CHAPTER 11

4.3K 88 1
                                    

Pagpasok namin sa loob, sobra akong namangha. Ganito pala ang birthday party ng mga mayayaman. Sobrang ganda!

Ang ganda ng mga decorations, Prince and princesses ang mga suot ng mga batang invited sa party, ganoon din ang mga adult na naroon naka formal suit ang lahat.
Parang nanliit ako sa sarili ko, lahat mayayaman ang imbitado sa parting ito. Samantalang ako, yaya lang!

"Bro, Thanks. You're here!" bati ni Drew kay sir Jandro nang makita kami. May katabi siyang mestisang babae na sobrang ganda. A sophisticated woman.

"Yeah I'm with my Princess and Krista," he introduced us.

"Hi beautiful princess. Wow! You look like a lady now!" bulalas niya kay Kianna. At hinalikan niya sa cheeks.

"Thank you!" Kianna said and smiled sweetly to Drew.

Nang madako ang tingin ni Drew sa akin. He smiled at me. Lumabas ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin na aakalain mong endorser ng tooth paste. At ang malalim niyang dimple sa kanang pisngi. Ang gwapo niya!

"Hi gorgeous!" bati niya sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. I felt his soft lips on my hand. I also felt my cheeks were red like tomato dahil sa ginawa niyang iyon.

"Mas lalo kang gumaganda Krista when you're shy and your blushing, 'di ba Jandro?" tanong niya kay sir Jandro. Pero tinitigan lang ako ni sir. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ni Drew sa kanya. Kaya ang akward! Bakit ako pa ang topic dito?

Mabuti na lang at nagsalita ang katabi ni Drew na babae. "Hi Jandro and Princess!" bati niya at nagbeso siya kay Jandro at nag-kiss kay Kianna. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"And also to you Krista, nice to meet you. It's true, that your gorgeous. I'm Danica sister ni Drew," nakangiting bati niya sa akin at bineso ako. Inilahad niya rin ang kamay sa akin at tinanggap ko iyon.

"Hello Ma'am Danica nice to meet you po, ikaw din po ang ganda mo," malumanay kong tugon.

"Oh drop that Ma'am,Krista. Just call me Danica. Siguro hindi naman nagkakalayo ang age nating dalawa 'di ba?" tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti. Ang bait niya kahit mayaman at maganda pareho sila ni Drew ng pag-uugali.

"Dude! By the way, where's the birthday boy?" tanong Jandro kay Drew.

"Come on, sasamahan ko kayo roon," ani Drew at naglakad na kami papunta sa birthday boy.

Binigay ni Kianna ang gift niya kay Elijah na sobrang gwapo sa suot nitong pang prince charming. Binati ito ni Kianna at nag-thank you rin ito.

Tinuro sa amin ni Drew ang seat na naka-reserve para sa amin ni sir. Kasi si Kianna doon siya nakaupo sa front tables na para sa mga batang bisita.

Katabi ko si Sir at nasa kanan ko siya. Sa kaliwa ko ay vacant iyon pero marami kami sa table na iyon lahat mga business man at mga socialite people.

Nagsisimula na ang party ng mga bata. Nagulat pa ako ng tumabi sa akin si Drew, siya ang nasa kanan ko. He smiled at me. Ganoon din ako sa kanya.

Naguusap-usap ang mga kasama namin sa table, ganoon din si sir. Ako, hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila dahil puros tungkol sa mga kompanya nila iyon. Sumisimsim na lang ako ng juice paunti-unti para hindi naman ako magmukhang tanga roon.

"Krista are you okay?" tanong ni Drew sa akin.

"O-oo okay lang ako, salamat," ani ko.

"Don't hesitate to tell me if you need anything," sabi pa niya at ngumiti. Tumango ako sa kanya at ngumiti rin. Mabuti pa si Drew napaka thoughtful, itong amo ko walang paki. Lumingon ako kay sir at nakitang nakatitig sa amin ni Drew. Yumuko na lang ako.

After ng party ng mga bata. Turn over party din pala para kay Drew bilang CEO ng kanilang kompanya. Kaya pala andito ang mga business man at mga socialite na mga tao. Pumalakpak ako at nag-congratulate sa kanya.

Pagkatapos niyon ay nag-serve na mga pagkain sa table namin. Nagulat pa ako ng si Sir ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Himala! Pero nagpasalamat naman ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, may sayawan. Kinuha ko na si Kianna sa inuupuan niya at dinala sa upuan namin ni sir. Kinandong ko siya ng biglang sumulpot si Drew sa harapan ko.

"Can I have this dance Krista?" tanong niya sa akin at inabot ang kamay ko.

Tumingin ako kay sir para humingi ng permiso. Tumingin din sa kanya si Drew dahil nakuha niya siguro ang pinapahiwatig ko.

"Bro is it okay with you if I dance Krista?" tanong ni Drew kay sir Jandro.

"Y-yeah, go ahead," walang emosyong sagot niya at kinuha niya sa akin si Kianna.

Hinawakan ni Drew ang kamay ko at giniya niya ako papuntang dance floor.

Nilagay ni Drew ang dalawang kamay ko sa balikat niya, medyo naalangan pa ako, kasi ang macho niya at ang tangkad niya sa akin, kaya para akong nakatingala sa kanya. Ang gwapo niya sobra!

Tumugtog ang, "Wonderful tonight" at nagsimula na kaming sumayaw. Medyo naiilang pa ako sa kanya dahil hindi ako sanay sa ganito.

"Is this your first time to dance like this Krista?" tanong ni Drew. Napansin niya siguro ang pagiging uneasy ko habang kasayaw ko siya.

"Oo eh,wala kasing ganitong party sa probinsya namin. Hindi rin ako mahilig sa ganito at saka noong JS prom namin noong high school hindi ako sumali," kwento ko sa kanya na nahihiya.

"So it means that I'm your first dance?" tumango ako sa tanong niyang iyon.

The Yaya Of My Little Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon