CHAPTER XVI - FOOLISH HEART

30 2 0
                                    

*

Maaari ng bumalik si Eneru sa White Portal. Kailangan na niyang tapusin ang misyon niya sa mundo ni Mia. Ngunit kung tatapusin niya ay isa lang ang ibig sabihin 'nun.

Magpapakasal na siya kay Friya. At iiwan na si Mia.

"Eneru!" Tawag ni Mia sa kanya na kararating lang ng school.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, gaano na ba kalalim 'yung nakuhay mo?" Biro nito.

Napangiti siya. "Mia..."

"Ayoko kapag tinatawag mo 'ko ng ganyan. Feeling ko may hindi magandang mangyayari."

"Kailangan ko ng tapusin ang misyon ko dito, gusto mo ba akong tulungan?"

Naging interesado si Mia. "Si-Sige! Para naman maka-experience ko din kung paano ang ginagawa ninyong mga demi-gods."

Ginulo nito ang buhok niya. "Ano ba! Bakit?"

"Huwag na nga, wala namang maganda sa ginagawa namin."

Sumimangot si Mia. "Ah basta, tutulungan kita. Diba kailangan mo lang lipulin lahat ng mga halimaw?"

He remembered the past. Ang past na kung saan, hinuli niya ang traydor na mga demi-gods. Lalo na ang isa.
"Bakit Eneru? Natahimik ka?"

"Siguro isinumpa ako ng demi-god na yun."
"Ha? Ang alin? Isinumpa?"

"Oo, dahil I made a relationship with a human like you." Sabay hawak nito sa kamay ni Mia. "Sorry Eneru, alam kong bawal..."

"Hayaan mo na. Ano tutulungan mo ba ako?"

Bigla siyang niyakap ni Mia. "Oo naman! Basta ikaw Eneru! Ano bang mangyayari kapag natapos mo na ang misyon mo? Pwede na tayo 'nun?"

Nagfade ang smile ni Eneru. "Oo. Pwede na tayo Mia."

"Talaga!"

Pero ang magiging ibig sabihin talaga 'nun ay iiwan na kita Mia. Kapag napatay na lahat ni Eneru ang mga halimaw, ay tapos na rin ang misyon niya sa mundo.

Patawad Mia. Sana maintindihan mo.

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon