dito? Natapos mo na ba ang lahat ng pinapagawa sa'yo? Tandaan mo matapos mo lahat ng 'yan, magpapakasal na-""Alam ko. Sige."
Pinigil ni Friya ang kamay niya. Walang naramdaman na kahit na ano si Eneru sa kamay ni Friya.
"Huwag mong sabihing binabagalan mo para mahuli at hindi matuloy ang pag-iisa nating dalawa Eneru?""Marami pa akong gagawin Friya, kaya maaari ba?" Tsaka nito binitiwan ang kamay niya at tuluyan ng tumungo sa silid-aklatan.
Makikita mo Eneru. Ani Friya.**
"Eneru, my friend! What's up?""Nagiging fluent ka na ah Eins." Sabay upo ni Eneru sa isang upuan doon.
"Of course my dear. Baby, oh honey, oh yeah, how are you? Pabalik-balik ka dito."
"Yuck Eins, okay na 'yung kanina eh. May tatanong ulit ako."
Inayos ni Einstenius ang mga nakakalat na libro sa mga mesa. "Haay, kainis na mga demi-gods o. Ano na naman, tungkol ba sa babaeng sinasabi mo, 'yung Mia?"
"Paano mong…"
"Ako pang tinanong mo ng ganyan Eneru!" Tinapik ni Einstenius ang mesa.
"Siya nga, kanina kasi sinugod siya ng noxiorion kanina, pero hindi ito nakita ng ibang tao. Bakit ganun?"
Hinawakan ni Einstenius ang baba niya. "Kanina nakita ko ang pangalan niya."
"Anong…"
"Mamamatay siya ngayong araw, nakita ko kanina sa death list."
"Ano?" Dali daling umalis si Eneru at bumaba patungo sa mundo ng mga tao.
Naiwan si Einstenius na nag-iisip.
"Pero, bakit ganun? Hindi man nakita ng ibang tao ang noxiorion? Hindi kaya… Aha! Alam ko na!"Tinapik nito ang kamay niya, pero wala na si Eneru.
"Eneru? Huh?"***

BINABASA MO ANG
My Demi-God Fox (Tagalog)
TienerfictieThe Wind God Eneru was sent to Earth para lipulin ang mga monsters called noxiorions na kumakalat doon. Hindi niya aasahan na ma-eencounter niya isang gabi, ang isang girl named Mia na nakakita sa mga monsters at sa powers niya! Wala dapat taong mak...