21.

2 2 0
                                    

《 Defend Hera》

Niña's POV

"Di pa talaga pwede kumain?" Nagmamaka-awang sabi ni Nics.

"Ito oh biscuit." Sabi ni Amrie, sabay abot kay Nics ng sinabing pagkain.

"Hala nagdala ka nito? Bakit?"

"Alam kong patay gutom ka eh."

"Eh?"

"Hahahahaha." Nagtawanan nalang kami.

"Ewan ko sa inyo." Naiiritang sabi ni Nics.

Dumadami na ang pumapasok sa event hall at mukhang mas dadami pa ito. Sa pagka-kilala ko kay Ate Cy, siya yung type na sociable. Pero hindi ganon ka super. Sakto lang.

Madami talagang nakakakilala sakanya kase anak siya ng Principal namin at nasa student council din siya.

"Good Evening everyone."

Napunta ang aming mga paningin sa stage kung saan nandun si Ate Cyra.

"Thank you for coming to my birthday party. I'm thankful for this. Please enjoy yourselves! Once again thank you!"

"Hooo! Happy birthday Cy!!"

"Go birthday girl!"

"Ang ganda mo po Ate Cyra!!"

Hiyawan ng mga tao sa paligid samin. Parang mata-tanggal na tenga ko dahil sakanila.

"Yay kainan na!!!" Aniya Nics. Umalis siya sa upuan niya at nagmadaling tumakbo sa mga hinandang pagkain doon sa mga mesa.
"Uy dalian niyo!!"

"Aish," Bumuntong hininga si Amrie. "Kailangan kong bantayan si Nics. Baka mawala sa kakain."

"Hala may pizza sila! Tara Hugo!" Hinila ni Hanni si Hugo papunta sa direksyon na pinuntahan nina Nics.

"Pupunta na kayo dun ngayon?" Tanong ko kela Ash at Frances.

"Hindi muna. Masyadong madami ang mga tao. Baka magka-banggaan. Mamaya na lang. Ikaw ba?" Sagot ni Frances.

"Mamaya na lang din." Tumayo ako.
"Maglalakad-lakad lang ako."

~

Ang dami nang tao..

Hindi naman ata ako mawawala dito diba? Pwede din naman ako magtanong sa mga tao sa paligid ko.

Pumunta ako sa part na medjo walang mga tao para makahinga.

"Hi miss."

Nagulat ako at tumingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Lalaki siya.

May kausap siyang babae. Nakita ko na siya sa grade 8 classroom ah. At bakit kinakausap siya ng senior na toh?

"Hello..?" Sabi ng babae.

"Nawawala ka ba sa table niyo?"

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

"Ang ganda mo ah. Anong pangalan mo?"

Sana talaga magsabi siya ng fake name. Sana talaga.

"Uhm.."

"Sige na, Miss."

"Hera po."

"Hera? Full name mo?"

Pati full name kailangan?

"Hera lang po sasabihin ko..."

"Eh, ang easy lang naman
sabihin nun ah. Come on."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soulmate Or FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon