Prologue

9.8K 152 12
                                    


"'Pa! Lumaban ka na man oh,please," hilam sa luha kong sambit.

Nakahiga siya sa matinding karamdaman.
Parang hindi niya ako naririnig. Tinatawag niya si Mama na namatay na two years ago pa.

"'Wag mo naman kaming iwan, hindi ko na kakayanin pa kung pati ikaw mawala pa sa amin,'Pa! Paano na kami ng mga kapatid ko?" Iyak ako nang iyak habang tinitignan siyang nahihirapan. Sobrang sakit sa dibdib.

Pero nalagutan pa rin siya ng hininga. Nagdasal ako ng maraming beses na 'wag siyang kunin sa amin pero binawi pa rin siya sa amin ng diyos. Parang tumigil ang mundo ko. Parang hindi na ako makahinga at sumisikip ang dibdib ko.

"PAPA! HINDI KO KAYA!" sigaw ko.

Bigla akong napabangon sa pagkakatulog. Panaginip lang pala. Umiiyak na naman pala ako habang natutulog.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Tagaktak rin ang pawis ko sa aking noo. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-move on sa pagkawala ni mama at papa.

Naupo ako sa kama. Tiningnan ko ang oras sa bedside table 1:15 A.M. pa lang.
Napagdesisyunan ko ng lumabas ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina.

Naglakad ako papunta doon at nagsalin ng tubig sa baso at inisang lagok lang iyon. Pagkatapos kong uminom, ay may nakita akong bulto ng lalaki na nakatungo sa counter island. Naaaninag ko siya dahil sa ilaw mula sa labas ng bintana. Naka-off ang ilaw sa kusina kaya 'di ko makita kung sino.

Bigla akong kinabahan, baka may nakapasok dito sa loob ng bahay! Kahit kinabahan man ay tinatagan ko ang aking loob. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at nagulat sa nakita.

Si sir Jandro lang pala. Nakahinga ako ng maluwag. Naka office suit pa siya. White long-sleeved na linuwagan na ang necktie, slacks at naka-black shoes pa. May hawak siyang baso na wala ng laman at bote ng alak na nakahiga na sa table.

Pagod na pagod siguro siya sa trabaho, pero bakit siya umiinom? At saka madaling araw na ah? Hayy, naku talaga 'tong si sir.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang bote ng alak at nilagay ko sa ibaba. "Sir," tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya.

"Sir, doon na lang po kayo sa sofa matulog. Baka sumakit po iyang leeg mo." Paliwanag ko sa kanya, kahit hindi ko alam kong naririnig niya ako.

"Hmmmm..." ungol niya. Pero hindi man lang nagmulat ng mga mata. Kaya kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang baso at nilapag sa table tapos nilagay ko ang braso niya sa balikat ko para alalayan sana siyang makatayo at maglakad. Kaso sobrang bigat.

"Sir, gumising ka naman oh, hindi ko po kayo kaya," sabi ko sa kanya habang tinatapik ko ang pisngi niya.

Nagising naman siya at tumingin sa akin. Namumungay ang mata niyang nakatunghay sa akin at medyo mapula pa iyon, siguro dahil lasing siya. Tumayo na siya at inalaayan ko siya hanggang sa maabot namin ang sala at pinahiga ko siya sa sofa.

Parang mababalian ako ng buto dahil sa kanya. Sobrang bigat, eh ang liit ko pa naman. Naupo ako saglit sa sahig para magpahinga ng kaunti. Huminga ako ng malalim para payapain ang dibdib kong parang nahahapo sa pagbuhat ko sa kanya.

Pakalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako at dali-daling kumuha ng maliit na planggana na may maligamgam na tubig at bimpo.

Pinuntahan ko si Sir at sinimulang punasan ang pisngi niya para mahimasmasan siya. Ganito kasi ginagawa ni mama dati kay papa noong maliliit pa kami ng mga kapatid ko.

Tinanggal ko ang pagkakabotones ng polo niya at inalis ang sapatos niya. Sinimulan ko ng punasan ang leeg at dibdib niya, kahit amoy alak siya, ang bango niya pa rin. Napaka payapa ng mukha niya, sobrang gwapo habang natutulog, kapag gising kasi siya lagi nalang masungit pero gwapo pa rin naman. Napangiti ako.

Napalunok ako ng mapadako ang tingin ko sa labi niyang nakaawang, mapupula iyon at sa katawan niyang alaga sa gym. Para akong nauhaw sa nakikita ko. Nag-sign of the cross ako, para linawan ang isip ko na hindi ako magkasala kay sir.

Nagulat pa ako at nanlaki ang mata ko ng hawakan ni sir ang palapulsuhan ko na may hawak na bimpo. Tumingin ako sa kanya.

Nagising siya, pero ang hindi ko inaasahang gawin niya ay ang paghawak niya sa ulo ko at dinikit ang labi niya sa labi ko. Para akong naistatwa sa ginawa niya, parang nanginig ang kamay ko. Gumagalaw ang labi niya. Tumututol ang isip ko pero parang wala akong lakas na itulak siya.

Masarap ang halik niya, dahil ngayon lang ako nakatikim ng halik, nalalasahan ko pa ang alak sa labi niya. Pero parang mas lalo akong nag-iinit dahil do'n. Napapikit na lang ako ng maamoy ko ang mabango niyang hininga.

Namalayan ko na lang na nakapatong na ako kay Sir. Hindi ko na kilala ang sarili ko, dahil masyado na akong nalalasing sa halik niya.

Kinagat niya ang pang ibaba kong labi kaya naibuka ko ang labi ko. Nagkaroon siya ng pagkakataon na ipasok ang kanyang dila sa aking bibig. Matamis iyon. Parang ginagalugad niya ang loob ng bibig ko. Tumutugon na rin ako sa mainit niyang halik. Parang kay dali kong matuto. Nang bigla siyang tumigil.

Tinignan ko siya. Tinulugan na ako ng mokong na ito, nagnakaw lang ng halik sa akin hindi pa niya alam. Nasaan ang hustisya 'di ba? Masarap, pero kailangan niyang panagutan ang labi ko. Huhuhu.

Ngayon natitigan ko na siya ng malapitan, sobrang payapa ng mukha niya. Napahawak nalang ako sa labi kong nahalikan niya. Ang saya ko!

--------
N/A: Please do vote and follow me. Maraming salamat.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon