CHAPTER 4

4.7K 103 1
                                    

CHAPTER 4

Nang makabawi ng paghinga, naglakad na ako. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko si Shiela na naghuhugas ng plato.

"Oyy kamusta naman ang interview sayo  ni Sir ha?" nakangiti niyang tanong.

Ngumiti ako sa kanya. Sumalin muna ako ng tubig sa baso at inisang lagok iyon.

"Tinanong ba ni Sir kung may boyfriend ka na? Naku tiyak na magugustuhan ka no'n. Mabait na maganda ka pa. Hindi na siya lugi no'n." natatawa niyang sabi. Naloloka ako sa pinagsasabi  ni shiela.

"Hindi noh, malabo na magustuhan ako no'n. Masungit! saka kinausap lang ako ni sir tungkol sa pag-aalaga kay Baby Kianna," paliwanag ko sa kanya.

"Ah ganoon? Kala ko pa naman—" malungkot niyang sabi pero naputol ang sasabihin niya dapat, nang pumasok sa kusina si Amalia.

"Gabing-gabi na nagchichismisan pa kayong dalawa diyan. Bilisan mo na diyan Shiela at i-off na ang ilaw. Maaga dapat kayong gumising bukas!" mataray niyang litaniya sa amin ni Shiela.

"Yes madam!" pabirong pagsang-ayon ni Shiela ky Amalia. Inirapan niya kami.

"Masanay ka na kay Amalia, Krista. Masungit talaga siya kasi hindi na nagka-love life," hagikhik ni Shiela.

Tumawa na lang kaming dalawa ni Shiela. Masaya ako at naging close ko si Shiela kahit papano gumaan ang nararamdaman ko sa unang araw ko sa trabaho  dito.

***

Maaga akong nagising kinabukasan. Naalala ko na kailangan ko pa lang I-update ang kapatid ko at kamustahin sila.

Kinuha ko ang cellphone kong de-keypad sa bag na dala ko kahapon at nagtipa ng mensahe.

"Krishna kamusta kayo ni Kristof diyan kina Auntie Alba? Wag kayong magpapasaway ha. Tumulong kung kinakailangan. Nakarating ako ng maayos dito sa pagtatrabahuan ko. Mahal na mahal kayo ni ate. Ingat kayo lagi," pagkatapos kong i-type, pinindot ko ang button na send.

Nilagay ko sa cabinet ang dala kong gamit. Pagkatapos, naligo at nagbihis. Tinirintas ko ang mahabang buhok at nagpolbos ng kunti bago lumabas.

Umakyat ako sa taas para tignan kung gising na si Kianna sa kwarto niya.

Sinilip ko siya, pero tulog na tulog pa rin. Napagdesisyunan kong timplahan na siya ng dede niya.

Nilagay ko sa bibig niya ang tsupon, denede naman niya agad iyon. Hinintay kong maubos niya at tinapik tapik ko ang legs niya. At nag-hummed ng lullaby. Tulog ulit siya.

Bumaba ulit ako at pumunta ng kusina, naabutan kong kakatapos lang magluto ni Shiela.

"Good morning!" masaya kong bati sa kanya.

"Good morning din Krista! Wow fresh na fresh ah, ako kasi isang oras pa lang pagkatapos kong maligo haggard ulit," biro niya.

Tumawa naman ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba, blooming ka nga eh," ani ko sa kanya.

"'Wag mo na akong bulahin Krista. Halika na at kumain na tayo, baka magising pa iyong alaga mo," aya niya sa'kin. Umupo na man ako sa tabi niya at nagsimulang kumain.

"Si Amalia di ba siya sasabay satin?" tanong ko.

"Tulog pa siguro, senorita iyon dito," sabi niya. Napatango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Sumubo ako ng malaki para maubos ko na ang pagkain ko. Nang may narinig kaming yabag papalapit, sabay kaming napatingin doon ni Shiela.

Si Sir Jandro! Pati pabango niya kumalat sa loob ng dining.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon